Chapter 2: I'm not following him

85 2 0
                                    

"what time did we get home?"

Ito ang una kong tanong pagkababa ko sa kwarto ko. Grabe kasi sila kuya mag-party kagabi! Nakatulog na nga yata ako sa kahihintay sa kanila.

I looked at kuya pero inirapan niya lang ako at dumiretso sa kitchen. What did I do?

"Ay hala? Why are you in such a bad mood? Umagang umaga!" sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Seryoso siyang nagluluto ng itlog. -_______-

"Why? Don't tell me time of the month mo ngayon?" natatawa kong tanong sa kanya.

Humarap naman siya sa akin ng nakasimangot at kung hindi lang ako good mood ngayon eh baka sinigawan ko na siya. Walang pwedeng sumimangot sa akin lalo na't maganda ang gising ko. Sisirain yata neto yung umaga ko.

"sige lang, Rhi. Mang-asar ka pa, nagtatampo na nga ako sa'yo."

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Nagtatampo? Siya? Sa akin? Ano ginawa ko?

Kumuha ako ng tinapay habang iniisip kung ano ang nagawa ko sa kanya pero nag-give up din ako dahil hindi ko talaga mafigure out kung ano yun.

"what exactly did I do para magtampo ka?" tanong ko sa kanya.

"Scrambled or sunny side up?"

Sumimangot naman ako. Wow ha! Ang layo naman nun sa tanong ko. Hindi ko siya sinagot kaya humarap na siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay kasi nakabusangot ang mukha niya nung tignan niya ako.

"Don't fucking raise your eyebrows at me. Sinama nga kita dun sa Blue Velvet dahil mukhang nabobored ka na dito pero ang hinihingi ko lang naman is suportahan mo kami. Ni hindi mo nga kami pinanood dahil text ka ng text. Sino ba katext mo ha? May boyfriend ka na ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

That's it? Mukha ba akong bored eh gabi-gabi nga ako umaalis pero kasalanan ko din kasi hindi ko nga sila pinanood. Nacurious lang kasi ako dun sa sinabi ng babae na hindi ko na daw makakalimutan yung pangalan nung lalaki na kumakanta kaya tinext ko yung mga friends ko kung may kilala sila na ganun pero sabi naman nila sa akin, narinig lang daw nila yung pangalan pero di nila kilala.

"umagang-umaga nagmumura ka, sumbong kita kay mommy eh and you're being too nosy kuya. In futuristic and inevitable cases, kapag nagkaboyfriend na ako, you don't have to know him kasi tatakutin niyo na naman." Sabi ko at nakita ko na magsasalita na siya kaya sinundan ko kaagad.

"Also, I was texting my friends para sabihin na nagpeperform kayo at punta sila." I lied.

He pursed his lips and looked at me for a while parang tinitignan niya kung nagsisinungaling ako pero nung naconvince siya na hindi, ngumiti na siya.

"Alright. That's good then." Sabi niya and I sighed in relief.

"Gusto mo ba kami panoodin mamayang gabi? Isama mo na din yung friends mo-"

"I have a lot of things to do." I cut him off at nagnod naman siya.

Kumuha ako ng yoghurt tapos umupo sa stool dahil gusto ko sa countertop ako kumakain. Ewan ko ba, mas masarap dito eh

"Sunny side up for my dearest sister." Malambing niyang sabi tapos nilagay niya yung plate sa harapan ko.

Tss magtatanong pa ng "sunny side up or scrambled" eh alam na naman pala niya.

"Thanks."

Ngumiti naman si kuya tapos nagsimula na namang magprito ulit.

"Sayang naman.. I really want you to go kasi magpeperform na naman yung lalaki kahapon tsaka lucky charm kita eh." Sabi ni kuya.

The Selfish BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon