Life is Fair or Unfair?

80 62 3
                                    


I have a question for you. Do you think life is fair or unfair?

Let me a tell you two different lives that I encountered.

"Anak, gagawin ko ang lahat makapag-aral ka lang. Hahanap si nanay ng paraan." Nakangiting saad ng nanay ni Mica sa kanya. Kailangan niya kasi ng pambayad para sa gastusin sa pag-aaral niya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Mica na hirap sila sa pera at sa buhay. Kung minsan ilang beses lamang sila kumakain sa isang araw.

Pero kahit ganoon, masaya padin siya dahil meroon siyang nanay na ginagawa ang lahat para sa kanya. Dalawa nalang sila sa buhay kaya pareho silang kumakayod.

Ang nanay niya ay isang labandera, si Mica naman ay nagtitinda paminsan sa karinderya ng kapit-bahay nila.

"Doon ka nga! Ang baho mo HAHAHA." Saad ng isa niyang kaklase sa kanya pagkatapos ibuhos sa kanya ang basura.

Nakakaranas siya ng bullying dahil sa mahirap lang siya. Subalit kailanman hindi siya gumanti sa mga 'to dahil sa tamang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina.

Pag-uwi niya sa bahay nila nabagsak niya ang mga notebook na dala-dala niya lang dahil wala siyang bag.

Ang ilan pa ngang notebook niya ay nakalagay lamang sa isang plastik.

"NAY! GUMISING KA!" sigaw niya sa nanay niya na nakahiga sa sahig.

Sa kabutihan ng ilang kapit-bahay nila pumunta sila sa mga hospital subalit hindi sila tinanggap dahil wala silang pambayad. Kinalaunan, nawalan na din ng buhay ang kanyang ina.

Labis ang sakit na naramdaman niya.
Hindi niya lubusang matanggap na pinagkaitan ang nanay niya ng tiyansang mabuhay pa sana. Nasabi niya nalang na "mahirap maging mahirap."

Subalit si Tiana ay kabaliktaran ni Mica ng buhay na kinagisnan. Nakukuha nito ang gusto niyang makuha.

"Ma! Look, perfect ako sa exam namin oh." Nakatanggap lamang siya ng salitang "teka lang!" mula sa mama niya.

Napayuko siya't pumunta sa papa niya.

"Pa---" hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya sumenyas na ito na mayroon siyang importanteng ginagawa.

Subalit ang oras, pagmamahal at kalinga ng magulang niya ay hindi maibigay sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang siya't pinuntahan ang lola niya.

"Lola, pasado ako sa exam namin."
Nakangiting saad niya sa lola niya na nakahilata nalang sa kama dahil sa sakit na meroon ito. Hindi na ito nakakatayo at nakakapagsalita.

Ngumiti ang lola niya na naging dahilan ng pagguhit din ng ngiti sa labi niya.

Simula noon pa lola niya lang ang natatakbuhan niya.

Sa paaralan marami siyang kaibigan.

"Tiana, pahiram naman akong P100 oh. Kailangan ko eh."

"Akin nalang 'to Tiana, ang ganda naman nito. Makakabili ka naman ng bago."

Madami, subalit nandyan lang dahil kinakailangan siya. Dahil sa pera niya. Hindi niya maiwan ang mga 'to kahit alam niyang pera niya lang ang kailangan nila. Kahit papaano sumasaya naman kasi siya sa kakulitan ng mga 'to.

Isang araw, babatiin niya sana ang lola niya pero hindi pa ito gising.

Inantay niya ang ilan pang oras saka bumalik ulit sa kwarto ng lola niya pero tulog padin 'to. Lumapit siya at hinawakan 'to at inuga ng bahagya.

Bumuhos nalang ang luha sa mga mata niya sa napagtanto niya.

"Lola...." nawala ang lola niya dahil sa sakit na walang gamot. Iba't-ibang doctor ang sumuri dito pero wala talaga.

Mayaman nga sila pero ang kalinga ng magulang niya ay hindi niya maramdaman, ang kaibigan niya pera lang ang kailangan at ang kaisa-isang taong nagparamdam ng pagmamahal sa kanya nawala pa.

Dalawang taong mayroong magkaibang estado ng buhay.

Mahirap man 'yan o mayaman wala pading perpektong buhay. Lahat nakakaranas ng problema. Lahat nahihirapan. Lahat mayroong kakulangan.

That's the reason why for me life is fair.

Life is fair for being unfair to all of us.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon