Kabanata 5
"Mauna na ako sa inyo ha?" pamamaalam ni Felicity at isa isa kaming hinalikan sa pisngi ni Kesha.
Matamlay pa rin ito. Siguro naiisip pa rin niya kung anong meron sa ate niya at kay Danger.
"Sure ka bang makakauwi siya ng maayos?" bulong ni Kesha .
Napairap ako sa kanya. Kanina pa ito tanong ng tanong sa akin kung magiging maayos ba daw si Felity. Parang wala namang sundo ang babaeng iyon kung makapagtanong ang isang ito.
"You know what, alangan namang hindi iyon magiging maayos eh may driver iyon te" napakamot siya sa kanyang ulo at saka tinitigan ang papalayong pigura ni Felicity.
Tumayo ako at kinuha ang bag. Tumayo rin naman si Kesha at sabay kaming lumabas sa class room.
Halata sa mga mukha nito na nag aalala siya para kay Felicity. Hindi rin kasi nito natanong kung anong problema nito dahil hindi na iyon makausap ng maayos kanina.
Nag aalala rin ako para rito pero hindi ko naman alam kung totoo bang may namamagitan sa ate niya at sa lalaking gusto ng kanyang kaibigan.
"Ano ba kasi ang problema ni Felicity,Freya? Sabihin mo na please" pinikit pikit pa niya ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga ako at tumingin sa malayo.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Baka kasi kapag sinabi ko pangungunahan lamang niya si Felicity sa mga desisyon nito.
"Mas mabuting kay Felicity mo na itanong Kesha" inaayos ko ang aking salamin at tumingin pa rin sa malayo.
Ayokong magtama ang aming paningin dahil baka kulitin pa ako ng babaeng 'to.
"Hay. Ayoko ng umabsent talaga" pagdadrama niya. Napatawa ako ng mahina sa kanya. Absent absent kasi eh.
"Ay? Bakit may nagkukumpulang babae roon? " Turo niya sa banda ng mga babaeng parang mangingisay sa pagsigaw.
"Aba,malay ko" I shrugged.
Nanlaki ang aking mga mata ng patakbong hinila niya ako sa banda roon. Kahit kailan talaga ang babaeng ito.
Silang dalawa ang magka vibes ni Felicity. Kumbaga ako ang parang sampid sa kanilang dalawa. They have these attitude na parang mga bata. While me? No comment.
Muntik na akong matalisod sa pagkakahila niya pero patuloy lamang niya akong hinihila. Ang harsh naman ng babaeng 'to.
"Maglalakad na lang ako. Wag mo na akong hilahin!" Hindi ako nito pinansin at patuloy lamang akong hinila.
"Aray ko!" angal ng mga babae ng tabigin sila ni Kesha.
"Excuse,excuse!" sigaw ni Kesha habang hila hila pa rin ako. Tumabi ang ibang babae habang ang iba ay walang pakialam kung tabigin sila ni Kesha.
Hinawakan ko ang aking salamin. Shit naman malalaglag pa ata ito sa kakahila. Wala pa naman akong pera pambili ng bago.
Tuluyan ng huminto si Kesha pagkarating namin sa harapan. Hinawakan ko ang aking ulo at tinabingi sa gilid iyon. Nahihilo ako sa kakahila ng babaeng ito eh.
"Anyone? " narinig kong saad ng boses ng lalaki.
Nagulat ako ng ituro ako ng lahat. Pati na rin si Kesha itinuro ako. Kumunot ang aking noo.
"Ako?" turo ko pa sa aking sarili.
Sabay sabay na tumango ang lahat. May tinuro si Kesha sa harapan kaya napatingin ako rito. May tatlong lalaking nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Kahit Kunwari
Teen FictionFreya Samantha, is a girl who likes wearing her thick glasses more than anything else. Because of her weird choices of clothes, people teases and bully her. Tristan, is a guy whom Freya meet when they were young. Freya has a crush on him since then...