Friend
Nagising na naman ako sa umagang kay walang buhay.
Actually, gising, kain, tulog, gising, kain, tulog and repeat lang ang routine ko sa mansyon.
Wala pang sinasabi si Daddy tungkol sa pamamasyal ko dito sa probinsya ng Montereal.
Siguro ngayon na ang araw para itanong sa kanya kung kailan ang pamamasyal ko?
Dahil narin sa kawalan ng ginagawa ay dumiretso na ako sa opisina ng aking ama.
"Come in!"
Naabutan ko syang may tinitingnan sa lamesa nya, may mga litrato ng tao, siguro sa trabaho nya? I don't know.
"Uh..." I'm afraid na baka magalit sya sa akin but andito na ako, nagawa ko na kaya bakit pa ako aatras?
"Daddy, diba sabi mo uh, sabi mo pwede akong mamasyal dito sa probinsya?..."
"Yes, why?" abala parin si Daddy sa tinitingnan nya.
"Uhm, gusto kolang po sanang itanong kung kailan pwede ako mamasyal..."
Kunot-noo ang tingin ni Daddy sa mga papeles na may mukha ng tao. Nakita ko ang pagka-irita sa mukha ni Daddy. Hindi ko alam kung sa binabasa nya ba o sa akin.
"Oh, I'm sorry, hija! Masyado akong busy. Nakalimutan ko tuloy! Magpasama ka nalang kay Remar. Alam na noon kung saan kaniya dadalhin."
"Okay Daddy! Thank you!" Tango na lamang ang kaniyang isinagot.
Pansin ko nga, busy nga siguro si Daddy. Base sa mukha nya pagod na pagod sya. Parang stress na stress sya nagmukha tuloy syang matanda sa tunay nyang edad.
Nang makarating sa garahe.
"Ma'am Pacifica?" Naguguluhang tanong ni Remar.
"Sabi ni Daddy alam mo daw kung saan tayo mamamasyal..."
"Ah! Opo! Meron po ba kayong suot na panligo?"
What? Like swimsuit?
Mukhang nakita naman nya ang aking pagkalito,
"Ah, sorry po! Sa Majarlica Falls po kasi tayo tutuloy..." sabay kamot sa batok.
"Oh, sige! Uh, Ano bang mayroon doon? Hindi pa kasi ako nakakapunta sa ganoong lugar..." Paliwanag kopa.
"Ano po ma'am!? Hindi pa po kayo nakakapunta sa mga ganoong lugar!?" Tila gulat na gulat naman sya.
"Oo, bakit?" lito din ako.
"Kasi po akala namin ang mga katulad nyong alam nyo na...mayaman ay laging namamasyal, nagka-club, gumagastos." sabay tingin sa baba.
Napangiti naman ako, sa lahat ng tao dito sa mansyon, si Remar lang ang ganito, kinakausap ako na parang isa akong normal na tao.
Iyon ba talaga ang tingin nila sa akin? Na isa akong ganoong uri ng tao?
"Ano kaba, Remar. Wala akong karapatang mamasyal at magclub hanggat hindi pumapayag si Daddy..."
Gulat parin ito hanggang ngayon.
"Alam nyo ma'am akala naming lahat na ganoon kang tao, mapangmaliit, nagmamataas, at mapanghusga lalo na't babae ka ngunit tingin ko naman ay hindi naman. Humihingi ako ng tawad!"
Napatawa naman ako sa paghingi nya ng tawad.
"Ano ba! Maliit na bagay..." Natatawa parin ako dahil mukha talaga syang nagsisisi.
"Sige, kuha lang ako ng damit ko at mayroon ba tayong dalang pagkain? Magsama kapa ng ibang kasambahay sabihin mo utos ko tutal wala rin naman silang ginagawa sa mga oras na ito"
"Mayroon na pong pagkain at sige po, magyayaya ako ng ibang kasambahay na gustong sumama!" Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman ito pabalik.
Si Remar? Gwapo sya sa kayumangi nyang kutis, sakto sa laki ng pangangatawan at tingin ko ay mabait.
Masaya ako ngayon! Masayang masaya! Gusto kong umiyak dahil kahit papaano may taong nakaka-appreciate sa totoong ako, sa totoong ugali ko. Sana maging kaibigan ko siya!
Nang matapos kumuha ng damit ay dirediretso na akong naglakad papunta sa garahe ng masaya at kuntento.
![](https://img.wattpad.com/cover/231885292-288-k291608.jpg)
BINABASA MO ANG
Serene Highness | On Going
RomancePain? Downfall? Betrayal? Oh, that's too easy to handle, because that words represent me, represent my love for someone who didn't love me at all. Well, here I am. Going back and raise hell coz I'm Pacifica Liliana Manzana, The Serene Girl that turn...