Black Equation - Gneiss Underwood/01/Krad
Bago ko simulan, mababa lang 'to dahil tinatamad ako at bukod dun ay hindi ko maisusulat--more like, maitatype ang nararamdaman ko (Naks!) para sa BE. Spoilers ahead!
Iisa lang ang mga 'taong 'yan! HAHA. Sa una, di ko feel si Jared, mas feel ko si 06 (na ngayon ay 04 na, former to be exact.) o Hanade ('yun pa kasi ang codename niya daw.) Anyway highway, nung nalaman ko na si Jared at Gneiss ay iisa, big revelation 'yun sakin. According to 06, 01 was the only equation who didn't have powers and even that, he was the most powerful (obvious because of it's number) equatiion. Hindi ako masayadong magco-comment sa Forgotten Ones dahil walang masyadong appearance dun si Gneiss. HAHAHA. Bias alert. Pero bilib na bilib ako sa author nito (Miss Ayu o natsuriayuko) sa pagdescribe niya sa laban ni Falcon at 01, 'yung tipong na-iimagine mo talaga.
Book 2, BE: The Deceived Ones, dito ako nagulat. Sobrang rami ng revelations dito. Ang dating Gneiss Underwood nay naging si Krad na ngunit hindi pa rin nag-iba ang attitude nito. Sa BE 2, nainis, more like, nagalit ako kay Krad, to the nth. Nagulat ako na naging 00 si Faye Summers ngunit mas nagulat ako nung ang Master ng mga Equations ay ama pala ni Faye.'Yung gift ni Faye, ang cool kaya nun *O*. Gusto ko ngang magkaroon ng ganun na power.
Book 3, BE: The Gifted Ones, dito ako sobrang nagalit kay Krad. I mean, sinong hindi? Inis na inis ako sa kanya. Dito sinabi ko na sana si 06 nalang at si Faye ngunit sa loob-loob ko, deep down inside (Naks!) alam kong mas gusto ko pa rin si Krad para kay Faye. Anak si Gneiss kay Falcon at natawa ako dun, I mean, mortal enemies sila at may binanggit ba dun na: I sent him to jail when I was 13 or something like that. HAHAHA. Conceited pa rin si Krad, kaya ako nagkagusto sa kanya, natandaan ko pa ang 'yung linya niyang: Guess I'm hotter than that Japanese admirer of yours, eh? Gosh. Naging heart bigla ang mga mata ko. Grabe magpakilig 'tong isang 'to.
Regarding sa ending, medyo nalito ako ng konti. Di ako masyadong naka-catch up pero nonetheless, naiintindihan ko naman. Hinding-hindi ko makakalimutan si Gneiss kaya't pati phonebook ko, ininvade niya na, akalain mo yun? Si 8888 ko ay nakasave bilang 01 Gneiss/Krad? HAHAHA. Ang adik ko! I know. XD.
BINABASA MO ANG
Characters Worth Remembering
Random/ 7 ways to get over a fictional character you won't ; you don't ; you can't ; don't even try ; you really won't ; you just can't ; it's impossible / may contain / s p o i l e r s / / f a n g i r l i n g f e e l s / ...