CHAPTER 2

321 18 33
                                    


"Saan ka galing?" 


Napahinto ako sa paglalakad sa aming bahay nang marinig ko ang tanong ni mommy. I looked at her slowly and saw her cold stare. May hawak-hawak siyang wine glass at paniguradong umiinom siya ng paborito niyang Musigny Vieilles Vignes Burgundy 2014 Domaine Comte George de Vogüé. 


 And yep, my mom is addicted to wines and champagnes. Sa sobrang pagkaadik niya ro'n, gumagastos siya at naglalabas ng pera nang walang habas.


"I went out with my friends," pagsisinungaling ko.


"No, you didn't," malamig niyang balik sa akin at naglakad papunta sa akin.


Tumitig lang ako sa kaniya at naramdaman ang tensyon na namumuo sa 'ming dalawa. Nagtitigan kami na para bang nagpapatayan kami sa isip hanggang sa narinig namin ang yapak sa likod ko.


Pagkalingon ko, nakita ko si daddy na kakarating lang din. Formal na formal ang kaniyang suot at muhkang galing siya sa party. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako.


"Keami," bati niya sa akin.


"Dad," bahagya akong ngumiti.


"At ikaw, Amal, galing ka sa kabit mo?" narinig ko ang boses ni mommy.


Nawala ang ngiti sa muhka ni daddy. "Hindi. Pumunta ako sa party ni Topher."


Sarkastikong natawa si mommy. "Huli ka na naman, Amal."


"Karen," naiinis na sambi ni daddy.


"Kakatawag lang sa akin ni Topher tungkol sa business, wala siyang pa-party ngayon," malamig na sabi ni mommy, napalingon ako sa kaniya. "At nabanggit niya sa akin na kakauwi lang ng anak niya galing sa kung saan ka niya nakita, Keami."


Napabuga ako ng hangin. "So what? I didn't ask money from you."


Nakakainis talaga. Tinago ko nga para hindi ako masita ng nanay ko, sinabi naman ni Kristoff sa tatay niya? The fuck!


"You're better than this, Keami!" tumaas ang boses ni mommy sa akin.


"Huwag mong sigawan ang anak ko, Karen," naglakad palapit sa akin si daddy.


"Oh, right!" puno ng sarkasmong hinawi ni mommy ang kamay niya sa amin. "Mag-ama nga naman. 'Yong isa may kabit, 'yong isa panay ang sayaw, wala namang mapupuntahan!"


"Ako lang ang nagkasala sa 'yo, Karen, huwag mong idadamay si Keami," mahinahong sambit ni daddy sa akin.


Napahalakhak si mommy. "So hero ka na ngayon ni Keami?"


Napapikit ako sa inis dahil nag-uumpisa na naman silang mag-away. Lumaki ako sa ganito. Lagi ko silang nakikitang nag-aaway tapos sa akin ibubunton ni mommy ang galit niya kay daddy. Kaya kahit anong gawin ko, hindi sumasapat ang lahat ng binibigay ko.

Miss Independent's Attachment [Manila Girls Series #2]Where stories live. Discover now