Chapter 1: The name that I won't be able to forget

191 5 0
                                    

"Cass! wake up! Punta tayo ng Blue Velvet! Kakanta yung banda nila Kuya Axel mamaya!" sigaw ni Lara habang niyugyog yung katawan ko.

Sinipa ko naman siya palayo sa akin. Hindi ba niya naiintindihan na ayoko nga na lumabas dahil pagod na pagod na ako sa mga gimik niya! Gabi-gabi na lang niya ako niyayaya sa mall at sa nightclub. Aba hindi naman porket bakasyon ngayon eh uubusin niya yung energy ko sa paghahanap ng pwede niyang maging boyfriend. Hindi naman sa hindi ako nasisiyahan pero nakakapagod na talaga..

"Cassie naman eh. Sige na naman! Kailangan ko talaga makahanap ng date bago tayo bumalik sa school sa June, wala pa kaya akong date sa prom!"

Hindi ko din talaga maintindihan kung bakit ang aga aga niya maghanap ng date. Ako nga wala pa eh! Also, hindi naman importante yun diba? Eh ano naman kung wala?

"Lara please.. Kahit ngayong gabi lang, pwede ba wag mo muna pairalin yang pagwiwish mo ng perfect na prom? God forbids me to go out tonight because heaven knows how tired I am." nagmakaawa na ako sa kanya at narinig ko na bumuntong-hininga siya.

Napangiti naman ako ng wala akong narinig na angal sa kanya. Babalik na sana ako sa pagtulog ng bigla na naman niyang niyugyog yung katawan ko.

"Lara, ano ba!" I whined pero parang wala lang yun para sa kanya.

"B naman! Sige na kasi, this will be the last time! May kasalanan ka naman sa akin eh! You didn't tell me that Kuya Ax is back in town! Do you know where he is?" She asked and I shook my head.

"we should track him down." sabi niya sa akin. She's hopeless. Engaged na si kuya Axel pero gusto pa din niya patulan.

"What the hell! why would we track him down? I don't want ate AJ to think that I'm allowing you to flirt with her man." I told her and she frowned.

"Hindi ko na nga crush si kuya Axel, b! Gusto ko lang sila mapanood because sabi nila kuya Carlo kausap daw niya si kuya Ax kagabi tapos sabi daw ni kuya Ax meron daw bagong nagpeperform dito tapos parang natatalo sila kaya magpeperform sila sa Blue Velvet kasi magpeperform din yung guy."

What? Meron ba? Parang wala naman nababalita sa akin na ganun?

"Hoy Rhianne Cassidy L. Castañeda! Suportahan mo kuya mo, you bitch! I asked kuya Carlo to pick you up at 8 so be ready, okay?"

"But-"

"No buts. I love you Rhi!"

I sighed. Wala na akong magagawa kasi susunduin na ako ni kuya Carlo. Ugh damn you Lara -______-

After 2 minutes, narealize ko na wala na naman akong magagawa kasi napilit na ako ni Lara at wala naman akong gagawin dito so pupunta na lang talaga ako. I tried to go back to sleep but I can't so bumaba na lang ako.

"Rhi!"

I turned around and saw kuya Axel. Nakangiti siya sa akin tapos binaba niya yung mga baggage niya para yakapin ako.

"I missed your frowning face." Sabi niya.

I rolled my eyes. Kuya Axel always smiles kaya inaasar kaming dalawa kasi super opposite ko siya. Lagi daw ako nakafrown at hindi daw ako mukhang masaya sa buhay.

"Kelan ka pa bumalik?" tanong ko at tumawa naman siya.

"Hug me back, bunso!" reklamo niya. Ang clingy talaga neto.

I hugged him back pero bumitaw na ako agad pagkatapos ko gawin yun, bumitaw na din siya sa akin tapos naglakad na papunta ng kitchen.

"Huy kuya! Kelan ka pa bumalik? Bakit kay Lara ko pa nalaman?" tanong ko.

The Selfish BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon