How To Steal The Bad Boy - Beeyotch

1.9K 31 1
                                    

How to Steal the Bad Boy - Beeyotch

Unang-una, hindi ko na nilagyan kung sinong lalaki ang itutukoy ko rito. Both of these are my reactions according to Theo and Gabe's... kagaguhan at katangahan. HAHA.

Theo, simula, pinapakilig ako ni Theo. 'Yung tipong mas gusto ko siya kesa kay Gabe. 'Yung tipong mas gusto ko ang Bad Boy, ngunit habang patapos ang storya, naiinis na ako--scratch that, nagagalit na ako kay Theo. Grabe. Ang gago niya lang ha?! Dalawang babae na ang nasaktan niya. Una si Monique. He cheated on Monique 'tas pangalawa si Kelly. Binalewala niya si Kelly.

Nung pagbalik ni Theo, mas lalo akong nagalit. Mukhang nag-upgrade ang loko. Sabi nga ng isang reader ni beeyotch na nagcomment: Theo Version 2.0 Gago-er, Puta-er at sang-ayon ako sa kanya. Di ko alam kung sadyang may turnilyo ba siya sa utak at gusto niyang saktan ang mga babaeng nagmamahal sa kanya o ganyan lang talaga siya.

Naawa ako kay Kelly. Halos lahat isugal na niya para kay Theo. Walang-wala ang pride niya pagdating kay Theo. Ewan ko lang pero para sakin, hindi marunong si Theo na kumita sa efforts ng iba.

Gabe, simula pa lang, naawa na ako sa kanya. It was on Kelly's POV at sobra akong naawa kay Gabe. Martyr siya ngunit masasabi mong malakas siya. Oo, kinalaban niya si Theo at oo minahal niya si Kelly ngunit wala eh, napunta si Kelly sa isang gago. (No offense, Theo.)

Habang binabasa ko ang How To Steal the Bad Boy at araw-araw kong hinihintay ang update, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at mas lalo akong humanga kay Beeyotch/Eydee. Truth to be told, nanosebleed ako sa mga title sa 50 above, parang biglang sumakit ang ulo ko. HAHAHA. 

Eto yung storyang nagpaiyak, nagpatawa, nagpakilig at nagpainis sakin, yung tipong gusto ko ng pumasok sa loob at sabunutan si Theo. Jk. HAHA. Anyway, para sakin, ang ganda ng storyang 'to. The plot itself is unique, it features the POV of a girl who fell in love with a bad boy who has a girlfriend at kung sa POV pa 'to ni Monique, kumabaga, mang-aagaw ngunit maaawa ka kay Kelly, na siya "kumbaga" ang mang-aagaw. Beeyotch wrote Kelly's side well, and for that, thumbs-up to beeyotch ^___^.

Bilib na bilib ako kay beeyotch rito, kahit na sabihin nating magaling talaga siya, para sakin, mas lalong gumaling siya rito. 'Yung halos lahat ng emosyon mo napapalabas sa storya na 'to.

Gusto kong i-publish ng Summit (since official Writer at PopFic si Ate Eydee, alangan naman sa PSICOM di'ba? XD) ang libro na 'to ngunit ngayon ay mag-hihintay muna ako at babagalan ko ang pagbabasa ng Epilogue dahil nung pagkakita ko pa lang sa Epilogue 1 ay halos sumakit na ang puso ko. Chos! Hi Ate Eydee, sana mabasa mo to :> kahit napakawalang-kwenta nito. HAHAHAHA XD

Characters Worth RememberingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon