25

352 20 8
                                    

Chapter 25: Again

Pagod akong napasandal sa aking swivel chair. I took off my eyeglasses and massage the bridge of my nose. So much for this day. Natambakan na naman ng mga gawain at anong oras na natapos. It's almost dinner.

I texted Jun na hindi na ako makakakain sa bahay. Sabi niya'y daraan na lamang daw siya kila Rin, wala rin naman silang pasok bukas because it's weekend.

My Sunshine:
Don't skip dinner, okay? I'll sleep early today, Jin. I'm too tired.

Napangiti ako nang mabasa ang mensahe niya. Natambakan din yata siya ngayong araw. Siguro nga pagkatapos niyang maipadala ang mensahe na ito'y tulog na siya. Lagi naman siyang ganiyan, nakatutulugan ako. But I understand anyway. At the end of the day, I'm still a slave of my love for him.

Tatlong katok sa pinto ng aking opisina ang nagpatigil sa akin sa pag-aayos ng aking gamit. I'm about to go. Naisip ko na kumain na lang sa labas bago umuwi.

Tumingin ako sa pinto at doon ay dumungaw ang junior ko sa firm.

"Boss, kakain kami sa labas. Gusto mo raw ba sumama?" medyo nahihiya niyang tanong.

They often invite me to eat outside. Lagi ko rin silang tinatanggihan dahil paminsan ay kung hindi sa bahay kasama ni Jun, doon ako kumakain kila Shainon. Pero ngayon mag-isa lang ako. Eating with them for awhile might not be that bad.

"Okay."

Nakita ko ang rumehistro na gulat sa mukha niya. Sinukbit ko ang aking sling bag at tinignan ang oras. Alas-otso na. Natatawa akong lumabas ng opisina dahil nag-iingay kaagad ang junior ko sa aking pagsama. For the first time.

Pumunta kami sa isang resto bar. Dim ang ilaw sa loob at ang atmospera ay para sa pag-iinuman at kasiyahan ng mga magtropa. Naupo kami sa pinakadulo. Sila na ang pinaubaya ko sa pag-order at sinabi ko na lang ang akin.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga sasakiyan sa labas ng salamin na bintana. Nag-iingay na ang mga kasamahan ko at panaka-naka naman nila akong kinakausap. Hindi ko lamang maiwasang maalala ang sinabi sa akin ni Jun kamakailan.

I remember our graduation. Sinubukan ko siyang hanapin noon, pero dahil tutok kay Shainon, sa huli ay hindi ko na rin siya nahanap. When I remember it now, I feel bad. Alam ko na siya ang umayaw sa kung ano ang meron kami at hindi na kami masyadong nagpapansinan pagkatapos noon, but I feel bad na hindi manlang kami nakapag-usap nang mag-graduate. Hindi ko manlang siya nakausap ulit nor see him for the last time.

We didn't even say our goodbyes.

Napapaisip ako kung... kumusta na kaya siya? Knowing he became a nurse which is alam ko na gusto talaga niya, I feel proud for him.

Rachi did it all by himself, without me nor Shainon by his side. Well, he got that Raphy anyways.

Nalukot ang mukha ko.

Sa pagtingin ko sa labas, may nahagip ang aking paningin. Bigla akong napatayo na kinagulat ng lahat. Akala ko si Shainon ang nakita ko, pero alam ko na magkaiba sila. Mahaba na rin ang buhok niya kagaya ng kay Shainon, but I can still tell them apart. I know, because my heart knows.

"B-Boss? Anong nangyari? May problema ba?"

"Kayo na ang kumain sa order ko. Something came up,"mabilis kong sabi sabay lapag ko ng sariling bayad sa lamesa.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, mabilis akong tumakbo palabas. While running outside towards him, I just realized that I've never chased for him. May mga pagkatataon na pinigilan ko siya huwag lang siyang umalis sa tabi ko. Mga oras na sinabi kong diyan lang siya dahil kailangan ko siya. But then again, when he said he had enough, hinayaan ko siya. I tried to stop him, but never did I chase.

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon