Alaina's PoV
"Ahh..." Mahina kong angal habang pinapanood ang pagpatak ng masaganang ulan mula sa langit na kay dilim.
It was a normal Sunday night.
Nagaya ang mga kaibigan kong pumunta kami dito sa simbahan upang magdasal. Since magkarelasyon ang dalawang kaibigan kong iyon, hinatid ni Jeremiah si Hyacinth pauwi.
At eto ako ngayon, naiwan ditong nagiisa, nagaabang ng tricycle na masasakyan.
Napatingin ako sa medyo luma ko nang relos. 8:56PM.
Malapit nang magalas-nueve at nakatunganga padin ako. Wala padin kasing dumadaan na trike.
Puro lahat ng tao na kasabay ko sa 8:00PM mass ay may kaniya-kaniyang sasakyan. At wala naman akong kakilala ni isa sa kanila.
Nakakahiya naman kung makikisabay ako sa hindi ko kilala. Isa pa, baka mapahamak lamang ako pag ginawa ko iyon.
Hindi naman kasi lahat ng tao sa panahon ngayon mapagkakatiwalaan.
Lakarin ko nalang kaya ang pauwi kahit na medyo bumabaha na? Kesa naman manatili ako dito sa lamigan.
Kahit na mabasa, makakaya ko naman siguro ang maligo agad pagkauwi. At pagkatapos ay matutulog ng masarap.
Mabuti na lamang at naisipan kong magboard. Dahil kung saamin ako uuwi, paniguradong mapapalo at mapapagalitan ako ng aking nanay at tatay.
Napatingin ako sa kahabaan ng espasyo mula sa pintuan ng simbahan patungo sa gate nito.
Kaya ko ba itong tawidin?
Bagamat medyo nanlalabo na ang aking paningin, hindi ko mapigilang kilatisin ang tao na nakatayo sa may gate ng simbahan.
Si Hyacinth?
Sinubukan kong pumikit at muling dumilat.
Hmm... guni-guni ko lang siguro. Isa pa, kasama niya kanina si Jeremiah na sumakay sa tricycle kaya naman bakit babalik pa siya di'ba??
Sa kabilang barangay pa man din ang kanilang uuwian.
Sumilip sa kalangitan ang isang guhit ng kidlat. Napaigik ako ng makitang tumama iyon sa isang malapit na grupo ng mga puno.
Nabali ang sanga noon at nahulog.
"Makauwi na nga lamang." Bulong ko. Marahang nawawalan ng pakialam kung mabasa man ako, ang damit ko, at ang aking mga sapatos.
Mas maganda nang mabasa kesa naman matamaan pa ako ng kidlat. Klase ding lalakas pa ang bagyo.
Huminga ako bago mabilis na tumakbo patungo sa gate ng simbahan.
Hindi pa man ako nakakatapak palabas noon ay nakaramdam ako ng matinding hilo.
Nanlalamig ang aking mga kamay at ang aking tiyan. Grabe ang sakit na nagmumula doon kaya naman hindi ko iyon napigilang hawakan.
At ganoon nalang ang aking pagkagulantang ng mahawakan ang matalas na bagay na napaparoon.
"Sino..."
Bago pa man ako makalingon ay lumitaw na saaking harapan ang katawan ng isang tao.
Isang tao na hindi ko na naaninag ang mukha dahil sa malakas na kidlat na aking mas naaninag sa kaniyang likudan.
"Sino ka?"
"Ate Eia.. uuu...." Kasabay ng isang malakas na kidlat ay napamulat ako. "Mama! Papa! Si Ate!!!" Nanlalabo ang mga mata kong tiningnan ang isang batang babae saaking tabihan.
Habag na habag siya at patuloy na nahuhulog mula sa kaniyang mga mata ang napakadaming butil ng luha. Kahit nanghihina ay hindi ko mapigilan ang paghawak mula sa kaniyang mga pisnging matambok upang punasan ang luha na nagmumula sa kaniyang mga mata.
"Cali! Hindi ba't sinabi na naming matulog ka na?" Suway ng matandang babae sa bata. Lumapit naman agad siya doon at binuhat iyon.
"Pero mama. H-hindi ko po pwede iwanan si Ate..." Tila nagmamakaawang sabi na nito.
Karga-karga ang bata, lumapit saakin ang babae. Matanda na siya ngunit kahit ganoon ay napakaganda niya padin. Dumaan sa kaniyang likuran ang isang lalaki, kumuha ito ng posporo at sinindihan ang lampara na nakapatong sa isang lamesa sa tabi ng aking kama.
"Pasensya na anak kung ito lamang ang ilaw. Kahapon pa kasing malakas ang kulog at kidlat at klasing nasira nanaman ang linya ng kuryente." Saad ni Papa.
Papa? Bakit ganoon... bakit...
Bakit tila kilala ko sila kahit na hindi? "N-Nasaan po ako?" Natatakot kong sambit. Sino sila? Iniligtas ba nila ako mula sa masamang nilalang?
"Nandito na tayo saating bahay. Kanina ay nahimatay ka nalang bigla-bigla noong pagkatapos nating magsimba."
"Ho?" H-Hindi ko sila kakilala... Hindi ko sil—
"Ate? Nakalimutan mo na po ba ako?" Nalulungkot na saad ng bata.
"H-Hindi Li-em." Li-em? Nanlaki ang mga mata ko.
Papaano ko nalaman ang pangalan niya?
"You should rest more Athyeia. Masyado ka lamang siguro napagod."
Athyeia?
~•~•~•~•~
A/N: Thank you po Ate pinkystylefor for the book cover ^^
BINABASA MO ANG
The Death of Athyeia (COMPLETED)
Historical Fiction16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She was transported to a world inside a 4000 plus old novel and lived once again as Athyeia. Will she know...