I postponed the final interview of the applicants. May tatlong naghihintay para maglaban-laban as my executive assistant, nagbabalak na kasing magretiro si Mrs. Marikit na tatlong dekada ng naninilbihan sa Astoria Hotel, gusto na daw nitong magpahinga dahil hindi na bumabata. I understand her situation and I get her point but I have a feeling that she just doesn't like me as her boss. Bago kasi ako ay pinalitan ko si Tito Andrew sa pamamahala ng chains of hotels ng pamilya. Ngunit wala pang kalahating taon mula ng hawakan ko ito ay nagpahiwatig na si Mrs. Marikit na aalis. May ilang bagay kaming hindi napagkasunduan sa pamamalakad ng kumpanya at hindi maiwasang ikumpara ako sa tiyuhin.
Kung ako ang tatanungin mas gugustuhin ko pa rin manatili dito sa Ilocos kahit may Mrs. Marikit na nagsisilbing malaking tinik sa lalamunan ko.
Manila is just too toxic for me plus my son needs a new environment. His doctor said mas makakabuti sa hikahing anak ang makalanghap ng sariwa at preskong hangin. Ilang beses na kasing naisugod sa ospital si Jacko noong nasa Manila, ngunit simula nang magrelocate kami sa Pagudpod ilang buwan ang nakakaraan pabuti ng pabuti ang lagay nito. Siguro'y malaking bagay din ang tulong ng private nurse and nanny na hinire ko.n
"Mrs. Marikit please cancel all my meetings onwards. I have to attend to my son."wika ko pagkalabas ng opisina. Tumango lamang ang matanda at wala ng sinabi pa. Hindi naman masyadong mahalaga ito. Alam nitong pagdating sa anak ay walang makakapigil sa akin. The applicant's could wait but not my son.
Kulubot ang aking noo habang nagmamaneho, Jace Oakley or Jacko as we called him is my six years old son. Iniwan siya sa aming gate na nakalagay sa basket at when he was just five months old, may maliit na note kung saan nakasaad ang pangalan ng bata. Muntanga pa ang nakasulat doon. Until now I can't believe how could the mother left my son just like that? Na akala mo pinamimigay lang na tuta sa kapitbahay.
Hi! Lolo and Lola Torrez,
My name is Lake Torrez, I'm five months old. Please take good care of me. :)
He was named Lake Torrez. Maikli at walang dating, boring. Siguro plain and boring din ang nanay. I don't like his original name. Besides, he was abandoned by his mother, why would I give my son the same name given by his mother? Instead, isinunod ko kay Dad and unang pangalan ni Jacko, I named him Jace Oakley Torrez.
Astig.
"Ang pogi-pogi. Mukhang korean baby na may halong caucasian blood. Look, he has gray eyes! He has Lolo Juancho's eyes, mom and dad! Kainggit! Sana all!" Tuwang-tuwang kinasat-kasat ni Sahara na ikinahagikgik ng sanggol. Ang tinis ng tawa nito na pumuno sa buong silid. Parang nagkaroon tuloy ng panibagong buhay sa mansion. My parent's love the baby instantly. Si Sahara ay itinalaga agad ang sariling Tita nito, kahit hindi pa man napapatunayan kung sino sa aming tatlo ang Tatay.
"Singkit siguro ang nanay." inosenteng wika ni Terrance na nakikisilip sa kapatid at inang may karga sa bata.
"Duh, Kuya Terrance! Obviously, wala naman singkit sa atin 'no? The question is, who is the father among the three of you?"
Doon natahimik lahat. Naging seryoso ang paligid at natutok sa aming triplets ang atensyon ng lahat. Pati ang bata ay nakaramdam, nahinto ito sa paghagikgik at tila naghihintay din ng aako dito.
"Triplets."
"Y-Yes, Dad?"si Terrance, nanginginig na. I can understand him. Maging ako, may takot kay Daddy. Mabait ito ngunit matinding magalit. Ito ang batas sa mansion and no one would want to mess with Jace Tyler Torrez-- except for our mom. Si Mom lang ang may ganang patiklupin ang tuhod ni Dad and up until now I'm still amazed how did she managed to do that.
