Try to Love Me

74 52 4
                                    

•Dedicated to @Psycho_Trix•

"Jester! Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaibigan kong nagmumukmok parin dahil sa Playgirl na ex niya.

"Huwag mo na siya isipin puwede ba?" Naiinis na saad ko sa kanya. Hindi ko siya kayang nakikitang nagkakaganito dahil sa babaeng 'yun.

"Huwag mo naman pabayaan sarili mo!" Singhal ko pa sa kanya. Padabog siyang tumayo at umalis sa harapan ko.

Pati pagkakaibigan namin tila nagkaroon ng lamat magmula nung iwanan siya nung babae at wala na siyang pakealam sa paligid niya maski nga sa sarili niya eh.

"Jester, it's been a year. Ano ba? Move forward bro."

"Zy! Tell me how?! Siya ang unang babaeng minahal ko tapos todo-todo pa! Sa tingin mo paano ko 'yun makakalimutan? Minahal ko siya pero pinaglaruan niya 'ko!"

Parating humahantong sa pag-aaway ang pag-uusap naming dalawa.

You know what is the worst one that he did?

"JESTER! ANO BANG NASA ISIP MO HA?!"
saka ko dali-daling kinuha ang mga gamot na hawak niya.

Nakita ko sa sahig ang mga nakakalat na iba't-ibang gamot, sabon at matatalim na bagay.

Jusko...

Napatakip ako sa'king bibig habang umiiyak saka siya niyakap

"Hayaan mo na 'ko mamatay please."

Sunod-sunod na iling ang sinagot ko habang hinihigpitan ang yakap ko sa kanya.

Sa dami-rami naming pinagdaanan ngayon ko lang nakitang nagkaganito siya.

Isang araw habang namamasiyal, nakita ko ang ex niya.

Lumapit ito sa'min kaya hinihila ko si Jester pero ayaw niyang gumalaw.

Nakatingin ako sa kanila habang magkalapit sa isa't-isa.

"Jester, puwede pa ba? Puwede pa ba akong bumalik?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya at dinuro.

"Ang kapal ng mukha mo! Umalis ka rito."

Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya kay Jester? Ang lakas ng loob.

"Girlfriend ka ba niya?! Ang pagkakakaalam ko KAIBIGAN ka lang."

Parang may tumusok sa dibdib ko ng sabihin niya ang salitang 'yun. Kaibigan.

"Oo, at ex lang kita."

Sagot ni Jester sa kanya. Napatingin ako dito sa sinabi niya. A-ang akala ko babalikan niya pa ang babaeng 'yun.

"Matagal akong naging bulag sa katotohanan. Hindi ko dapat sinayang ang buhay ko para sa katulad mo. Umalis ka na dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan lang kita."

"Kung noon pa lang minahal mo na 'ko ng totoo hindi na sana tayo humantong sa ganito. Try to love me hanggat mahal pa kita. Hindi 'yung mamahalin mo 'ko ngayong may mahal na 'kong iba."

Saka niya ako hinila pagkatapos sabihin ang mga katagang 'yun.

"Nagising na 'ko. Wag kang mag-alala."

"P-pero may mahal ka na ngang iba?"

Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Oo at alam kong deserve niya 'yun."

"Masaya ako para sa'yo." Pilit na ngiti pa ang gumuhit sa labi ko.

"Masaya rin ako lalo na if you will try to love me."

Para akong nabingi sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Ikaw na 'yung mahal ko. Babustedin mo ba ko?" Nakangusong tanong niya.

"Of course not! Kahit pa hindi mo sabihin na subukan kong mahalin ka. Hindi ko na kailangan subukan kasi matagal ko na 'yun naramdaman."

Niyakap niya ako at mayroong ibinulong sakin.

"Masaya akong ikaw na ang tinitibok ng puso ko."

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon