9

469 26 35
                                    

Chapter 9: Sleepover

I was in the shower taking a bath nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-doorbell sa aming gate. Nautusan ko na rin naman si Jun na pagbuksan ng pinto kung may mag-doorbell. Ang pinagtakha ko lamang ay sobrang aga naman yata niya? Napag-usapan namin ay after lunch, pero heto at alas-onse pa lamang ay narito na siya.

Napailing ako habang tinatapos na ang pagligo.

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad ang aming panauhin sa sala. Nakangiwi siya at nakatingin sa kapatid ko na tahimik lamang na nagbabasa ng libro at hindi siya pinapansin. Lihim akong natawa.

Narinig yata niya ang mga yabag ko, kung kaya ay mabilis siyang napatingin sa gawi ng hagdan. Napangiti kaagad siya ng malapad pagkakita sa akin. I immediately frowned at Rachi.

"Ang aga mo naman yata?" ang una kong bati sa kaniya.

He shrugged his shoulder at tumayo mula sa pagkaka-upo. "The earlier, the better, Jin."

I rolled my eyes at him only to be caught off guard sa backpack niyang dala. I narrowed my eyes at him na malakas niyang kinatawa.

"Ano iyang mga dala mo?" nanunuri kong sabi.

"Mga damit," nakataas ang dalawang kilay niyang ani. "Makikitulog ako rito, Jin. Makakasama mo naman ako hanggang bukas, 'di ba? Kaya para iwas gastos sa pamasahe, sleepover na lang."

Napatampal ako sa aking noo at pinakita ko talaga sa kaniya ang pagka-dismaya ko! Alam kong may point siya, pero saan ko siya papatulugin? Sira ang aircon sa guest room. Hindi naman pwedeng sa kwarto nila Mom and Dad, lalong-lalo na sa kapatid ko. Ayaw na ayaw ni Jun ang may katabi!

Malakas akong bumuntong hininga. "Fine. Iwan mo na muna iyang gamit mo sa kwarto ko."

Wala na akong nagawa.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng ulo ni Jun sa gawi namin. He shrugged his shoulders at me when I narrowed my eyes at him. Alam ni Jun na ayaw ko rin na may kung sino na umapak sa kwarto ko, pero may choice pa ba ako? Papatulugin ko ang bisita sa sala? That's rude. Magagalit sila Mom and Dad kapag nalaman nila 'yun.

At isa pa... this is not his first time inside my room – even in our house. Iyon ang hindi alam ni Jun. The memories of that night is still vivid on my mind. I was really a moron that time. Hindi talaga si Shainon ang unang nakaapak sa aming bahay at nakapasok sa aking kwarto. But if the right time comes, siya naman ang espesiyal na tao na dadalhin ko rito sa amin. I'll even make sure that Mom and Dad can meet him.

Nakakainis lamang na lahat ng mga balak ko para kay Shainon, itong makulit ang laging nauuna.

"Nostalgic, huh?" Nakangisi siyang bumaling sa akin na nakasandal lang sa nakasara ko nang pinto.

Mariin ko siyang tinignan habang naglalapag siya ng gamit niya sa itaas ng aking kama. This is damn awkward. Ngayon hindi na kami lasing at nasa loob pa ng aking kwarto – hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Iniisip mo pa rin iyon?" wala sa sarili kong tanong.

Bumaling siya sa akin na ngayon ay may seryoso nang expresiyon. I crossed my arms on my chest. Nagsukatan kami ng titig hanggang siya ang unang bumawi.

"Sabi mo na kalimutan na lamang iyon, 'di ba?" Tipid siyang ngumiti sa akin. "Iyon ang ginawa ko, Jin. Bumalik lamang nang makapasok ako ulit dito."

Muling namatay ang atmospera sa aming dalawa. Nakita ko ang paghagod niya ng kaniyang mga kamay sa magkabila niyang braso. He looks so uncomfortable all of a sudden.

Kung bakit kasi by seatmate pa ang partnering?

"Bumaba na tayo at magluluto pa ako ng pananghalian."

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon