CHAPTER 10: WARM CUDDLE

3.2K 73 10
                                    

CHAPTER 10: WARM CUDDLE
Chapter Theme Song: Sleepover // Hayley Kiyoko

Jennie's Point of View

       Nang makalabas si Lisa sa pinto, dumapo ang tingin ko sa mga paper bags na dinala niya kanina.

       Dahil sa sobrang kuryusidad, binuksan ko ang isa no'n, 'yong pinakamalapit lang sa akin at namilog ang mga mata nang makita ang laman sa loob.

       Inabot ko ang cellphone ko sa mesa at kaagad na nagpadala ng mensahe kay Lisa.

24/7 Na Mahalay

Para saan ang mga ito?

For you? May pinunit ako kahapon diba?

       Kaagad na nag-init ang pisngi ko nang pumasok sa isipan ang mga nangyari sa amin kahapon sa sasakyan, sa opisina at sa mismong sala ng bahay ko. God! Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing magkasama kami?

Pero isa lang yon, bakit
andami nito??

Gusto mo dagdagan ko pa ang
napunit ko? Just say baby and I'll do it.

       Hindi ko na nireplyan siya dahil nagsisimula na naman ito sa kapilyahan niya. Ipinanganak atang malibog ang babaeng 'yon.

       Nang makauwi ako sa bahay, nagulat ako na makita si kuya na nasa kusina at nag-aayos ng mga pinggan sa dining table. Kumunot naman ang noo ko at kahit nahihiya sa kanya—dahil sa nasaksihan niya kahapon—ay lakas-loob pa rin akong lumapit sa kanyang direksyon.

       Kaagad niya namang napansin ang presensiya ko at napatingin sa mga paper bags.

       “You went shopping?” tanong niya at umiling naman ako.

       “May nag-abot lang sa'kin kanina sa trabaho.”

       “What are those?”

       “Girls' stuffs. By the way, andami atang plato?” tanong ko sa kanya.

       “Siyempre, madami rin akong niluto eh. Saka may isang bisita tayo maya-maya,” sagot niya at mas lalo lamang akong naguluhan.

       “Sino?”

       “Guess who.”

       “One of your friends? Or our neighbor?” hula ko pero umiling-iling siya.

       “Chaeng? Jisoo unnie?”

       “No.”

       “Eh, sino?”

       Wala naman kasi akong ibang maisip. Tanging mga kaibigan at katrabaho lang namin ang madalas na nagpupunta dito sa amin. May mga kapamilya din minsan pero madalas lang 'yon at kapag may malalaking okasyon lamang.

       “'Yong bumisita dito kahapon,” sagot niya at napaisip naman ako.

       Wala namang nagpunta rito kahapon maliban kay—Oh my God!

       “Si Lisa?!”

       “You got it right!” Gumawa pa siya ng tunog gamit ang hawak na tinidor sabay turo ng dalawang hintuturo sa akin.

       “You invited her? P-Pero bakit? I mean, bakit?!”

       “Why not, Jennie? Nakausap ko siya kahapon, ilang beses pa nga niya akong napuri. Of course, it's not just because I'm worldwide famous chef but also, I'm worldwide handsome! Saka gusto ko ding makilala ang taong espesyal sa'yo.”

Forbidden | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon