CHAPTER 19: COLD

1.8K 57 2
                                    

       “Okay, so, what the hell happened, Lisa?” usisa ni Tzuyu sa kaibigan. Nagpunta siya kaagad sa bar house ni Taehyung nang marinig ang boses ni Lisa sa tawag. Alam na alam niyang umiiyak ito kaya nag-aalala siya sa kalagayan ng kaibigan.

       Tzuyu might seem unpleasant and ignorant to Lisa sometimes, but she cares for her friend a lot. Kapag may problema ang isa sa kanila, kaagad nilang tinatawagan ang isa't-isa at nagpapakalasing hanggang sa makalimutan ang lahat. They are each other's drinking buddies.

       Pero sobrang dalang niya lang makitang nagkakaganito ang kaibigan. Crying while getting wasted.

       “I just want someone to accompany me right now, that's why I called you, buddy,” sagot ng dalaga sa kanya at tinungga ang alak sa bote mismo, dire-diretsong iniinom ang laman hanggang sa maubos iyon. Pati si Taehyung ay nag-aalala na din sa kanya.

       Kumuha na din si Tzuyu ng bote ng alak at doon mismo uminom.

       “Tell me, is this about your forbidden love towards your step-sis?”

       Binalingan siya ni Lisa ng masamang tingin. “No. Jennie is not my sister and she will never be,” Lisa spoke the words out firmly. Hindi niya matatanggap ang katagang 'magkapatid' kahit pa tuluyan nang magpakasal sina Louis at Elena.

       Hindi niya kakayaning sumabay sa kanilang kumaing magkapamilya nang hindi iniisip kung gaano niya kagustong hawakan at halikan si Jennie kapag nakikita niya ito. It may sound inappropriate and sinful but that's what Lisa wants. She wants to claim Jennie so bad without minding what their parents might say.

       People will judge her but she's more willing to put her name in dirt just for Jennie, but the other woman already cleared out her mind. Jennie ended everything between them yesterday and Lisa have no other choice but to do the same even if her heart doesn't want to.

       For the sake of Jennie, her dad, and Elena, Lisa finally let go. She will start to distant herself but she will never ever accept the situation that Jennie is her sister. No fucking way.

       “Okay, okay.” Itinaas ni Tzuyu ang dalawang kamay. “Magpakalasing ka nalang, baks,” sabi niya sa kaibigan at inabutan ito ng alak.

───•~❉᯽❉~•───

Taehyung's Point of View

       Pagkatapos nilang magpakalasing sa bar house ko, heto ako, kailangang ihatid sila pareho dahil nga wala na sila sa sarili. Bwisit talaga, ano ako, taxi driver? Sabagay, ako ang pinaka-cute na taxi driver.

       “She wears shorts skirts! I wear t-shirts! She's cheer captain and I'm on the bleachers!” Maypa-head bang pa si Lisa habang kumakanta ng You Belong With Me ni Taylor Swift.

       Kinuha ni Tzuyu si Tata na nasa dashboard at ginawang microphone ang inosenteng stuff toy. “Dreaming about the day! When you wake up and find that what you're looking for, has been here the whole time!”

       At ayon na nga, sabay na silang kumakanta ng chorus. Ako naman ay napatabon nalang ng tainga dahil sa ingay nilang dalawa. Tanginang mga lasinggera 'to!

       Inabot ni Tzuyu sa harap mismo ng bibig ko ang stuff toy na si Tata. “Ikaw naman ang kumanta, V!”

       “Nope. Ayaw ko.” Binalingan ko si Lisa na mukhang may sarili ding sinasabak na concert sa upuan niya. “Hoy ikaw! Tara, labas na. Nandito ka na sa labas ng bahay niyo.”

       “Ayoko! Kantahin mo muna 'yong chorus!” pagmamatigas niya tapos sabay silang nagcheer ni Tzuyu.

       “Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan! Kakanta na 'yan!”

Forbidden | JenLisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon