Kabanata 1

190 13 2
                                    

"Ella! Tara na sa ilog. Nandun na sina Lyka." Narinig kong sigaw mula sa labas ng bahay namin.

Dinungaw ko mula bintana kung sino yung simisigaw. Antonia.

"Sige Toni, magano labat!" sagot ko

Katatapos naming grumaduate ng college kahapon kaya naisipan naming maligo at mag celebrate sa ilog dito sa Aguilar bago kami sumabak sa LET sa susunod na setyempre.

Binitbit ko yung bag ko na may lamang panligo at pamalit at lumabas na nga bahay namin.

"Nay! Aalis muna ako, ha? Nakapagluto na ako ng pananghalian mo kaya wag ka ng galaw ng galaw at baka kung mapaano ka pa." Bilin ko sa nanay kong nakaupo sa labas ng bahay namin, nakatanaw sa kawalan.

"Anak, wag kang mag alala. Hindi ako nakakakita oo, pero malakas ang pandama ni nanay" Ngiting sagor niya sa akin.

Pinanganak nya akong wala na siyang makita. Napaka ganda ng kulay ng mga mata niya pero hindi man lang niya ito magamit. Mabuti nalang at kahit may kakulangan si nanay, minahal parin siya ng tatay.

Maaga man siyang kinuha, at least naparamdam niya na espesyal ang nanay. I like to have that kind of love, someday.

"Sige na anak, mag enjoy ka. Deserve mo yan. Proud na proud ako sayo." napakasarap sa tenga ang malamyos na boses ng nanay ko.

"Babalik ako agad ha? Mag ingat ka dito sa bahay" bilin ko pa bago ako lumabas sa bakuran namin at sinalubong si Antonia.

"Hoy babae! Ang tagal mo, excited na ako!" tili niya sa akin.

Napangiti nalang ako sa kanya. Ganto talaga to, napaka ligalig kaya madalas na kukurot ng nanay niya eh hahahaha.

Akmang aalis na sana kami ng naalala kong hindi ko pala naitali ang hanggang bewang kong kulot na buhok.

"Toni, sandali. Naiwan ko yung panali ko sa buhok. Babalikan ko lang" pakiusap ko

"Girl di na yan kelangan! Tignan mo oh, ang ganda ganda mo! Yang buhok mo dapat pinag mamalaki mo yan. Tsaka tignan mo yang skin mo sis! Para kang mowdeeel ng Victoria Secret! Pak na pak!" sagot niya.

Hiyang hiya ako sa lakas ng boses ng babaeng to. Pero aaminin ko na gumalak ang puso ko sa narinig ko. Since I started to attend school, puro pangungutya nalang yung naririnig ko.

Batang ulikba. Batang noodles. Pero silang dalawa ni Lyca, they are different from the others. Sa mga mata nila ginto ako. That somehow lessen my insecurities in life.

"Ella, hayaan mo silang tumingin sayo. Hello! Mamatay sila sa inggit!"

Hindi ko na napigilang tumawa dahil kay Toni hahahahaha. She really is a good friend.

Tuluyan na kaming naglakad papunta sa ilog. Not minding sa stares that these people were giving me.

Come on, Stella. You are beautiful. Stop thinking nonsense.

Hindi ko na ininda ang sikat ng araw. Para san pa, wala naman akong inaalagaan na kumikinang sa puti na balat.

"Tonyang! Ella!" narinig naming sigaw.

Inilibot namin ni Toni ang buong lugar hanggang sa makita namin si Lyca sa isang cottage na gawa sa kawayan.

"Bakit ba antagal niyo? Kanina pa kaya ako dito" nakanguso niyang reklamo sa amin.

Lyca is really like this. She easily gets impatient through little things. Pero silang dalawa ni Antonia ang pinaka totoong taong nakilala ko. Lucky to have them, I must say.

"Dinaanan ko na tong si Ella, para sabay na kami" sagot ni Toni.

Nilagay ko yung bag ko sa upuan at pinasadahan ng tingin ang mga nakalatag na pagkain sa mesa.

Black Girl MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon