XXV

7.2K 101 5
                                    


Anthony

(Breaking News: Dalawang kalalakihan ang natagpuang patay sa isang estero sa *toot* kahabaan ng *Tooot* avenue. Napinaniniwalaan na biktima ng summary execution. Tadtad ng saksak ang nga kalalakihan-----")

"Hay Ano bang balita yan. Puro patayan." Si Kiel. Nasa bahay kami ni Detective Previer at marami daw syang gustong itanong sakin at gustong ipakita. Di ko alam kung ano ang mga iyon pero sigurado akong tungkol yun kay Max.

"Oh bat mo pinatay?" Tanong ko sa kanya. Ayaw talaga nito nakakakita ng pataya. Nahihilo yan pag nanunuod kami ng patayan na movies. Kahit na zombie lang. Minsan nga nahimatay pa yan. Adik no?.. Hahaha

"Sorry natagalan ako." Seryosong sabi ni Detective Previer. Nagbaba sya ng isang notebook sa center table at tinawag ang nag iisa nyang katulong lumapit naman ito.

"Pakikuha kami ng meryenda." Ngiting ewan. Tsss yung babae rin. Di sila na! Bakit ako walang love life!!! Meron pala. Inaagaw lang ng iba.

"Sige Demi." Sabi nito at umalis na.

"Wusshhhooo si Tito. Pa Demi pang nalalaman. Walang porever." Si Kiel. Thumbs up ako. Totoo yun.

"Tarantado. Girlfriend ko yun. Hahaha. Wait lang seryoso na tayo. ". Ok seryoso na daw.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko sa kanya.

"Anong araw nawala si Maxine? At saan sya huling nakita?" Tanong nito sa akin. Napaisip ako. Anong date nga ba yun.

"Nakalimutan ko ang exact date but mga first week ng July. Tama. Yun nga. First week ng July. Dahil halos kasisimula palang ng school year nun.. Tapos sabi sakin ni Lana. Iniwan daw sya ni Max ng lunch at di na bumalik." Sagot ko. Tingin naman sakin si Keil at si detective naman nagsusulat.

"Sa school huling nakita si Maxine. Doon tayo mag sisimula. Kung yung Lana ang huling kasama ni Max. Siguradong matutulungan nya tayo sa paghahanap natin sa first clue. Unang lugar natin ay ang paaralan nila. Pwedeng doon sya kinidnap or doon mismo pinagsamantalahan." Napaisip ako. Pu pwede nga iyon. Kung sino man sya. Maaaring doon din sya pumapasok!

"Pwedeng doon sya nag aaral o nag ta trabaho." Sagot ni Kiel.

"Tama. Pero we need to be sure. Hypotesis palang ang meron tayo. We have to conduct a proper inverstigation. Kaylangan nating mag field work. Find evidence sa unang lugar na pwede nyang napuntan at bumuo ulit ng hypotisis sa totoong nangyari." paliwanag nito. Napatingin ako sa kanya. Ang bilis nyang nakagawa ng teorya nya! Kung ako yun ang tagal ko ng iniisip ang mga bagay bagay na yun pero ngayon lang ako nalinawan sa obvious na palang bagay. Ang tanga mo Anthony!!

"All we have to do is to go there and conduct inverstigation." Tumango ito aa sinabi ko. Madali nalang siguro yun.

"Kukuha tayo mg permit sa authority then ipapakita natin sa school para makapag tanong tanong na tayo roon. Pero matatagalan yun. Aabutin tayo ng one week para lang makakuha ng permit sa mga police." sabi nito. Ang tagal naman nun!.

"Pero after that madali nalang naman diba?" tanong ko.

"Yes. Magiging madali nalang yun. Wag lang sana magkaka aberya. You know. Typical investigating drama. Pinapatay ang pwedeng witness." Ito. Napabuntong hininga nalang ako. Pwedeng mangyari yun. Hay ok ng mapanganib kaysa naman di ko makuha si Max. Ayun ang di ko mapapayagan.

"Ok lang yun basta. May first move na tayo. Kaysa naman naghahanap tayo na parang bulag." Sabi ko. Di tulad ng dati wala akong ka clue clue sa kung pwedeng nasaan sya. Ngayon malalaman ko nangyari at sisiguraduhin kong kung sino man yun magbabayad sya.

Tumunog ang phone ko. Nagmamadali kong kinuha yun at tinignan kung sino caller. Si kuya pala. Nagpaalam ako kila Kiel at lumayo.

"Oh kuya bakit??" Tanong ko.

"Di ka pa ba uuwi. Death anniversary ni mama. Hinahanap ka na ni papa." pasermon nitong sabi. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Nakalimutan ko na si mama... Sorry ma!! Wag mo kong multuhin!!

"Sige. Uuwi na ako. Paki sabi kay dad." Sabi ko at binabaan na nya ako. Adik talaga yun. Ganun yun pag badtrip. Bumalik nalang ako kila Keil.

"Death Anniv ni mama. Nagagalit na si kuya. Alis na ako. Thanks talaga sa tulong detec---"

"Tito nalang din kaibigan ka naman ni Kiel." Sabi nito. Napangiti naman ako.

"Sige tito. Una na ako."

Tumango sila at nauna na ako....

Mahahanap na rin namin si Max. Alam kong malapit na. Malapit na talaga.

------------------------------------------------------------------------------------

Lana

Naningkit ang mata ko ng nakita ko si Amon. Pucha ang dami nakatingin sa kanya!

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Amon. Isang linggo na rin mula nung mangyari yung muntik akong maaksidente. Syete hanggang ngayon nanginginig ako pag naaalala yun.

By the way. Nasa school ako at ang letcheng Amon na to nandito! Ano nanaman kaya trip nya!! Ang dami tuloy babae. Naka fitted gray vneck kasi sya at ripped jeans na sa tuhod lang ang sira tapos vans na kulang black. Naka brush up pa buhok nya at ang gwapo gwapo nya. Tuloy ang daming babae!

"Shortcake." Sya at niyakap ako. Wahhh di ako kinikilig. Na iihi lang!

"Bakit ba ka kasi nandito!" Tanong ko pa. Ngumiti lang sya at inaya na akong maglakad papuntamg canteen. I pout ang dami talagang nakatingin...

"Na i istress kas----"

"Hoy!!!" natawa sya. Langya ahhh walang pinipiling lugar!? Ilang beses na ba kaming nag ganun sa kotse nya. Bwisit. . Muntik pa kaming mahuli minsan. Kasi naman eh!! Naaalala ko pa.

"Wala, binibisita lang ki-----

*bang*

*bang*

*bang*

*bang*

Sigawan ang lahat dahil sa putok na yun. Mabilis akong inupo ni Amon at kinoberan. Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko. Pucha.. Huhuhu ano ba yun? Parang putok ng baril!

Makaraan ng isang minuto ay gumalaw na si Amon at ako ang una nyang tinignan.

"Ok ka lang ba? Wala naman masakit sayo?" Tanong nya na natataranta habang hawak ang magkabila kong pisngi. Tumango nalang ako. Parang na relief sya at hinalikan ako sandali sa labi at niyakap. Nakakatakot na talaga sa mundo.

Unti unti kaming tumayo kasabay ng iba. Nakita naming nagtatakbuhan ang iba sa gate ng school nalapit lang kasi kami doon.. Napatakbo na rin kami at tinignan yun.

"Hell!!" Sigaw ko sabay takip ng mata ko ni Amon. Yung guard. Patay yung guard. Puro tama ng bala sa muka at meron din sa dibdib. Ang daming nasuka ako tahimik lang ako. Di ko alam kung paano i e explain ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko natatakot ako.

"What the!!!" Sigaw ng isang lalaki di kalayuan samin. Napatingin kami doon. Isa iyong gwapong lalaki na may folder na hawak naka polo itong kulay puti at nakatupi hanggang siko ang sleeves non. Mukang nasa 24 or 26 na sya.

"Lumayo kayo dito! Di kayo pwede rito!!" Sigaw nito ng makabawi. Pinaalis nito ang mga estudyante katulong nya ang mga teacher na nagpapalayo sa amin.

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Amon rito.

"Di pa alam. Basta lumayo na kayo." Sigaw nito. Lumayo nalang kami.

"Uuwi na tayo. Baka mapano ka pa dito." Seryosong sabi nito at hinila na ako papunta sa kotse nya napalingon nalang ako doon. Kita ko yung lalaki na sobrang sama ng timpla. Parang may bagay sya na maaari ng maabot pero nawala pa.

"Hop in Lana." Sabi ni Amon. Sumunod nalang ako at umalis na kami doon gamit ang gate 2 sa west wing.

---------------

Teacher's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon