The Life of Athyeia Abarca
Kung susumahin ang mga pangyayari, sadya namang ang naging buhay ng aking mama na si Athyeia Abarca Azturias ay magulo, ngunit bakas padin ang saya.
Kaya naman, sa kaniyang pangalan ay isinusulat ko ang mga pangyayari bago dumating ang kaniyang nalalapit na kamatayan.
Madaming taon na ang nakalilipas, pumanaw na si Tito Nero Azturias dahilan sa isang sakit na kumitil din sa buhay ng asawa niya na si Tita Kleif Azturias.
Sobrang nakakalungkot ang pangyayaring iyon lalo na at kabuwanan na nang panganganak ni Tita Kleif sa kanilang panganay na agad ding kinuha.
Umakyat sa trono ang aking ama na si Levi Azturias at ginawad ang aking ina bilang kaniyang reyna.
Bata pa lamang ako nang aking mabasa na ang mga librong ito, ang mga librong madalas ay sinusulatan ni Mama.
Doon ko nalaman ang masaya ngunit medyo may pait pading buhay na kanyang naranasan.
May mga panibagong sulat din si Mama na ginawa para gabayan ang magiging susunod na Alaina, sa muli niyang pagkabuhay sa malapit na hinaharap.
Alam kong hindi na magtatagal ang buhay mo Mama, at labis akong nalulungkot sa isipin, ngunit dalangin ko padin na matapos na ang sumpang iginawad sa inyo ni Ama na nagmula kay Lola Thea.
Alam kong hindi na muli pang maisusulat ang kwentong ito dahil sa mga hakbang na iyong isinagawa, kaya naman, kung mababasa mo man po ito sa hinaharap, nais kong sabihin sa iyo, at ipaalam,
Na napakabuti mong ina.
Na napakabuti mong reyna.
Hindi man namin sa iyo madalas sabihin ngunit mahal na mahal ka namin, nawa ay masaya na kayong magsasama ni ama pagkatapos mong tumawid sa tulay nang buhay at tuluyan kaming iwan.
Dahil sa inyo kaya magkakaroon nang kinabukasan ang bayang ito, kaya sana ay huwag kang magalit kung ipapamahagi ko man ang napakaganda mong kwentong sa iba.
Ang kwento ng iyong pagkabuhay, ng inyong pagmamahalan ni ama, at ang kwento mo bilang isang magaling na reyna.
Dahil sa iyong mga librong sinulat para sa susunod na mga henerasyon ng pamilya, malamang ay hindi na tayo muli pang magkikita sa oras ng reyalidad na ito, pero sa pamamagitan nitong sulat ko ay sana po ay maramdaman niyo padin ang pagiging konektado sa inyong mga anak, lalo na po saakin.
Bagamat nagtatampo, masaya padin ako pagkat suportado kayo ni ama sa pasya niyong huwag na muling maulit ang mga nangyari sa buhay niyong ito.
Kahit na baka ang kapalit noon ay ang realidad na baka hindi na din kayo muling magkasama pa.
Ahh...
Kasabay nang iyong mahinang paghimig sa iyong kama habang nakahimlay ay ang marahang panghihina at pagbaba ng iyong boses.
Ang senyales na muli ka nanamang lilisan patungo sa napakalayo pang kinabukasan.
Hindi ko po kakalimutan iyong mga salitang lagi niyo saaking binibitawan, ang mga katagang:
"Binigyan tayo ng Diyos ng papel at isang panulat. Siya ang panulat, at ang papel ang ating buhay... Kaya nagkaroon tayo ng kakayahang gumawa nang iba't-ibang karansan at posibilidad bago tayo mailibing sa hukay. But it is up to us whether the story we write will end up good or bad."
Ikaw po mama ang nagturo saakin na huwag lamang akong umasa sa maaari kong maging kapalaran. Kaya naman naniniwala akong balang araw ay muling magbubuhol ang ating tali ng ating mga buhay.
At sisiguraduhin ko iyon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng iyong kwento at nang mga sulat mo, at sulat ko.
At paniniguraduhing kong ako, at ako lamang ang hahawak at susulat ng aking buhay. Aalagaan ko at pagyayamanin ang buhay na ibinigay mo, ni papa, at nang Diyos. At hinding-hindi ko ito ipapamigay at hayaang iba nag sumulat nito.
Kasabay ng pagpatak ng huling tinta sa papel na ito ay ang tuluyan ngunit hindi permanenteng pagkawala mo dito sa mundo.
Paalam na mama, mahal na mahal na mahal po kita.
Hanggang sa muli nating pagkikita,
Elvia Azturias.
The End
Date: August 31, 2020
Time: 5:51AM
BINABASA MO ANG
The Death of Athyeia (COMPLETED)
Historical Fiction16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She was transported to a world inside a 4000 plus old novel and lived once again as Athyeia. Will she know...