Chapter 6

7 0 0
                                    

Changes

Every day comes, unti-unti akong nanghihina, nalulungkot, at nanghihinayang.

Walang gustong kumausap sa akin. Mistula isa akong hangin sa kanilang paningin. Para akong halimaw na maaaring makasakit sa kanila. Umiiwas, Natatakot, Nangangamba.

Yes, patuloy parin ako sa pageespiya kay Mary dahil sa walang pagkalibangan. At sa huli, wala paring balita.

Dahil narin sa pagkagutom ay nagpunta ako sa kusina upang kumuha ng mga strawberries.

Naabutan ko naman si Belinda doon kaya lumapit ako. Si Belinda ay isa sa aming kasambahay na ang toka ay pagluluto. Kung titingnan ay Late 30's na ang kanyang edad.

"Ah, Belinda...Mayroon pabang strawberries sa ref?"

Nagulat naman ito at biglang napalingon sa akin.

"Opo, meron po."

Matapos magsalita ay pandalas itong umalis sa kusina at naiwan akong magisa.

Why? Anong tingin nila sa akin? May nagawa ba akong masama? Bakit nila ako iniiwasan?

Dahil sa sama ng loob ay hindi nalang ako kumain at natulog na lamang upang pansamantalang makalimutan muna ang mga nangyari.

"Liliana! Open the Door!"

Sigaw ni Dad ang nagpagising sa akin. Mabilis kong binuksan ang pinto at humingi ng patawad dahil ako ay nakatulog at nahirapan pa siya sa pagkatok.

"Uh, Daddy bakit po kayo kumatok? Do you need something po?"

Lumandas ang kanyang tingin sa ibang direksyon.

"Gusto ko lamang na sabay tayong dalawang kumain." Ngumiti ako.

"Sige, Daddy! Uh, umuna ka na po at maliligo pa po ako."

"No, hihintayin kita. Sabay tayo." Tila bata na pagkakasabi nya.

In my whole life, hindi ganito si Daddy, ngayon lang. Ngumiti ulit ako. Sobrang saya ko ngayon! Nawala ang pagkalungkot na aking naramdaman kani-kanina lamang. I wonder why my Daddy is like that but for now? I don't care! I love this side of my Daddy!

"Sige po!" Masigla dahil sa nararamdamang saya.

Matapos kong maligo ay nagdire-diretso na ako sa kitchen. With my pastel pink t-shirt and short shorts and also flamingo slippers, naglakad ako sa kusina. I don't care kung bakit hindi ganto kapormal ang suot ko kasi bahay namin to, yes, I know na mala-palasyo itong mansyon but  hindi ko naman siguro kailangan na magsuot dito ng dress kung kakain lang naman ako ng panghapunan.

Nang matapos kami sa pagkain ay nagsalita si Daddy.

"Hija, I want you to explore this province! I realized na mabo-bored kalang dito so, bibigyan na kita ng advance vacation!"

Are you serious, Daddy!?

The changes is really something that I need to know.

"Thank you, Daddy!" Then, I hug him.

I'm just happy you know, A stone turns into a soft ball. That's my Daddy! But then, I'm so confused! Bakit ganito sya kung umasta? This is not him. He's a strict dad that will control his daughter from whatever he wants.

The changes is really confusing but it's all okay.

Nang makapagpaalam at makapunta sa kwarto ay doon ako nagsimulang magisip ng mga dahilan kung bakit ganito nangyayari sa akin, nangyayari kay Daddy, at nangyayari sa lahat hanggang sa lamunin na ako ng antok.

Serene Highness | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon