"Tara na, pangga."
Nalilito akong napatitig sa kaniya habang pinapanood siyang hilahin ako paalis sa harap ng mga tarantadong tambay.
Ano 'yong pangga? Salita ba 'yon? Hindi ko naibuka ang aking mga labi hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse kong basag ang salamin. Gusto kong magtanong kung ano ang ibig sabihin niyon pero hindi ako makapagsalita.
"Ano?" kaswal niya akong tiningnan. "Ayos ka lang ba?"
"A-Ahm," napalunok ako at sinalubong ang kaniyang tingin. "Ano 'yong..."
"'Yong?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Ahm..."
"Ahm?" naitikom niya ang bibig niya, lumitaw ang kaniyang dimple habang mapanloko akong tinitingnan.
Hindi ko na masabi pa ang salitang 'yon kaya umiling ako. "Wala, Kace."
Tumango siya at binalingan ang kotse ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Talagang pantay ang kulay niya, morenong moreno. Ngayon ko lang din napansing may hikaw siya sa kaliwang tainga at nang hindi niya sadyang kagatin ang labi, lumabas ang dimple niya.
Napakaangas niyang tingnan lalo na sa matangos niyang ilong at mamula-mulang labi. Kung hindi ko siya tititigan ay hindi ko mapapansin ang ganitong hitsura niya. Kanina naman kasi sa rooftop, puro kanang bahagi ng mukha niya ang nakikita ko.
"Anong balak mo niyan?" tanong niya at binalik ang tingin sa akin.
Napalunok pa ako at binawi ang aking tingin. "Ipapagawa ko."
"May dala ka bang pera?" tipikal niyang tanong.
"Mayroon naman," napapangusong sagot ko. "Pero hindi ko alam kung saan ko ipapagawa."
"Tsk, tara muna sa loob," naiiling niyang sabi at hinila ako sa pulsuhan.
Hindi na ako nakapagsalita pa o nakapalag dahil hinila niya na ako papunta muli sa loob ng bahay nila. Ramdam ko pa ang titig ng mga kapitbahay nila pati ang bulungan. Siguro ganito talaga rito. Akala ko sanay na ako sa ganitong pamumuhay nila Dua, pero hindi pala. Parang gusto ko tuloy basagin ang mukha ng lalaki kanina.
Durog talaga ang salamin ng sasakyan ko. Purong puro at solid ang pagkakahampas doon. Pabayaran ko kaya buong kotse ko roon? Tsk.
Nang makapasok sa loob, nasalubong namin si Dua na papasok pa lang ng sala at mukhang kakatapos lang maghugas ng pinggan. Napaawang ang kaniyang labi nang makita ang kamay ni Kace na nakahawak sa pulsuhan ko.
"Ano 'yan?" nagugulat na tanong ni Dua.
YOU ARE READING
Miss Independent's Attachment [Manila Girls Series #2]
Romance****ManilaGirlsSeries#2**** Keren Amiara Temblique, the perfectionist and independent girl. She had flings, but it just ended there. Keren Amiara's not interested in men because they are not independent like her and she wants a man who will fit perf...