Kabanata XVIII: Ang Pagpuslit

4.5K 219 5
                                    

Dedicated to izyazade ^^

~•~•~•~•~•~

Athyeia's PoV

"Binibini, sigurado po ba kayo dito??" I nodded at Laura. Nandito na kami sa back gate ng manor.

Konektado ito sa kusina, mula dito, at dahil narin saaming suot ay alam kong madali kaming makakapuslit.

"State your name." Saad ng isa sa dalawang guardia na nagbabantay doon.

Inalala ko naman iyong pangalan ng apo ng kitchen head na tinuruan kong magbake ng cupcakes. Oh ha, ako ang nagturo sa kaniya. Tinuruan ko din siya kung papaano gumawa ng icing na mas ikinatuwa niya.

"May apo akong kasing edadin ninyo iha." Kwento ni Chef Leejay habang naghahalo noong cupcake mixture sa isang bowl.

"Talaga po? Anong po ang pangalan niya??"

"Asheera ang pangalan niya. Kung wala sigurong sakit ang nanay niya ang paniguradong bibisita iyon ngayon dito."

"Klase pong mahal na mahal niyo siya." Masaya ko namang sambit. Nahalata ko iyon dahil sa kaniyang kwento.

"Syempre naman! At napakabait din, lagi iyong nagvovolunteer na tulungan akong mamili ng mga kailangan mula sa palengke." Tuloy-tuloy lamang si Chef Leejay sa pagkukwento habang gumagawa kami.

At iyon ang dahilan kung bakit alam kong failure-proof itong aming plano.

"Ako po si Asheera. Apo po ni Chef Leejay." Isa pa, kaya ko gagamitin ang pangalan ni Asheera ay dahil alam kong hindi kami magkakasalisi dahil nagsabi ito sa kaniyang Lolo na mawawala muna ito ng isang buong linggo. "Kakagaling ko lang po sa palengke upang bumili ng mga kaylangan niyang mga sangkap na gagamitin sa kaniyang pagluluto."

"Juan, tunay ba ang sinasabi ng binibining ito?"

Habang nakatingin sa isang libro, tumango iyong si Juan. "Oo Pedro. Papasukin mo siya."

I was not able to calculate na baka pala kilala na iyong si Asheera, at klaseng baguhan pa lamang itong si Pedro kaya napakaswerte ko dahil busy iyong si Juan.

"Makakapasok na po kayo Binibini." Sabi nito at binuksan iyong metal na pultahan.

Hindi na naman niya pinuna ang kaibigan kong si Laura.

Ng makapasok kami doon, labi ang tuwa ko ng kakaunti ang mga tao.

Naisipan kong pumunta dito ng linggo, dahil madalas magsialisan ang mga tao ng araw na iyon at bawas ang mga bantay.

Mabuti na lamang at esksaktong tanghali na.

Levi's PoV

Walang ekspresyon kong pinapanood ang dalawang babaeng pumasok sa manor ng ilegal.

"Hahayaan lang po ba natin sila Mahal na Prinsipe?" Tanong ni Jae-Ha na kanina ay tahimik lamang saaking nakasunod. Isang tango ang ibinigay ko dito.

Ano ang pakay nila sa manor?

Naisipan na ba ni Athyeia na patayin ako at sugudin?

Sadya bang nangalap lamang siya ng impormasyon noong nakaraang linggo?

"Get your gun ready." I ordered him as we followed the two ladies from the manor's back gate.

Napatingin ako sa langit habang kalmadong naglalakad papasok ng aking bahay.

Makulimlim na at halata ang bigat na dala ng mga ulap.

I heaved a sigh while looking at it with expressionless eyes.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon