Let Me Be The One

83 62 1
                                    

I saw that you're tired. I didn't know na nagsawa ka na pala. Nahihirapan ka na pala sa relasyon natin. Hindi ka na pala masaya.

Tila nananatili ka nalang dahil naawa ka sa'kin.

Napabilang tayo sa relasyong sa una lang masaya, sa una lang may pagmamahal na nararamdaman.

Isang araw naglakas loob akong  kausapin ka.

"Mahal pagod ka na ba?" Tanong ko sa'yo habang mayroong mga munting butil ng luha na tumutulo mula sa mata 'ko.

I didn't get any response, I sighed.

"Lance, do you still love me?" I asked once again while looking into your eyes. I can see tiredeness, a pain.

Suddenly you hugged me.

"I fell out of love, hindi ko gusto 'yun." Sinserong sabi mo sa'kin napangiti ako ng mapait habang niyayakap ka ng mahigpit.  Naiintindihan ko.

"Pasensya ka na kung hindi ko maibigay 'yung kailangan mo para patuloy mo 'kong mahalin." Saad ko pa habang umiiyak, dinig ko rin ang munti mong hikbi.

"Sorry kung minsan akong naging manhid. Hindi ko alam na, nasasaktan ka na. Hindi ko alam na...hindi ko na maparamdam 'yung love na katulad ng dati." I apologized.

Lumayo ako sa'yo ng bahagya, pinagdikit mo ang noo nating dal'wa.

"I'm sorry too for feeling this. Kung nawala na 'yung love. Nics, minahal kita pero baka hanggang dito lang talaga tayo."

Ramdam ko ang pagpatak ng luha mo.

Nilayo ko ang mukha ko saka hinawakan ang pisngi mo.

"Lance, I know. Alam kong minahal mo 'ko, naramdaman ko 'yun. Baka sadyang nakakapagod lang talaga 'yung pag-uugali na meroon ako. Na baka, sumobra na sa pagtatampo, pagseselos...."

Huminga ako ng malalim saka kita nginitian.

"Mahal, ayoko na nahihirapan ka. Ayoko ng masaktan ka pa. Papalayain na kita. Let me...let me be the one to end this. Let me be the one that will set you free and let me say I love you for the last time. Mahal, hayaan mong ako ang magpaalam. Goodbye." Saka ako tumalikod habang umiiyak.

Mahal kita pero hindi mo na 'ko mahal. Hindi sapat 'yung salitang 'mahal kita' para ipagpatuloy natin 'to. Sa pagkakataon na 'to ayoko maging makasarili. Ayoko nang makita kang nagdurusa pa. Ayoko mang pakawalan ka...ito nalang ang paraan para muli kang maging masaya.

Let me the one who will suffer from this pain.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon