EPILOGUE

456 30 70
                                    


tw // death



"Hi, miss! Ako nga pala si Kace!"


Maganda naman ang bati ko sa babaeng kaharap ko pero parang malaki ang galit niya sa mundo. Ang ganda-ganda niya pero lahat ng tao, sinisimangutan niya na parang may ginawa sa kaniyang masama.


"I don't take money from dancing, Kace. I can make my own money if I want to, I'm independent."


Luh? Sinabi ko bang pineperahan niya lang ang pagsasayaw? Pauso 'to.


Magaling sana siyang sumayaw kung hindi lang siya mukhang ma-pride. Ayos lang, maganda naman siya. Keren Amiara, 'yon ang pangalan niya. Ang unique, ngayon ko lang narinig 'yon.


Natapos ang competition at nakauwi ako sa bahay na nirerentahan namin ng nanay ko pati ng pinsan ko.


"Ma! Nanalo kami ng kapares ko!" nakangiting sigaw ko sa loob ng bahay. "May pang-isang buwan na tayong pangkain! Kinse mil 'to!"


"Salamat sa Diyos!" tuwang tuwa si Mama. "Hulog talaga ng langit ang anak kong si Kace!"


"Literal na hinulog mula sa langit, tita! Hindi kasi tinatanggap 'yang ganiyan sa langit!" singit ni Dua.


"Heh! Epal mo!" irap ko.


Pinanganak ako nang hindi magagara ang damit at gamit. Iniwan kasi ni Mayor ang nanay ko dahil nalugi ang kompanya nila Mama. Kasabay niyon ang pagkamatay ng mga magulang ni Mama kaya nalubog siya sa hirap. Sakto pang pinanganak niya ako, kaya kinailangan niya talagang kumayod.


Sapat na sa akin ang ganitong buhay. Hindi man kami mayaman, at least nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Hindi ko na rin papangaraping yumaman dahil paniguradong malabo 'yon. Pero kung papalarin ako, bakit hindi 'di ba?


Umupo ako sa papag namin at binuksan ang phone ko. Nag-ingay na naman ang group chat namin sa Messenger.


Daje Velazquez changed your group chat name to "Tambay sa Rooftop Gaming"


Natatawa akong napailing saka nagtipa.


Kace Julius Laxamana: mga tanga


Daddy Cyd: who the fuck changed my nickname?


Kace Julius Laxamana: hi daddy cyd


Daddy Cyd: fuck you kace


Kace Julius Laxamana: gago pangit ng trip mo, di tayo talo tol


Daddy Cyd changed his nickname to "Cyd Nixon Arcangel"


Daje Velazquez changed your nickname to "Kace Gumigiling"

Miss Independent's Attachment [Manila Girls Series #2]Where stories live. Discover now