Minsan lang 'to! Loool. Di ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Chos! Haha. Reactions lang po 'to, meaning kachorbahan ko lang sa mga lalaking di ko makakalimutan sa wattpad.
--
Until Trilogy - Elijah Riley Montefalco
Isa si Elijah sa mga pinakagusto kong character sa mga stories ni Queen J. I mean, sino ang hindi magkakagusto sa kanya di'ba? Napatunayan niya na kaya niyang isugal ang lahat para lang sa pag-ibig. Napatunayan niya na kaya niyang gawin ang lahat para kay Klare, kahit na baliin pa nito ang prinsipyo ng mga tao. Kahit alam nilang hindi pwede.
Until He Was Gone, dito ako unang nahumaling sa mga Montefalco, ngunit mas tinuunan ko ng pansin si Elijah Baby. Unang-una, akala ko ang Until Trilogy, storya ni Klare at Eion, I mean, sino ba naman ang mag-eexpect ng taboo di'ba? Mainlove sa sarili mong pinsan di'ba? Hinding-hindi ko yun inakala. Habang nagbabasa ako, palaging nasa isip ko ang mga salitang ito: Paano na 'yan?! Magpinsan sila! Ngunit halos mabaliw ako kay Elijah at di ko na 'yan inalala.
"I don't want to sound possessive but I have to tell you I am jealous." O ganyang linya 'yun. Nakalimutan ko na. Kape na malagkit. Bakit ba kahit ganyang linya, parang namamatay na ako sa kilig?
"You own me, baby." Sheeet. Kinikilig ako at ngumingiti habang tinatype ko 'to. Noon, ayaw na ayaw ko ang pagtawag ng mga lalaki na 'Baby' sa mga babae. Ang sagwa lang. Ano 'yan, sanggol? Pero sheeeet, nun si Elijah na ang nagsabi parang nawala ata ang katinuan ko. Kahit simpleng baby lang niya, parang kilig na kilig ka na. 'Yan ang epekto ni Elijah Riley Montefalco sakin.
Until He Returned. Dito ako inis na inis kay Elijah, yung tipong nasasabi kong ang masokista niya, ang sadista niya pa. Inis na inis ako. Sa ending ng Until He Was Gone, awa ako ng awa kay Elijah, yung tipong halos lahat itapon niya na para kay Klare, yung kahit pagtaksilan na nito ang pamilya niya, nagmakaawa na siya, ngunit pagdating sa Until He Returned, nainis ako sa kanya.
"Come on. Cage her. 'Coz I'll get her without your help." Bakit ba ang confident mo Montefalco? Kahit na inis na inis ako sa'yo sa Until He Returned, di ko pa rin mapigilan ang kilig ko.
"Fuck Friends. Fuck Girlfriends. Fuck Cousins. Fuck Family. Just Fuck it." Kahit na hindi na sabihin, mararamdaman mo sa linya na 'to ang frustration ni Elijah at dahil dun, mas bumilib ako sa'yo Queen J. Kahit hindi na sabihin na 'Frustration is evident in his face' at chu chu na 'yan, mararamdaman mo lang sa linyang 'yan.
Until Forever, dito ako natawa ngunit di ko alam kung bakit. Kinikilig ako sa mga linya niya. Alam kong naulit lang ang scene's pero iba na rin yung nabasa mo na talaga ang side ng lalaki. Dito ako natuwa sa kanya at mas lalo akong nainlove. Sino ba naman kasing hindi maiinlove kay Elijah Riley Montefalco di'ba? Tuwing nalolowbat na ang tablet ng kapatid ko ay nag-eeffort talaga akong icharge ito para lang matapos ko ang Until Trilogy. Hindi ako nakatulog sa tuwing iniisip ko kung ano ang sunod na mangyayari sa kanila.
Napatunayan ni Elijah na lahat gagawin niya para sa pag-ibig. Na kaya niyang baliin ang mga prinsipyo ng iba dahil lang sa pag-ibig na 'to. Na kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit dahil sa pagmamahal at dun ako bumilib sa kanya. Kahit sa hirap nan g sakit na naramdaman niya, kumapit siya hanggang sa nakuha niya ang gusto niya.
Elijah Riley Vasquez Montefalco is a character worth remembering. Halos isugal niya ang lahat, binali niya ang lahat ng prinsipyo ng pamilya nila nung nalaman niyang gusto siya ni Klare. All of those things, ginawa niya dahil nagmamahal siya.
One thing I learned from Elijah?
That some love are worth fighting for. Even when the whole world is against you, when you find your extreme love, everything, everything is worth it. Kahit na magalit ang pamilya niyo, kahit kamuhian kayo, love will really conquer everything.
Ang ending ng UF, dun ako nawindang. Di ako makaget-over. Ang ending ng UF, yung tipong, bitin ngunit, nasatisfy ka? Hindi ko ma-explain ngunit para bang gusto mo pa ng Special Chapter ngunit nasatisfy ka na sa Epilogue? Ang gulo ko. Enebeyen. Pero seryoso, yun talaga ang naramdaman ko, yung parang bitin ngunit nasatisfy na ako?
Ending: I'm giving Elijah Montefalco a hard time right now, I don't care though.
BINABASA MO ANG
Characters Worth Remembering
Random/ 7 ways to get over a fictional character you won't ; you don't ; you can't ; don't even try ; you really won't ; you just can't ; it's impossible / may contain / s p o i l e r s / / f a n g i r l i n g f e e l s / ...