CHAPTER 14: ALMOST

2.6K 64 2
                                    

       “SERIOUSLY, you look so pretty.” Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Puno ng paghanga ang mga mata nito pero dahil naiinis siya rito, inirapan niya lang si Jinyoung.

       “Matagal ko ng alam 'yan.” #I'mJisoo,I'mPretty.

       Naglakad ang lalaki sa bilihan ng tickets kaya agad naman siyang sumunod rito habang nakatungo.

       Lumiko ito sa kabilang direksyon at sinundan niya din ito tapos humarap nanaman pakanan kaya ginaya niya din 'yon.

       “Putspa! Ansakit ha!” reklamo niya dahil nabunggo ang ulo niya sa likod ng binata nang bigla itong huminto sa paglalakad.

       Letse! Ano ba talagang nasa likod niya? Bakal? Ba't ansakit?!

       “'Yan. Hindi ka kasi tumitingin sa harap,” singhal ni Jinyoung sa kanya at pareho silang masama ang titig sa isa't-isa.

       “Sinadya mo siguro 'yon!” sigaw ni Jisoo pabalik kaya nanliit ang mata ng binata sa kanya. “Nambibintang ka pa talaga sa kagagawan mo. Tsk.”

       Lumapit sa kanya ang dating kasintahan habang hawak-hawak ni Jisoo ang kanyang noo.

       “Patingin.”

       “Ayoko.”

       “Patingin sabi!”

       “Ayoko nga!”

       “Ang kulit mo!” Pareho nilang sigaw kaya nagkasukatan sila ng tingin habang parehong iritado ang mukha.

       Una nang nag-iwas ng tingin si Jinyoung at malalim na napabuntong-hininga. Minsan talaga masyadong matigas ang ulo ng babae. A pain on my ass!

       “Arrogant,” pabulong na sambit ni Jisoo rito bago tumalikod sa binata at nauna nang maglakad sa ticket area.

       “Ako pa talaga ang arogante, ha?” reklamo ng lalaki at bahagyang napahilot sa kanyang sentido bago sinundan si Jisoo. Mukhang wala talagang magandang dulot ang date na 'to sa kanilang dalawa.

       “5:00 PM pa magsisimula ang pelikula kaya kakain muna tayo,” wika ni Jinyoung.

       “Gusto ko chicken.”

       “I know.”

       Siyempre, paano niya makakalimutan ang paboritong pagkain nito, eh ito ang laging pinapabili sa kanya ng dalaga noong magkasintahan pa sila.

        My chicken maniac girlfriend.

       “Correction, ex-girlfriend,” pagtatama ni Jisoo at diniinan ang pagkasabi ng 'EX'.

       Lihim namang napamura sa sarili ang binata dahil sa katangahan niya. Why did I even said that out loud?!

       “Hoy ikaw, Jinyoung,” sambit ni Jisoo nang makaupo sila. Magkaharap ang upuan nila sa isa't-isa kaya't kitang-kita niya sa ekspresyon ng mukha ng dalaga ang pagkairita.

       “Oh? Ano na naman?”

       “Anong pumasok sa isip mo at nagbigay ka ng gano'n kalaking pera para lang sa isang painting at sa'kin?”

       “Hindi naman talaga 'yong painting ang gusto ko, itong prize na date lang kasama ka. Mahalaga ka sa'kin at ayaw kong may ibang lalaki kang kasama. You worth more than just a half of a million to me Ms. Jisoo Kim,” seryoso ang sagot nito habang direktang nakatingin sa mata ng dalaga.

Forbidden | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon