Dad
"Daddy, how about my school? February pa po ngayon at mayroon pa po akong One month para sa school."
Andito ako ngayon sa library ni Daddy dahil hindi ko siya maintindihan.
"Hija, gaya nang sinabi ko kanina, hindi mo na kailangan pa ang isang buwan na pag-aaral, kayang-kaya ko iyon gawan ng paraan." Kalmado nyang salita.
"The hell Daddy!? Ano? Magduduga ka? Babayaran mo sila upang sundin ka?" Pagalit kong sambit. Ang ayoko sa lahat ay ang panloloko.
"WATCH YOUR WORDS, PACIFICA!" Galit na galit si Daddy as if sobrang natamaan sya sa sinabi ko. Nanloko na ba si Daddy?
Dahil sa nadala na rin ako ng galit, padabog kong sinipa ang upuan sa library at naglakad ng mabilis upang maka-alis na sa nakakasalimuot na ugali ng aking ama.
"PACIFICA LILIANA!" sigaw ni Daddy ngunit walang makakapigil sa akin. Minsan lang ako magalit pero pag galit ako para akong dragon na nakakulong ng ilang taon sa isang hawla at nakawala.
"Anong nangyari? Anong pinag-awayan nyo?" Nagaalalang bungad ni Rosy pagkababa ko sa napakataas na hagdan.
"Si Daddy! Napakaduga nya! Pati sa pag-aaral ko pinagbabawalan nya pa ako!" Pagalit kong sabi.
"Look, unawain mo nalang ang ama mo, maybe may dahilan talaga syang sapat kaya nya iyon nagawa." Kumalma naman ako sa sinabi nya.
"And, besides, mage-18 ka na this October, magiging official dalagita kana! Kaya dapat wag kana munang padalos-dalos gumawa ng mga aksyon, malay mo may matinding dahilan ang ama ko kung bakit nya iyon nagawa." Tama sya. Wala akong karapatan magalit ng hindi inaalam ang buong istorya.
"Salamat, Rosy. Sige pupunta lang ako kay Daddy." Sabi ko.
"O siya, andoon lang ako sa hardin, magdidilig, napakaganda ng mga rosas doon."
"Sige, gusto ko rin makita ang mga rosas dahil iyon ang aking paboritong bulakbulak." Sabay ngiti ng matamisat nagpaalam na.
Huminga ako ng malalim at saka kumatok sa pintuan ng library ni Daddy.
"Come in." Halata ang stress sa boses ni Daddy.
"Sorry Daddy, I didn't mean to disrespect you earlier." Sabay yuko ng aking ulo.
I'm really sorry.
"It's okay, sweetheart. Come here." Malambing na saad ni Daddy.
Lumapit naman ako sa upuan na katapat ng table ni Daddy at umupo.
"I'm sorry too, hija. Hindi kita pinapasok ngayon kahit alam kong first year college kana. Marami akong problema ngayon at isa na doon ang paaralang iyong papasukan kaya sana maintindihan mo ako." Malungkot na mayroong halong galit na sabi ni Daddy.
Ang base sa pagkaka-alam ko, tig-iisa lamang ang Elementary, High School, at Senior High. Mayroong kolehiyo dito ngunit hindi marami ang pagpipilian mong course hindi tulad ng ibang kolehiyo sa Maynila ngunit hindi ako nagrereklamo dahil nasa pipilian naman ang kukunin ko. Architecture.
"Okay lang naman po Daddy, naiintindihan ko po. Pero masama po ang gagawin natin dahil hindi ako makakapasok ng isang buwan." Nag-aalala kong sabi kay Daddy.
"It's okay hija, baka nakakalimutan mo kung anong pangalan ang dinadala natin, isa tayong Manzana, makapangyarihan, at walang kinakatakutan." Bakit parang hindi magandang pakinggan ang pagkakasabi ni Daddy? Well base sa mga alam ko, hindi mayaman ang mga ancestors namin at si Daddy lang ang nagtaguyod ng sarili nya. Swerte dahil naging tagumpay ang kanyang firm at iyon ang tulay kung bakit ganito kami kayaman ngayon. By the way, he's Leandro Juno Manzana, One of the Best Architect in the Philippines.
BINABASA MO ANG
Serene Highness | On Going
RomancePain? Downfall? Betrayal? Oh, that's too easy to handle, because that words represent me, represent my love for someone who didn't love me at all. Well, here I am. Going back and raise hell coz I'm Pacifica Liliana Manzana, The Serene Girl that turn...