AMBER"Ahhh! Trevor, anakan mo akooo! Ang hot mo. Whooooo!" I shout on top of my lungs. Wala akong pakialam sa mga katabing kulang maniko at manulak sa ingay ko. Keber? Eh maingay din sila. Mas malala pa nga ang iba dahil winawagayway pa ang hinubad na bra na akala mo tinitinda sa palengke pagkatapos ihahagis sa stage mamaya. Yuck. Di ko kaya iyon. Ang kaya ko lang ay hilingin na anakan ako ng pinakaguwapong nilalang na nakilala ko sa buong mundo. Mahinhin pa ako sa lagay na ito.
"Tempest! Tempest! Tempest!"
Bumukas ang ilaw at iniluwa ang Tempest Band na binubuo ng limang kalalakihan, lahat guwapo at walang itulak kabigan ngunit sa kabila ng lahat, nakatutok lang ang mata ko sa isang tao.
There are days,
I woke up and I pinched myself
You're with me, not someone else
And I am scared
Yes, I'm so scared
That's it's all a dream...Sumabay kaming lahat sa lyrics. My heart swelled when I saw his rare smile while strumming the chords of his bass. I really love the Tempest band. Pero mas mahal ko ang bahista ng banda na si Jace Trevor Torrez.
Eighteen years old ako when I first met him, he was the most good looking man I've ever seen. His eyes expressive, his lips were sexy and to die for.
Everything lits up around him when he smiles, kahit gloomy pa ang weather lumiliwanag talaga sa paligid tuwing tatawa o ngingiti siya. Para siyang may dala-dalang spotlight sa ulunan, may filters at glitters pa.
Though he's one third of the famous Torrez triplets in VCC, siya at siya lang talaga ang nakikita ng aking tantalizing eyes. They are all extra ordinary good looking, they actually look alike. Kung hindi mo lubusan kilala, maliligaw ka ng kahit sino sa kanila. But I was never confused, kahit yata tumayo silang tatlo sa aking harapan at magsuot ng parehong damit, I will still recognized him.
My heart will recognized him easily...
Five years kong inalagaan ang feelings sa kanya. Creepy as it may sound I have memorized every inch and crevices of his handsome face, alam kong may maliit siyang nunal sa kanang sentido na walang makakapansin kung hindi pakatitigan mabuti. Alam ko din may mahaba siyang peklat sa ibabaw ng tuhod na hindi ko alam kung saan niya nakuha, matangkad siya ng once inch compared sa mga kapatid at may biloy siya sa kanang pisngi kapag ngumingiti. Unlike his brothers na kapwa sikat na varsity players, he didn't joined any ball clubs. He's not into physical sports but he was good in car racing, tuwing sabado nagtutungo silang triplets sa Subic to raced. Marami na siyang napanalunan karera but he's just in it for the fun, he never considered car racing as something serious just as he never take girls seriously. Lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya, were all just passing fancy. Kagaya ng car racing at pagbabanda, libangan lang sa buhay niya.
Wala siyang sineryoso isa man, actually lahat silang magkakapatid. They date and fuck girls like there's no tomorrow but I know sa kanilang tatlo siya ang pinakamatino. Napatunayan ko iyon nang minsan madapa ako bitbit ang patong-patong na libro sa library. Freshman year, bilang student assistant naka-assigned ako doon at sa dinami-dami ng estudyanteng nakakita at tumawa, siya lang ang tumulong. My heart was racing, ni hindi ko siya matingnan kahit nang ngumiti siya at tanungin kung okay lang ako, nakatanga lang ako. Tangna. Si crush! Nasa harapan ko! Kinakausap ako! Ilang araw kong hindi hinugasan ang kamay kong aksidenteng nahawakan niya pagdampot ng libro.
Ilang beses pang nag-krus ang landas namin, ewan kung irregular student siya o sabog lang talaga ang schedules pero madalas nagiging classmates ko siya sa ilang subjects. May time nagiging magkagrupo kami sa reporting and laboratory.
He was really nice and smart. Palagi siyang may magandang idea sineshare. Kapag kagrupo namin siya lagi kaming nakaka-uno. Grabe. Hindi lang nuknukan ng guwapo, sobrang talino pa. Dahil doon lalo yata akong nabaliw. Di na siya nawala sa isip ko. Lalo akong nain love.
![](https://img.wattpad.com/cover/234124974-288-k911605.jpg)