Athyeia's PoV
Athyeia. Isang babaeng namatay sa edad bente. Kilala siya saaming bansa.
It was more of a fictional tale though. Isang alamat na nagpapaalalang h'wag basta-basta magtiwala sa mga taong iyong makakasalamuha.
Athyeia was born of a rather normal family. On a time when daughters are married to men to elevate one's social status.
Athyeia lived an interesting life. Madami siyang naabot sa buhay, she was known to be the greatest writer on her time but her story was told by a close friend instead of her.
Again, that was because of her death.
In the peak of her youth she met with Levi. The first man that she loved, the man that killed her.
It seems that right now, I am living as Athyeia. The only reason I don't understand was why??
"Madame Athy. Naandito na po ang regalo sa iyo ng iyong ama." Saad ni Laura. Isang katulong sa nobelang iyon, she is the closest friend of Athy.
Sa likod ni Laura ay lumabas si Dante, ang head butler ng aming bahay, klaseng tinulungan niya si Laura na buhatin ang isang kahon patungo saaking kwarto.
"Paniguradong matutuwa ka dito Binibini. Napakadami at napakagaganda ng tatak ng mga pangsulat na ito." Masayang tugon ni Dante.
Isa pa ito sa katangian ni Athy. Isa siyang manunulat. Minsan nga ay napaisip ako kung iyon ba ang dahilan kung bakit napapasok ako sa nobelang ito.
Hindi sa mahilig akong magsulat ngunit mahilig akong magkwento, ang iba ay galing mismo sa sarili kong dila. I am a quite a dreamer actually.
Kung susumahin, napakaswerteng nilalang ni Athy, if it wasn't for her early death.
If it wasn't for Asturiaz.
"Paniguradong masayang-masaya ka po binibini." Tila mas natutuwa pang sabi saakin ni Laura habang binubuksan ang kahon na pinadala ni Ama.
Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman. They are the family of Athyeia... not mine.
I have my own family.
Sina Mama... Si Papa... at ang aso kong si Gabriel.
Sinubukan kong subukang magising ng ilang beses upang tingnan kung nasa isang panaginip lamang ako. But the reaction I received was contrary to what was I hoping.
I never came back to my own world.
Not even on my dreams.
"But that is not all. Maya-maya ay dadating na dito ang mga bagong saya na pinamili ng iyong ina para sa iyo. Susuutin ito sa gagawing pagdiriwang para sa pagseselebra ng pagdating ng tagaraw."
"At bukas na iyon binibini! Dapat ay siguraduhin kong magiging maganda ka bukas. Madaming mga binata ang paniguradong tutungo din doon."
"Isa din ito sa mga panahon na pag natapos ay madaming nagpapakasal kaya naman dapat talaga itong paghandaan." Sambit ng isa pang boses. Nilingon ko ang pinto at doon ay nakita ko si Tiya Veronica.
Hindi ko alam kung sino siya ngunit tanda ko ang pangalan niya.
Maaaeing ito ay ang ala-ala ng tunay na Athyeia.
Kung tama ako ng pagkakaalala, si Tiya Veronica ay ang tiyahin ni Athyeia na gustong-gusto at atat na atat na ipakasal siya sa isang binatang may mataas na pagkakakilanlan.
Plano kasi nitong ilapit din ang anak na babae sa mga kamaganak ni Levi (Ang makakarelasyon ko base sa kwento) Hindi kagandahan si Verona kaya naman ginagamit niya ako.
Isa pa, si Levi ay kilalang parte ng Familia Real. Familia Real ang tawag sa mga pamilyang pinakamayayamang naninirahan sa librong ito.
"Ako ang magaayos sa iyo bukas Athyeia." Madiin niyang bigkas habang hinahawakan ang aking baba. "Sisiguraduhin kong sa iyo mapupunta ang lahat ng tingin ng kalalakihan." Dagdag pa niya habang sinisipat ang aking mukha.
Veronica flicked her fingers and in an instant, nagdala si Laura ng isang full-lenght body mirror saaking harapan.
Umupo si Tiya saaking tabihan at ginalaw-galaw ang aking buhok. "Ikaw ang magiging bulaklak sa dilim." Masaya niyang sabi na tila ba may magaganap na pasabog.
Athyeia was a very beautiful girl on the other hand. Mahaba at hanggang puwit ang haba ng kaniyang kulay putik na buhok na may highlights na kulay pula sa dulo. Kulay berde din ang kaniyang mga mata at kulay gatas naman ang kaniyang balat.
Kung hindi lang dahil sa katayuan niya bilang Familia Medio ay paniguradong madaming magkakandarapa sa kaniya.
Hindi mayaman ngunit hindi din mahirap ang pamilya ni Athyeia Abarca. Malaki ang kinikita ng kaniyang ama sa pagawaan nito ng sapatos ngunit malaki din ang nilalabas na pera ng kanilang pamilya para makatulong sa iba.
Sa kanilang panahon, may tatlong estado ang tao.
Familia Real,
Familia Medio,
At Familia Bajo.
Familia Real, tulad ng sinabi ko kanina ay iyong kilalang-kilala ang mga ipelyido. Mga namumuno sa bansa, those that dominates the business world, and etcetera.
Familia Medio, again, ay yung parang may kaya sa kasalukuyan.
At Familia Bajo, iyong isang kahig at isang tuka.
However, even though Athyeia is seen as a part of Familia Medio, makukuha niya ang kalooban ng Prinsipeng si Levi pagkatapos ng ilang pangyayari, or so she thinks.
I don't know why Levi did it, noong mabasa kong pinatay ni Levi ang babae ay medyo nawalan na ako ng ganang basahin ang libro, hiniram iyon ng kaibigan kong si Hyacinth, na buong puso kong ibinigay sa kaniya kahit hindi ko pa tapos.
Since then, I have never read it again.
They will meet at the festival tomorrow, during the fireworks display at isa iyon sa dapat kong iwasan.
Ang pagkikita ni Athyeia Abarca at ni Levi.
BINABASA MO ANG
The Death of Athyeia (COMPLETED)
Ficción histórica16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She was transported to a world inside a 4000 plus old novel and lived once again as Athyeia. Will she know...