40 [END]

691 22 17
                                    

Chapter 40: The Promise

"Noong una ko siyang makilala, parang siya ang tipo na palaging may sama ng loob." Napatingin ako kay Hiroki Itou na nakaharap sa puntod ni Rachi habang ako ay nasa kaniyang likod. "Maraming natatakot makipaglapit sa kaniya noon at may mga estudyanteng binansagan siyang terror. But not me. I always find him amusing."

Hinalughog ko sa aking isipan ang Rachi na nakilala ko noong college. Nakatatakot ba siya? I find him annoying, loud mouth, and flirty so hearing that side of him made me kind of jealous. Hindi ko nakita iyon, pero ang lalaking nasa harap ko ngayon, oo. What made him that way anyway? Dahil ba sa... akin?

"Hindi ko siya ganiyang nakilala..." mahina kong sambit sa aking sarili.

I heard Hiroki's snort, pero hindi na ako umangal. He's still a highschool kid, only a year older with Jun so fighting with a kid is not a good picture with me. I can allow him mocking me dahil alam ko namang inis siya sa akin. The feeling's kind of mutual though.

"Paanong hindi, ikaw ang dahilan na naging ganoon siya?" Natahimik ako sa sinabi niya. "When I finally got close to him, that's when I saw his vurnerable sides. His pain, his heart, his story, his everything. As well as his real sides. Ang pamumula ng mukha hanggang batok niya kapag nahihiya, ang paghaba ng nguso niya kapag pinagtatanggol ang sarili, how bad of a drunkard he is, and how good he is when flirting. Really, I was head over heels."

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. This kid and me, we got something in common. We fell for the real Rachi Sakura. Those cute and lovely sides of him, I know it very well, too. And knowing I was the first one to see and know all of that, pakiramdam ko ako pa rin ang panalo.

"It must be hard for you all this time, kid," sinsero kong saad.

Narinig ko ang buntong-hininga niya at seryoso akong hinarap. Naglakad siya palapit para magkapantay kami at kahit mas mataas at malaki ako sa kaniya, hindi siya nagpatinag. Now I know why Rachi also became dependent to this kid, he reminds me of Rachi's old friend, Raphy.

"It was very hard. Kahit anong gawin ko, kahit ako na ang kasama niya palagi, hindi ko pa rin siya mahawakan. Ang layo niya pa rin. At dahil iyon sa kadahilanan na wala sa akin o kanino man ang puso niya. Nasa iyo. Kapag kaharap ka niya, alam ko nang talong-talo na ako." Umiwas siya ng tingin and somehow, I felt bad. "Heto na ang una at huli na dadalaw ako sa kaniya. This way, I can move forward, too. I can finally set him free. Hindi naman siya sa akin sasaya dahil ikaw ang kasiyahan niya. He's always happier with you."

The gentle wind blew passed the grasses outside. Napangiti ako habang nakahiga na tinatanaw ang payapa at maaliwalas na kapaligiran sa labas. There's no sign of raining. It's a perfect time to leave. I might making him wait for long now.

"Tito, why are you smiling? Do you remember something good po ba?"

Napabaling ako sa aking gilid kung saan makikita ang aking pamangkin na nag-aayos ng mga bulaklak sa vase ng silid kung nasaan ako. Ngumiti ako sa kaniya at sinenyasan siyang lumapit sa akin. Sumunod naman siya kaagad at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ng aking higaan.

"Tito feels sleepy, so if your Papa and Dada comes, tell them to not wake me up because I am already fine," masaya kong sabi sa kaniya sabay haplos sa kaniyang buhok.

Walang muwang na tumango na lamang siya sa akin. It's okay. Jun would understand. I am already fine as I've already seen everything I have to see before I go. Nandoon ako sa lahat ng mga magagandang bagay na iyon.

I saw Jun get married to his first and last love, Sanjou. I was also there when they built a family at nagkaroon pa ako ng mabait na pamangkin. Jun's bestfriend, Rin, was the same and I witnessed that, too. Mom and Dad couldn't be more happier than I am.

Shainon... he found someone he could give his everything, too. I'm more than happy for him. He cried while telling me he's finally ready for that someone at wala akong pagtutol sa taong pinili niya. Would you believe me if I tell you who is it? Because at first I couldn't believe it, too. But they found their way to each other. At wala nang mas perpekto pa sa kanila dahil natitiyak kong kaya nilang punan ang kulang sa puso ng isa't-isa. Shainon could finally move forward without me and his partner — Hiroki — could finally move forward without Rachi. I wish them happiness forever.

And for me... I think it's time.

"Tell everyone goodnight for me," pabulong kong sambit sa aking pamangkin.

"Okay, Tito. Sleep well po."

And with that, I gently closed my eyes with a smile. Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng sinag ng liwanag mula sa labas ng aking silid. Hawak ang bagay na iyon, masaya kong tinahak ang lugar pabalik sa kung saan ko siya iniwan. Sa lugar kung saan niya sinabi na maghihintay siya.

Nang muling bumukas ang aking mga mata, ang una ko kaagad na nakita ay ang aking mga kamay. Hindi iyon kulubot, walang bakas ng katandaan. I've realized, I'm back to my younger years. Nakatayo akong muli sa mabulaklaking lugar na iyon. Tahimik at payapa.

"You're here."

Kaagad na kumabog ang puso ko nang marinig ang boses niya. Nakatayo siya sa harap, hindi kalayuan sa akin. Kagaya ko, nakasuot siya ng purong puti. May mga bulaklak na nakalagay sa itim at mahaba niyang buhok. He's perfect. It's perfect.

"Did I make you wait for too long?" maluha-luha kong tanong.

He gently smiled sabay iling.

"No. Your timing is perfect, Jin."

Hindi man makikita ng iba ang momento na ito, ang paglalakad niya nang marahan palapit sa akin, ayos lang. Kahit kami lang dalawa ang narito, it doesn't matter. Because after everything that had happened, I'm finally chasing the right way.

Nang nasa harap ko na siya, imbes na palisin ang mga luha niya ay sinabayan ko siya sa pag-iyak. This time, it's the tears of joy.

"You look perfect, Chi," puri ko sa kaniya.

"And you're perfect for me, Jin."

I cupped his face and with all my heart, I kissed those soft and sweet lips I've been missing all this time. I miss him. I miss him so much my heart is about to burst.

"I love you," sambit ko sa mga katagang akala ko ay hindi ko na masasabi pa sa kaniya. "If loving you is a crime, then I find myself guilty."

Natawa siya. "I love you, too. It's a pleasure to be loved by the Nation's Best Lawyer and Gay's Hottest Fantasy."

Natawa rin ako sa sinabi niya.

Ah, finally. Sa tagal kong hinintay ang momento na ito, sa wakas ay narito na. Wala na akong mahihiling pa. The chase won't end here, dahil kahit gaano mo pa katagal kagusto, I'll be chasing your love.

Forever and ever.

On that sunny day. At the age of 84. I, Yujin Miyamoto, finally fulfilled his promise to Rachi Sakura.

"Are you happy?" tanong ko sa kaniya.

"More than happy."

Ngumiti kami sa isa't-isa at hindi kagaya dati na umalis siya sa lugar na iyon ng mag-isa, ngayon ay magkahawak kamay na kaming lumisan. Sa aming mga daliri ay kuminang ang patunay na ako ay para sa kaniya at siya ay para sa akin.

FIN

----
AN: Hi! How's the ending?
So dahil tapos na ang Boys Love Series, gagawa ako ng FAQ's regarding this series. As a whole ito so if may question kayo regarding to my BLS characters (Rin, Akio, Jun, Sanjou, Yujin, Rachi, Shainon) drop it below. Will do it once nakalikom ako ng sampung magagandang tanong.

P.S.
Kindly read the afterword, may announcement ako roon regarding sa mangyayaring side story ng series na ito at kung sino ang dalawang bida. Thank you for being part of BSL!

Sayonara! <3

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon