Nang-iwan Kasi Napagod

76 56 1
                                    


"Goodmorning my boo. Start you day with a smile. Kain ka na. I love you." Tuwing umaga goodmorning message mo agad ang bubungad sa'kin.

Dahil tinatamad ako magreply hinayaan ko nalang.

"Goodafternoon my boo. Kumain ka na ba? Wag magpapalipas. I love you." Even sa tanghali may message ka din pero binabalewala ko lang saka nagfacebook ulit.

"Hey, online ka pala oh. Di ka man nagrereply." Chat mo sa'kin, I rolled my eyes then I didn't response.

"Goodevening my boo. Matulog ka na ha? Huwag na magpupuyat nakuuu makulit ka pa naman. It's bad for your health. Tutulog na 'ko, tulog ka na din. Goodnight, I love you." Bago ka matulog may message ka din pero hindi kita nirereplayan.

Araw-araw ganoon ang routine natin. Kung minsan you're trying to call me but I decline it. Ayaw kita kausap, nakakabored ka kasi.

One day gumising ako na wala kang message. Napangiti ako't tumigil ka na sa panungulit.

Tanghali at gabi wala ka ring mensahe.

Ilang araw pa ang lumipas wala ka ng paramdam.

I tried to call you how many times pero wala. I send a lot of messages pero walang sagot.

"You miss me?" Tanong sa'kin ng kung sino. Pag harap ko, it's you.

"Bakit hindi ka nagparamdam ha?" tanong ko sa'yo.

"Nasira na phone ko eh. Kaya nga pumunta na 'ko dito."

"For?" Saka ako tumalikod sa'yo.

"Makausap ka ng masinsinan."

"Ayoko na boo..." Napahinto ako sa nadinig ko.

"Ganoon nalang 'yun? Tatapusin mo nalang 'to?" Kunot-noong tanong ko sa'yo.

"Napagod na 'ko. Ilang beses na 'ko nagpahinga para magpatuloy sa relasyon natin. Para akong nasa one sided love boo. Pasensya ka na, napagod na 'ko sa pambabalewala, kulang nalang sabihin kong magpakagirlfriend ka naman." You said. Para akong simapal ng mga katagang 'yun.

"I-I'm sorry. One more chance please. Babawi ako."

"Para ano? Balewalain mo lang uli? Huwag na. Tama na, ayoko na. Hindi ka naman magiging masama niyan sa tingin nila. Ako kasi ang nang-iwan. Pero tandaan mo nang-iwan ako kasi napagod. I love you boo." Saka mo tinap ang ulo ko't umalis.

Napaiyak ako sa katangahan na ginawa ko. I can't see your worth noong nandito ka pa, ngayong wala ka na halos magmakaawa ako para sa isa pang tiyansa.

Masyado akong nagpakakampante na hindi mo 'ko iiwan. Pasensya sa pagiging manhid.

Now I lost you.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon