Chapter 10: Just go with it

81 2 0
                                    

"where have you been?!" Galit na tanong ng mommy niya pero hindi ako nakarinig ng sagot niya.

Naramdaman ko lang na inurong niya yung seat na nasa tabi ko tapos umupo siya dun. Humarap siya sa akin.

"Hi." sabi niya tapos kumuha na ng pagkain.

Ganun? Hindi hihintayin yung respond ko?

"Do you know each other, hija?" tanong ng mommy niya.

"Um-"

"We see each other often."

Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi naman siya ang tinatanong pero siya ang sumasagot.

"Yeah, I heard you guys are pretty close." sabi ni kuya at lumingon naman si Seb sa kanya.

"Then whoever told you that is lying because we're really really close." sabi niya. Napanganga naman ako. Ano daw? Really really close? Kailan nangyari yun?

"Really?!"

Kuminang naman ang mata ni tita sa sinabi niya tapos si ate Sab at si tito ay nakikinig lang.

"Hindi naman po masyado." nahihiyang sabi ko. Honest kaya akong tao!

Nakita ko naman kung paano bumagsak ang mukha ni tita.

"No. What the heck are you saying? We are close. We're destined for each other." sabi niya na parang walang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao na nandito.

Kumukuha lang siya ng chicken pero tinignan ko ang mga mukha ng tao na nasa table. Kung hindi nakanganga eh nanlaki ang mata nila sa sinabi ng Spanish fucker na 'to.

"Destined for each other?" nagtatakang tanong ni kuya. Tumango naman si Seb sa kanya.

"Yeah, you can ask her if you don't believe me."

Tumingin naman sa akin si kuya pero nagshrug lang ako.

"Is there something going on between you two?" tanong ni ate Sab.

"No! Wala ate." sabi ko. Ano ba kasing trip niya?

"Sebastian, what the hell are you talking about? Anong destiny?" tanong ng daddy niya. Tinignan niya ako na parang tinatanong kung ano ba ang nangyayari pero hindi ko alam kaya nagshrug ako at tumingin kay Seb na busy kumain ng chicken niya.

Nginuya niya muna ito bago nagsalita. Lahat kami ay naghihintay sa sagot niya pero parang wala siyang pake.

"Well, it wasn't me who came up with the idea. She was the one who thought of it. I got really annoyed because I see her everywhere I go so I asked her why she was following me but she told me that she wasn't because she doesn't even want to see me and it just sort of happened. So, I figured that destiny wants us to see each other and we can't do anything about it because we will always find each other even if we don't like it." seryosong sabi niya at nalaglag naman ang panga ko.

Tumawa ako ng pilit tapos pinalo ko yung braso niya.

"Seb's so funny right? Don't you just love his sense of humor? Galing mo talaga mag-joke."

Hinarap ko siya at nilakihan ng mata pero tumingin lang siya sa akin ng seryoso.

"I already told you about this last night. I said I will handle it but I'm pretty sure that I can't stop it. I'm sorry, love."

One word. Fuck! Ano ba ang sinasabi niya? Akala ko ba si ate Lianna ang type niya? Bakit kung anu-ano ang sinasabi niya?

Umiwas naman ako ng tingin dahil kaunti na lang at masasampal ko na siya dahil sa kabaliwan niya.

The Selfish BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon