Chapter 8: Did he just call me 'love'?

82 2 0
                                    

"Rhianne! gumising ka na! Susmaryosep kang bata ka! Susunduin niyo pa ang kuya Darren mo."

Napadilat naman ako sa narinig ko. Minulat-mulat ko ang mata ko dahil ayaw pa nitong bumukas at nakita ko ang nakapamewang at nakasimangot na mukha ni manang.

"Ikaw talagang bata ka! Kanina pa kita ginigising." reklamo niya. I rubbed my eyes dahil hindi pa ako makadilat ng maayos

"Manang, gising na ba si Rhianne?" Tanong ni kuya tapos pumasok siya sa kwarto ko.

Sumimangot naman ako sa kanya tapos umupo ng kama.

"Late na tayo." sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Bumuntong-hininga siya bago tinawagan si mommy.

"Mom, pwede pakitawagan si kuya at pakisabi na magtaxi na lang siya dahil late na kami at baka maghintay pa siya ng matagal kung hihintayin niya kami? Okay. Thanks. I love you too."

Binaba niya ang tawag at tumingin sa akin ng nakasimangot.

"Bumalik ka na lang sa pag-tulog mo." utos niya at umalis agad sa kwarto ko.

Ugh! Kasalanan niya naman! Hindi niya sinabi sa akin kung anong oras ang flight ni kuya Darren! tss.

Pinilit kong tumayo at pumunta sa banyo para makapag-ayos. Ginamit ko na lang yung bathtub instead of the shower para hindi ako masyadong mahirapan since andun lang naman siya sa ilalim naman nung shower. Medyo masakit pa din naman kasi yung paa ko pero hindi ko na ginagamit yung crutches dahil kaya ko na naman. Nahirapan akong magbihis pero hindi na ako nagpatulong dahil matanda na naman ako at kaya ko na 'to.

Pagkatapos ko eh lumabas na agad ako at pumunta sa living room para manood ng TV. Naririnig ko na may nag-uusap sa kitchen kaya naisip ko na baka kinakausap ni kuya sina manang.

Nanunuod lang ako ng Adventure Time nang marinig kong nagbukas ang gate. Kabadong lumabas naman si kuya sa kitchen tapos inayos niya yung buhok niya.

Biglang bumukas ang pinto namin at pumasok si Kuya Darren na mukhang pagod na pagod dahil sa matagal niyang flight. Tinignan niya kaming dalawa ni kuya Axel pero nagtagal ang titig niya sa akin.

Napangiti ako ng nilahad niya ang kanyang braso na parang hinintay na yakapin ko siya. Natatawang lumapit naman ako sa kanya pero mabagal lang ang lakad ko dahil nga medyo masakit ang paa ko. Sumimangot naman siya pero nawala ito nung niyakap ko siya. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Natawa naman ako sa ginawa niya.

"You should be this sweet to your girls, kuya. You always look scary." nang-aasar kong sabi. Umiling naman siya at ngumiti

"I missed you." aniya.

Mas niyakap ko naman siya pero bumitaw din agad ako.

"I missed you too." nakangiti kong sabi sa kanya.

"This is so unfair. I'm the nicer brother but nung dumating ako, pinilit pa kitang yakapin ako." nagtatampong sambit ni kuya Axel. Napailing naman ako. Tss kahit kailan talaga lagi silang nagkukumpetensya sa atensyon ko at ni mommy.

"That's because you don't take good care of her. Which reminds me, what punishment do you want?" sagot ni kuya tapos binuhat niya ako paupo sa sofa. Hmm kuya's never been this caring and showy before? Namiss lang siguro niya kami.

"Um, a punishment that doesn't include locking me up and hurting me." sagot ni kuya Axel.

"Then that wouldn't be a punishment."

Hinarap siya ni kuya Darren at nakita ko naman na napalunok siya.

"Alright, alright! One punch!" sigaw ni kuya Axel at napangisi naman si kuya Darren.

The Selfish BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon