Kabanata 36

151 6 0
                                    

Kabanata 36

"Ehem,ehem ehem."

Nagising ako sa aking iniisip ng biglang tumikhim si Kesha at Bravin.

"Ano 'yan? Bakit may pa masahe pa?" nakangising ani ni Davin.

Tinaas taas pa niya ang kanyang kilay na halatang nanunukso. Naramdaman kong uminit ang aking pisngi sa kanyang sinabi.

Damn. Bakit ganito?

Hilaw akong ngumiti at ibababa na sana ang aking mga paa ng hawakan ito ni Chase.

Tumitig siya sa akin ng seryoso at ibinaling ang tingin sa kaibigan, "Shut up," aniya.

Humalakhak si Davin at ang kanyang kakambal. Napailing na lamang si George at muli'y ibinalik ang tingin sa pinanonood.

"Pamasahe rin kami,Chase!" ani ni Davin, tinuro niya ang kanyang likod, "Masahiin mo ang aking likod,my labs,"

Napatawa si Kesha at Felicity sa kalokohan nito. "My labs daw oh!" ani ni Kesha.

Rinig ko ang mahinang mura ni Chase. Napahalakhak si Davin sa nakitang busangot na mukha nito.

"Ang daya! Kaibigan mo ko oy! Dapat ako rin masahiin mo!" reklamo nito.

Hindi na siya pinansin ni Chase at pinagpatuloy lamang nito ang pagmasahe sa aking mga paa.

Humalumbaba ako at tinitigan siya. Damn. Bakit parang mas gumwapo siya sa paningin ko?

Damn. Bakit ganito?

"Masarap ba,Frey?" sigaw ni Kesha.

Napatingin ako rito. She chuckled when her eyes met mine.

Anong masarap sinasabi nito? Wala naman akong kinakain ah?

"Huh?"

"Masarap?" aniya.

Mas lalong kumunot ang aking noo, "Masarap ang?" ani ko.

Nginuso niya si Chase, "Masarap ba?" kumindat ito sa akin kaya humalakhak silang lahat doon.

"Sagutin na kasi!" ani ni Davin.

"Oo nga!"

Napairap na lamang ako sa kanilang lahat. Damn. Hindi ba nila nahahalata na ayaw ko pang magkarelasyon?

"Tumigil nga kayo," ani ni Chase. Tumingin ito sa akin, "Maghihintay ako kung kailan niya gusto," dagdag nito.

Naghiyawan silang lahat. Damn. Bakit parang nakakakilig ang sinabi niya?

Shit, I'm doomed.

"Ayieee,sana all!" sigaw ni Davin.

Mas lalo lang yata akong nahuhulog sa kanya. Damn.

"Ma'am Fel?"

Napatingin kaming lahat sa pintuan ng biglang may kumatok roon. Tumayo si Felicity at binuksan ang pinto.

"Yes po?" aniya.

Hawak hawak ng kasambahay nila ang isang telepono. Inilahad niya ito s harap ni Felicity.

Nakakunot noong tinanggap niya ito, "Hello?" aniya.

Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang pagkunot ng nok nito, mas kumunot pa nga ito ngayon.

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon