Kabanata XXXXVII: Ang Kaniyang Pakay

2.8K 166 0
                                    

Verona's PoV

I was making my way out of Levi's office down the hallways with a smirk.

He might not have tasted the soup but I still used the potion my mother gave me.

I don't need his love.

I just need his power. And to achieve that, I need him.

Tingnan natin kung sino ang luluhod saatin kinabukasan.

Sa dulo ng pasilyo, sa taas ng isang pader, nakita ko ang isang orasan.

6 hours.

6 hours and Athyeia's Levi will no longer be hers.

And hell will finally befall their family.

Nasa ganoong katayuan ako noong biglang dumaan saaking harapan si Athyeia.

Nagiisa, at klaseng napakalayo ng iniisip.

Saan siya pupunta??

At bakit ba hindi pa siya namatay noong siya ay nadakip?

Malamig ang aking mga matang sumunod dito.

Mawawala ka nadin Athyeia.

Oras na mapasaakin si Levi isa ka sa aking inuuna.

Mula pa lamang pagkabata ay napakamangaagaw ng babaeng ito.

Siya ang naging anak ni Tito kahit na ito na ang tumatayong ama saakin noong namatay ang tunay kong tatay.

Magmula nang araw na iyon, napakadalang na nito kaming bisitahin. Dahil sa kaniya kaya ako naghirap pati nadin ang aking ina.

Napakagat ako ng labi.

Napakasarap himayin ng bawat parte mo at sunugin ito isa-isa Athyeia.

Ngunit bago iyon, kailangan muna kitang aralin.

Athyeia's PoV

Pagkatapos noong nakita kong senaryo sa opisina ni Levi, hindi ko makaya-kayang magisip ng maayos kaya naman mas pinili kong sarhan ang libro kong sinusulat at umuwi na saaking kwarto kahapon.

Bagong umaga na ngayon at kakatapos ko lamang kumain.

Hindi ganoon kadami ang aking naisubo dahil sa pagkabalisa. Bukod kasi doon sa nakita ko kahapon ay hindi ko mapigilan ang pakiramdam na may mga matang nagmamasid saakin.

Napahinga ako.

Dala lamang ba ito ng paninibago?

Ilang araw na kasi saaking walang kumakausap. Wala naman si Gracie at siya lamang ang aking kalapit sa manor na ito kaya't wala akong makakuwentuhan.

Isa pa, matagal-tagal ko nang hindi nakikita ang mga Abarca. Namimiss ko na si Li-Em pati sina mama at papa.

Sumulat ako sa kanila noong isang araw ngunit sa panahong nagaganap, hindi ko alam kung dumating na ba iyon sa kanila.

Pagkatapos kumain, mas pinili kong maglakad-lakad muli sa may hardin.

Nasa pasilyo na akong papasok dito nang muli ay makarinig ako ng maliliit at mahihinang hakbang.

Napahinga ako.

May sumusunod nga saakin.

Lumingon ako palikod at napagtantong wala na doon iyong tao. Idiniretsyo ko ang aking tingin.

Hindi siya nagpapakita kaya naman kailangan kong magisip ng paraan upang siya ay aking mahuli.

At upang matapos na ang kaniyang ginagawang laro.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon