Kabanata 47

191 7 0
                                    

Kabanata 47

Pakanta kanta kong kinuha ang mga gagamitin ko mamaya sa pageant. The pageant will start at 9 AM ngunit maaga na nandito ulit ang dalawa kong kaibigan.

Nawe-werdohan sila sa aking inaasta habang inaabot ang mga gamit na ilalagay ko sa bag na binigay ni Felicity.

Sino ba naman kasing nawe-werdohan kapag ang kaibigan mo nahimatay lang nakalimutan na agad ang pagiging broken.

Well, binawi naman niya ang pagiging broken ko. Hihi.

"Ang weird mo ngayon te, parang blooming ka ata?" hindi na natiis na ani ni Kesha.

I smiled from ear to ear. "Blooming ba?" tumingin ako sa salamin at tinignan ang aking repleksyon roon.

The two of them nodded, "May nangyari ba sa inyo ng step brother ko kagabi?" nagtatakang ani ni Felicity.

Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi. Sabay naman na tumili ang dalawa.

Lumapit sa akin si Kesha at yinugyog ang aking balikat, "Te! Ang bata mo pa para gumawa ng bata!"

Sinamaan ko ito ng tingin, "Anong bata pinagsasabi mo? Sira!"

Damn. Iba talaga ang nasa utak ng kaibigan ko.

"Eh ano ba?" sabay na anila. "Nag kiss kayo?"

Nairolyo ko ang aking mga mata, "Wag niyo kong itulad sa inyo,"

Umakto naman silang humawak sa kanilang mga dibdib. Para namang may dibdib talaga ang mga gaga.

"Ouch," maarteng ani ni Kesha. Umakto pa ito na naiiyak siya sa aking sinabi.

  "Masakit ba realtalk?" Panunukso ko sa kanila.

They just chuckled. "Hindi naman, "

Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Mga sira talaga kahit kailan.

It's already seven in the morning. Ang dalawang ito ay nandito simula pa alas singko.

Napaka excited talaga kahit kailan.

"Mga anaks?"

Binuksan ni Kesha ang pintuan, siya naman kasi ang malapit sa pintuan habang kaming dalawa ni Felicity ay malapit sa closet ko.

Kinukuha ni Felicity ang mga damit na kanyang binili noong nag shopping kaming tatlo. Kasali na rin iyong mga sandals.

Damn. Bakit pa kasi nauso ang pageant pageant na 'yan?

"Hindi pa ba tayo kakain?" ani ni Papa.

Nasa likod nito si Mama na nakadungaw sa amin. Bihis na bihis na ang dalawa.

Si Mama'y nakasuot ng isang kulay pink na fitted dress na may pa slit sa bandang hita. Sabi niya'y sasabay daw siya sa usong kasuotan ngayon, ayaw niya daw maiwanan ng panahon.

Habang si Papa namay naka polo na kulay pink rin, he partnered it with his maong pants and his oh so called combat boots.

Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa. Excited na excited silang panoorin akong maglakad at sumabak sa pagandahan, ngunit ako nama'y hindi mapakali.

Parang kakainin na ako ng kaba ko, ngayon pa lamang.

"Ay? Tita ganda ng legs natin ah?" pamumuri ni Kesha kay Mama.

Mama laughed heartily, " Ano ka ba naman Kesh, kahit naman matanda na ako, maganda pa rin naman ako, " bumaling ito sa gawi ni Papa, " Diba Fredirick?"

Kahit KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon