Kabanata 28

164 8 0
                                    

Kabanata 28

Tahimik ang lahat simula ng umalis si Felicity. Sumunod rito si Chase at parang walang nangyari kung sumunod sa aking kaibigan.

"Magkapatid pala ang dalawa?" bulalas ni Kesha habang nakatingin sa kawalan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng tatlo at iniwas ang kanilang mga tingin. Parang mga problemado lang eh.

"Actually they are half," ani ni Bravin.

Hindi ko pa rin gaanong maisip na magkapatid ang dalawa. So all this time, hindi naman pala girlfriend ni Danger si Ate Isha? Kaya pala hindi nagalit si Ate Chesca sa kaibigan.

Damn. Bakit ganito ang naiisip ko?

"Sa tagal naming magkaibigan ni Fel, ngayon ko pa lamang nalaman na may kapatid pala siya," wala sa sariling ani ko.

Tumango tango rin si Kesha at dumukdok sa kanyang mesa. So ito pala ang gustong sabihin ni Felicity noong nakaraan, iyong hindi niya natapos na salita.

"Kaya pala ganoon na lamang ang pagsesermon ni Ate Isha noong kinurot ni Fel si Chase," ani ni Kesha.

So ganon pala iyon, kaya pala hindi na nakialam si Danger sa pagsesermon ni Ate Isha.

Hindi ko maintindihan pero nalulungkot ako sa sitwasyon nina Chase at Felicity. Kaya pala mukhang magkakilala na ang dalawa noong pumasok na si Fel sa mga sumunod na araw.

Biglang sumagi sa aking isip ang sinabi ni Danger sa akin. Sinabi niya noon na siya ang dahilan kung bakit natali ang kanyang Papa dahil sa responsibilidad na kailangang harapin, na siya ay bunga ng isang kamalian.

At iyong sabi niya na ang tunay na mahal ng kanyang ama ay ang kanyang kasalukuyang kabit ngayon.

Sabagay ni minsan ay hindi ko pa na meet ang  Papa ni Felicity. At ang apelyido na kanyang dala ay ang apelyido ng kanyang Mama.

Bakit ngayon ko lang naisip ang ideyang ito?

"Damn." rinig kong mura ni Bravin at yumuko.

"Teka nga, totoo bang nanliligaw si Chase sa'yo Frey?" Tanong ni Davin. Nakangiti na ito at parang walang dinaramdam na problema.

Naramdaman kong uminit ang aking pisngi. Damn. Bakit kailangan pang ipaalala ang bagay na iyan?

Hindi ko pa rin lubos na matanggap na nanliligaw ang isang Chase Lacsamana. Akalain mo iyon, maganda siyang lalaki, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat. Ngunit nanliligaw sa isang kagaya ko? Isang opposite sa kanya.

"Narinig mo naman diba?" ani ng kanyang kakambal.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni George. Napailing na lamang ang aking katabi at parang lantang gulay kung makagalaw.

Bakit mukhang affected ang isang 'to? Hindi na naman mababago na magkapatid ang dalawa.

"Bakit hindi niyo sinabi sa amin na magkapatid sila?" madramang ani ng aking kaibigan.

Palihim kong nairolyo ang aking mga mata. Nagulat din ako pero hindi ako nasisisi ng tao dahil hindi lang sinabi ang isang bagay. Damn.

"Alam mo ang OA mo," ani ko.

Napaturo siya sa kanyang sarili at umayos ng pagkakaupo. Nagulat si Bravin sa kanyang ginawa kaya napatawa ang kakambal nito.

"Aba? Eh kasi naman," sumimangot siya at masamang tinignan ang mga lalaking nasa aming harap. "Bakit hindi sinabi ng mga 'to? Akala ko ba magkaibigan na tayo?"

Napailing ako sa kanya. Damn. Kahit naman kasi ako, hindi ko ipagkakalat ang isang bagay na alam ko sa isang tao. Hayaan mong siya na lang ang magkalat ng mga iyon, dahil may karapatan naman siya.

"Alam mo kasi Kesha." inakbayan siya ni Bravin. "Hindi kita kaibigan, mahal kita."

Napaawang ang bibig ng aking kaibigan. Damn, anong pinagsasabi ng isang 'to?

"Huh?" tanging ani ni Kesha.

Humagalpak ng tawa si Bravin at ang kanyang kakambal. Sumeryoso ang mga mukha ni Kesha at iwinaksi ang kamay ni Bravin na nasa kanyang balikat.

"Alam mo, panira ka ng moment," aniya at inirapan ang katabi.

Napailing na lamang ako at tinignan ang grupo ni Nathalia. Tanging ito na lamang ang natira at seryoso pa ring nakatingin sa gawi namin. Damn may binabantayan ba siya rito?

"Aminin! May gusto ka sa kakambal ko no?" rinig kong pag-iintriga ni Davin kay Kesha.

Nakita kong namula ang mga pisngi nito. Pinapahalata pa talaga eh? Ang bilis naman maka move on kay Terrence.

"Excuse me?" lahat kami napatingin sa nagsalita sa aking gilid.

Speaking of Terrence. Nakatayo ito sa aking gilid habang may suot suot na salamin. Tipid itong ngumiti at dumiritso ang tingin sa aking kaibigan.

Napabaling ako ng tingin kay Kesha. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatitig sa lalaki.

"Can I talk to you, Kesh?" ani nito.

Seryoso ang mga mukha nito na hindi gaanong normal sa aking paningin. Palagi ko kasing nakikitang nakangiti ang lalaking ito.

"Hindi pwede." Sabay sabay kaming napalingon kay Bravin.

Napaawang ang bibig ng kanyang kakambal na nakatingin sa kanya. Hindi naman kasi inaasahan na sasabat si Bravin sa ganitong usapan.

Nakita kong napailing na lamang si George at ipinikit ang kanyang mga mata. Sa kanilang apat, si George lamang ang may presensya na nagpapagaan ng aking loob. Ewan ko ba pero nararamdaman kong safe ako kapag nasa paligid siya.

"Hindi ikaw ang kausap ko Mister," seryosong ani ni Terrence at muling ibinalik ang tingin kay Kesha.

Naramdaman ko ang tensyon sa gawi namin. Damn. Ewan ko ba pero palaga'y koy may suntukang magaganap kapag hindi kinausap ni Kesha ang ex niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kesha. Yumuko ito at ipinikit ang kanyang mga mata na parang pinag-iisipan ang susunod na gagawin.

Nakatingin lamang kaming lahat sa kanya at hinihintay ang kanyang gagawin. Damn. Mas lalong naging tensyon ang paligid sa ginawa niya.

"Library." tipid na aniya.

Tumango si Terrence at tipid na ngumiti muli. Naglakad na ito papalayo, siguro pupunta na sa lugar na sinabi ni Kesha.

Napatingin si Kesha sa kanyang relo, sa hindi malamang dahilan, tumingin din ako sa aking relo,gaya gaya lang eh no?

"I need to talk to him," ani ni Kesha at ibinaling ang tingin sa amin.

Nakita kong may 45 minutes pa bago magsimula ang susunod na klase.

Hinawakan ko ang kamay ni Kesha kaya napatingin siya rito. Tipid ko siyang nginitian at tinapik ang kanyang balikat.

"Para na rin tuluyan ka ng maka move on sa kanya." bulong ko rito

Hinigpitan niya ang kanyang hawak sa akin at tumingin sa seryosong Bravin. Parang umaakto lamang na boyfriend ang isang 'to eh. Hindi pa naman sila ng kaibigan ko.

"Hoy Bravin,okay ka lang?" tanong ng kakambal nito.

Tipid lamang na tumango si Bravin. Dahan dahan ng tumayo si Kesha at nilakad na ang daan patungo sa Library.

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon