Chapter 5

4 0 0
                                    

Confused

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Nagmimistula ginto ang mata at balat ko dahil sa sinag ng araw.

Nag-ayos at bumaba narin ako upang makapag-umagahan na.

Napatingin ako sa isang golden wall clock ng dining area. 7:00 na ng umaga.

Lumabas muna ako ng dining dahil late na nagluto ang cook at wala namang problema sa akin iyon.

Naggala-gala ako hanggang makaabot sa maid's quarter.

Nakita ko si Mary na bihis pangpasok.

Ngunit gulat na gulat ako ng makita ang ginawa nya.

Nagsuot sya ng wig!

Nagsuot sya ng malaking salamin!

May nilagay sya sa katawan nya na kung ano at mabaho ang amoy noon!

Anong ginagawa nya? Maganda sya pero bakit parang pinapa-pangit nya sarili nya?

Lumingon sya sa direksyon ko! At dahil isa akong mabilis na assassin, hindi nya ako nakita at nakapagtago sa nakapalaking vase. At dahil isa ako sa world's fastest runner, tumakbo na agad ako at nagkunwaring walang nangyari.

Hanggang sa pagkain iniisip ko parin sya. Anong ginagawa nya? Anong kemikal yung nilagay nya at bakit hindi kaaya-aya ang amoy noon?

Matapos kong kumain ay nagpunta ako sa sala. Nakita ko si Mary.

"Good morning, Mary!" bati ko ngunit nataranta na naman sya.

"H-hello p-po, alis na p-po ako!" Nagtatakbo sya paalis.

May dala syang bag, ngunit hindi kaaya-aya ang itsura. Hindi sa nangmamaliit ako ngunit parang ilang taon nang hindi ginagamit iyong bag nya. Base sa pagkakaalam ko, malaki ang pa-sweldo ni Daddy sa kanila.

Ang sapatos na ginagamit nya ay sira. May nakita ako sa kanyang kwarto na magandang sapatos na itim na mayroong takong ngunit bakit hindi nya iyon ginamit? Isang rubber shoes na white ngunit hindi na kulay puti sa dumi at sira ang ilalim ang kanyang gamit.

What's her problem?

A cute and beautiful girl turns into a nerd with gross smell? Why?

Sino bang taong gustong pumangit? wala.

Maybe she have her own reason?

Mary you're a mystery to me. You're like an beautiful flower that secretly have poison that can kill who ever touch you.

Mary, who really are you?

Serene Highness | On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon