Salamin

29 7 2
                                    

•Dedicated to EKOL_bucane

Everytime I'm looking at the mirror, nakikita ko ang isang babae subalit malabo ito, hindi maaninag ang hugis ng katawan maski ang parte ng kaniyang mukha.

Nakakatakot lalo na't mag-isa lamang akong natutulog dito sa'king kuwarto.

Nakakarinig ako ng malakas na hagulgol at pagdadalamhati. Isang iyak na sobrang bigat  kada paghikbi nito.

Ang salamin kung saan ko parating nakikita ang babae ay hindi tinatanggal sa aking kuwarto, katulad ng alam natin. Ang mga matatanda ay may kung ano-anong mga kasabihan. Sabi nila, huwag daw galawin ang mga bagay sa bahay na ito dahil magagalit ang totoong may ari. Oo nga pala, lingid pala sa inyong kaalaman na inuupahan lamang namin ang bahay na ito.

Maganda naman, bahagyang makalumang moderno, may kalakihan at maaliwalas kung titingin ka sa labas pagkat may mga halaman. Nakakatakot lamang at nakakapangamba dahil sa mga nangyayari rito na hindi ko maipaliwanag.

Isang araw pagkatapos namin mag-online class nang dahil sa panibagong sistema ng pag-aaral ngayong pandemic. Tumingin ako sa salamin upang suriin ang itsura ko. Natatawa ako na mukha akong sabog nang may makita akong nakatayong babae sa aking likod subalit di ko maaninag ang mukha niya.

Nagtaasan ang balahibo ko't agad na tumakbo pababa. Kinagabihan, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kuwarto. Bahagya pang nanginginig ang mga tuhod at kamay ko, isabay mo pa ang nakakatakot na tunog ng dahan-dahan na pagbukas sa pinto. Napayakap ako sa'king sarili nang biglang tumama sa'king balat ang malamig na simoy ng hangin.

Nakita kong nakabukas ang bintana kaya dumeretso ako rito para isara. Panandaliang nawala sa isip ko ang kaba't takot na nararamdaman ko kanina.

Ilang segundo pa habang inaayos ang kurtina ng bintana naramdaman ko na para bang may dumaan sa'king likuran. Dahan dahan kong nilingon ang aking likod subalit wala naman akong nakitang kahit na sino.

Napagpasiyahan kong tumakbo sa'king kama dahil sa kaba ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pangyayaring 'yon.

Nagtalukbong ako ng kumot at niyakap ang aking unan. Pinikit ko ang mga mata ko nang bigla kong maalala ang babaeng nakita ko kanina sa aking likuran nang nakaharap ako sa salamin.

"S-sino kaya 'yon?" Tanong ko sa'king isip. Wala naman ako ibang kasama dito sa kuwarto sa mga oras na iyon. Humigpit ang yakap ko sa unan nang bigla akong makarinig ng tunog ng yapak na tila papalapit sa aking silid.

Pinakiramdaman ko ito nang mabuti habang nakataklob parin ng kumot subalit nakamulat na ang aking mga mata.

"Bhea...."

"AAHHHHHHHH!" Napagulong ako sa'king kama sa gulat. Nalaglag ako rito't nagmukha akong lumpia na binalot ng kumot.

"Ang ingay mong bata ka!" Inis na singhal sa'kin ni mama. Salubong na ang kilay nito at para bang handa na akong katayin ano mang oras.

Umupo ako muli sa'king kama at nilagay ang unan sa'king hita habang nakaharap kay mama. Napakamot ako sa'king batok sa nangyari kanina.

"Ikaw kasi ma eh." Itinaas ni mama ang kanang kamay niya na animo'y papaluin ako.
Napaiwas ako agad at pumunta sa kabilang sulok ng kama.

"Ako pa sinisisi mong bata ka. Matulog ka na't may pasok pa bukas. Puyat ka ng puyat."

Tumango-tango na lang ako't di na tumutol dahil baka mabugahan na ako ng apoy ng mama ko.

Nagbasa ako ng bahagya para sa gaganaping pagsusulit bukas. Nang makaramdam ako ng antok, itinabi ko na ang gamit ko. Humiga at nagdasal bago matulog.

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Tila ayaw pang bumangon ng katawan ko pero malapit na magsimula ang klase ko.

Nag-ayos ako at kumain. Kinuha ko na ang cellphone ko at nagsimula na magsagot. Unang subject namin ay math pagkatapos nito ay science. Malapit na ngang tumalon utak ko eh.

Nang matapos ang klase nagchat sa'kin ang guro namin sa science. Sinend nito ang screenshots ng isang activity na pare-pareho kami ng sagot ng dalawa kong kakilala mula sa ibang section.

Sa sobrang kaba hindi ko alam ang gagawin ko. Oo, I cheated sa activity na 'yon. Sobrang hirap at hindi ko na alam ang gagawin ko.

Simula noong araw na 'yon nagbago ang lahat.

"Cheater HAHAHAHA."

"Kaya pala honor kasi nandadaya."

Ilan sa mga mensahe ng kaklase kong akala mo ay hindi nandaya sa buong buhay nila. Oo nagkamali ako pero bakit kailangan manghusga agad ng ganito?

Ginawa ko 'yon dahil umay na umay na ako sa guro namin na magdidiscuss lang ng isang beses pagkatapos sandamakmak na requirements ang ibabato sa amin.

Naging honor ako dahil pinaghirapan ko 'yon, sadiyang para bang di na lang ako natututo ngayong new normal.

Ang hirap magkamali, isang beses lang pero kung makapanghusga 'yung mga tao para bang buong buhay mo alam nila. Na para bang hindi sila nagkamali ni minsan.

Gabi-gabi wala akong magawa kundi ilabas lahat ng hinanakit ko. Tuwing gabi lahat ng sama ng loob nilalabas ko. Pagkatapos, sa paggising ko sa umaga para bang ayoko ng pumasok. Ayoko na gumising at makarinig nanaman ng kung ano-ano.

Madaling magsabi ng salita sa isang tao pero di mo alam kung gaano kahirap ang magiging epekto nito.

Nakatingin ako sa salamin ngayon, nakikita ko ang isang babaeng parang wala ng haharaping bukas. Na para bang wala ng makakamit na kinabukasan.

Napangiti ako habang inaalala ang masasakit na salitang nadirinig ko. Lahat ng paghihirap na ginawa ko na para bang wala na 'yon ngayon. Isang babaeng umiiyak nanaman. Babaeng sobrang hina.

Napangiti ako hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko na nakatungtong sa isang upuan, inaayos ang tali na magsisilbing tila duyan ko.

Tumatawa ako habang mayroong tumutulong luha sa'king mata. Tila walang hinto na pagsasalita ng mga taong sa'kin ay nanghuhusga. Kahit wala sila rito, rinig ko ang kanilang pangungutya.

Muli ako humarap sa salamin, bahagya akong nagulat sa'king nakita. Para bang ito yung babaeng parati kong nakikita sa tuwing
titingin ako sa salamin. Pareho rin kami ng postura at damit.

H-hindi kaya, ako yon?

Nilusot ko ang aking ulo sa lubid saka ngumiti. Sa wakas, matatahimik na ako. Hindi ko na kailangan makaramdam ng takot sa tuwing gigising ako sa umaga. Hindi ko na kailangan umiyak tuwing gabi.

Pumikit ako't hinawakan ang lubid. Maya-maya pa'y sinipa ko ang upuan saka ko naramdaman na wala na akong maapakan at nahihirapan na rin akong huminga.

Huling narinig ko ay ang sigaw ng aking ina.

"BHEA!"

----------
----------

Isinara ko ang librong hawak ko pagkatapos ko itong basahin. Kaba at takot ang naramdaman ko sa istoryang ito. Subalit, ito ang nagpapahiwating sa'kin na habang may buhay may pag-asa.

Sinulat ko ang librong ito at base ito sa nangyari sa'kin noon. Pagkagising ko no'n ay nasa Hospital ako. Labis ang takot at pangamba ni mama nang makita niya ako sa ganoong kalagayan.

Magmula ng araw na 'yon---noong muntikan na akong mawala sa mundong 'to at maisip na kitilin ang buhay ko. Nagsumikap ako't naging mas malakas upang harapin ang buhay.

Hanggang sa maging ganap ako na manunulat, dahil sa tinta na meroon ako. Ginamit ko ito at isinulat ang istoryang pinagdaanan ko. Hindi para sabihin sa kanilang subukan din nilang kitilin ang kanilang buhay kapag nahihirapan na, bagkus ay huwag mong isiping wala ng solusyon sa problemang iyong nararanasan.

Lahat ng bagay may dahilan, ang libro kong 'to ay nais kong maging insipirasyon sa ibang tao.

Pumikit ka lang at sa muling pagmulat mo may panibagong pag-asa na bubungad sa'yo.
Ngayon tumingin ka sa salamin, makikita mo ang mahinang ikaw noon at ang panibagong malakas at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay ngayon.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon