24

320 21 14
                                    

Chapter 24: School Nurse

"J-Jin..." Shainon trailed off.

He clearly knew I'm weak of this side of him. Nagulat pa ako nang makita siya rito sa opisina ko at naghihintay, then it dawn to me how he looks right now. Mugto ang mga mata at wala pang tulog. Mariin kong pinikit ang aking mga mata pagkatapos isara ang pinto.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Dumiretso ako sa lamesa ko at nakita mula sa gilid ng aking mga mata na papalapit na siya sa akin. One thing that changed about Shainon magmula nang mamatay ang mga magulang niya at ibinigay sa kaniya ang responsibilidad ng kumpaniya nila sa kaniya ay he's became more sensitive. Naiintindihan ko naman iyon dahil alam kong stress din siya. Aminado rin akong nakalimutan ko iyon nang magkasagutan kami kaya nahabag din ako.

Bumuntong hininga ako. Humarap ako sa kaniya at nakita na nasa harap ko na rin siya. Nanginginig ang mga labi niya at nagsusumamo ang kaniyang mga mata.

"G-Galit ka pa ba? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kagabi..."

"Pupuntahan din sana kita ngayon pagkatapos ng trabaho ko para kausapin ka." I heard him gasped. "I'm sorry. Hindi rin kita dapat sinumbatan ng ganoon."

Tears pooled in his eyes at pagkatapos ay sunod-sunod na iyong pumatak. Mabilis ko siyang hinawakan sa palapulsuhan at yinakap sa aking katawan. I felt him stiffened for a bit bago kumalma.

"Sorry rin," he said in a shaky voice.

"Hm. Hindi naman ako nagalit. I was just shocked, Shine. You know what I mean right?"

Mula sa pagkasusubsob sa dibdib ko ay tumingala siya sa akin. When he saw how intense my stare is, umiwas siya kaagad ng tingin. My jaw clenched. He clearly doesn't get it. Pero ayaw ko na siya ulit sumbatan so I'll give in to him... for now.

"Y-Yeah... I... I get it. It's wrong and... you're right."

Liar. You don't get it at all. Kita ko sa mga mata mo Shine. Taliwas sa mga sinasabi mo ang nararamdaman mo.

I sighed. "Okay then. Gusto mo bang kumain sa labas? I'll just sign some document first."

Doon na lumiwanag ang mukha niya kung kaya ay napangiti ako.

Right. Ayaw lang kita na makitang lugmok. I always want you to be happy. But sorry Shine, I'll still get in the way kapag pinagpatuloy mo pa rin iyang mali na nararamdaman mo.

Lalo na noong nangyari ang tagpo na iyon. His brother Sanjou entered first year in high school. Nagmakaawa siya kay Shainon na bubukod at dahil hindi matiis ang kapatid ay pinagbigyan. Pabor naman sa akin iyon. Ang problema lamang ay ang kapatid ko.

"Jun, I told you that guy is not a good friend for you! Tignan mo at katutuntong lang ng highschool, playboy na! I don't want you to be like that too!" pangaral ko sa kapatid na last year na as grade schooler.

"I won't be like that, Kuya," mariin at seryoso niyang sagot sa akin. "But who I want to be friends with, you don't have a say on that."

Napailing na lamang ako. Ang tigas ng ulo! This is why I've become obsess na pabantayan siya. Hindi niya alam na may mga mata ako sa kaniya. Every move he makes are reported to me. Si Jun lang ang kapatid ko. Ayaw ko siyang mapawala ng landas.

Dahil na rin sa pagka-busy ni Shainon, ako na lamang ang pinaki-usapan niyang magbigay buwan-buwan ng allowance ng kapatid. Ayaw ko sana, kaso mas gugustuhin kong ako na lang kaysa siya.

And that's how I witnessed something na talaga namang nagpasabog sa akin.

I'm on my way to that bastard kid's apartment nang mabungaran ko siyang hinahalikan ang kapatid ko. Nasa baba niya si Jun habang siya ay nasa taas ng kapatid ko. Nandilim talaga ang paningin ko noon at nasapak siya!

Walanghiya! Hindi na ba sa sapat ang mga babae at pati na kapatid ko? At ang gago, nang tinanong ng kapatid ko kung bakit ginawa niya iyon ay sinabing para paglaruan ang kapatid ko? Ha!

"Iyon ba? Iyon ba ang pinagmamalaki mo sa aking lalaki, Jun Miyamoto?" sigaw ko sa kaniya pagka-uwi.

Mugto ang mga mata niya, pero seryoso pa rin niya akong tinignan. My heart broke. Saktan na nila lahat, huwag lang ang kapatid ko. Ang pamilya ko.

"I'm tired, Kuya. Gusto ko nang magpahinga."

Mariin akong napapikit at napabuntong hininga. Damn it. Bakit pati si Jun? Bakit pati kapatid ko? Hindi lang si Shainon? Nagngingitngit ako sa galit.

I was then became busy. With my work and with my work for Shainon. Monitor ko pa rin si Jun na pinag-alalahan na rin nila Mom. Lalo na ngayon at papasok na siyang highschool.

He agreed to go with the same school kung nasaan si Rin and I'm okay with that. Basta si Rin ang kasama niya ay panatag ako. Nakalimutan ko lang na ang paaralan na iyon ay ang parehong paaralan kung nasaan si Sanjou! Kaya pala kaagad pumayag, Jun didn't learn. Tsk.

"How's first day?" Mariin akong nakatitig sa kaniya pagkapasok sa bahay.

Magka-krus ang mga braso ko at sinusundan siya ng tingin. He looked back at me with same intemacy.

"Fine," tipid niyang sagot.

Pinakatitigan ko pa siya at i-no-obserbahan. Hindi na lang ako nagbitiw pa ng kung anong salita at baka magtalo lang kami. Jun is in highschool now. Alam kong alam na niya ang ginagawa niya, pero babantayan ko pa rin siya sa tago.

"Ah right, Kuya," bigla niyang sabi noong nasa kalagitnaan na ng hagdan.

"Yes?" Sinuot ko ang salamin ko sa mga mata at may ititipa pa ako rito sa sala. I still have loads of work to do.

"That friend of yours... school nurse namin sa school."

Kumunot ang noo ko.

"Friend? Who?"

"Iyong nag-sleep-over dito sa atin dati noong college ka pa. He saw me earlier and said his regards for you." Mukhang nag-isip siya. "Ah, yes. Rachi."

Bahagyang tumalon ang puso ko sa nabanggit niyang pangalan. It's been so long since I heard his name. Sobrang maraming nangyari after namin magtapos sa kolehiyo. Nakalimutan ko na rin kung kailan nga ba ang huling pagkakataon na nakita ko siya?

"Si Sir Rachi."

Tumango ako sa sinabi ni Jun.

"Say my regards too kapag nakita mo siya ulit."

Nag-iwas ako ng tingin nang i-n-obserbahan din ako ni Jun. Maang-maangan akong tumipa sa laptop ko na parang walang narinig. Nang tuluyan na siyang makaakyat ay roon lang natigilan ang mga daliri ko sa paggalaw.

So he became a school nurse, huh? Napangiti ako. I wonder... how he was doing all these time.

To. Be. Continue.

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon