30 Days of May - Cloud
Bago ang lahat, reaksyon 'to ng kapatid kong mas bata pa sakin, 10 years old pa lang siya at binasa na niya ang 30DoM at ito ang reaction niya at hindi pa rin siya makaget-over sa 30 Days of May hanggang ngayon. Again, hindi 'to reaksyon ko ngunit sa nakababatang kapatid ko.
"AH! Bakit naman ganun? Bakit namatay si May? Ah! Nakakainis si Cloud. Huhuhu. Naaawa ako kay Cloud. Bakit naman kasi namatay si May. Di'ba pwedeng nabuhay nalang siya 'tas si Skylar ay kailangan ng mata 'tas... blah blah blah"
To summarize it all up, ganyan ang reaction niya. Ang daming gusto, ikaw ang author, teh? HAHAHA. Okay, so dahil tinamad akong magtype ngayon at sana mabasa ito ni BlackLily ay ngayon pa lang ay magso-sorry na ako. Tinatamad po akong magtype! HAHAHAHA.
So, here goes, habang binabasa niya 'yun naiyak siya (nasa isang silid lang kami habang nagbabasa ako sa tablet, binabasa niya yung libro.) 'Tas nagsumbong siya sakin kung bakit ba daw namatay si May. Una palang flashback ay naiyak na siya (at hindi siya madaling paiyakin!) dahil daw nainis daw siya kay Cloud. Nakipagbreak ng ganun-ganun lang?! Ay grabe!
'Tas umiyak naman siya sa kay Skylar. Naawa daw siya ngunit naiinis pa rin daw siya kay Cloud. Kung bakit wala siya dun habang naghihirap si May para buhayin si Skylar. Nakakainis daw.
Kagaya niya, naiyak rin ako (minsan lang ako umiyak sa isang storya kaya't wag na kayong umangal! HAHAHA. Ang umangal, ipapabomba ko ang bahay nila. Ibigay niyo lang sakin ang address. XD), bukod sa Lucid Interval na masakit rin, isa ito sa mga pinakamasakit (para sakin) na storya na naisulat niya. Isa na rin dun ang Halikan Kita Dyan Eh at sobrang umiyak ako dun, anyway, ang layo na. Sa huli, naiyak rin ako. Kahit kasi alam ni Cloud na anim na araw na lang mamamatay na si May ay pinakasalan niya pa rin ito at hanga ako sa kanya dun.
BlackLily, halos lahat ata ng storya mo (except sa That Mighty Bond, ...And they kill each other dahil tawa ako ng tawa rito) ay masakit. Para lang sakin 'yun. Gustong-gusto ko 'yung klase ng pagsulat mo. Kumbaga, into karakter talaga. Katulad nalang ni Mira, ni Xiara, ni Raice at ni Mandy, yung tipong hindi sila nawawala sa karakter nila at hangang-hanga ako sa'yo dahil dun.
"Ate! Bumili ka nga ng libro! 'Yung kasingganda ng 30 Days of May! 'Yung maiiyak ako o kaya ay babasahin ko nalang ulit ang 30 days of May!"
BINABASA MO ANG
Characters Worth Remembering
Sonstiges/ 7 ways to get over a fictional character you won't ; you don't ; you can't ; don't even try ; you really won't ; you just can't ; it's impossible / may contain / s p o i l e r s / / f a n g i r l i n g f e e l s / ...