Namanhid ako. Sobrang namanhid ko. Ginawa ko lahat ng sinabi ni mommy, sinunod ko lahat ng utos niya. Kung dati tinatawag kong 'parang' robot ang sarili ko ngayon, masasabi ko nang natuluyan ako. I became a robot. No feelings at all.
Nawalan ako ng gana sa sarili ko. I still act like I am still myself but I knew that I wasn't the same anymore after Kace and I broke up. Hindi na rin ako nakakatulog nang maayos. Pinapagod ko lagi ang sarili ko.
I work hard to distract myself. That was the only reason why I'm still sane. Kapag wala akong ginagawa, hindi ko napipigilan ang sarili kong i-text siya o tawagan.
Pati nga ang pagpunta sa trabaho, hindi ako pinapayagan nila mommy na mag-isa. Si daddy ang naghahatid at nagsusundo sa akin sa trabaho. Pumayag din ako dahil ayaw kong maghabol. Kung iniwan niya ako, eh 'di okay.
Si Kace lang naman 'yong nawala, e, pero pakiramdam ko lahat ng mabubuting bagay sa mundo, nawala sa kamay ko. Hindi ako makaramdam ng saya at satisfaction.
Dalawang taon na kaming hiwalay ni Kace pero siya pa rin. Pinayagan na akong mag-isa ng mga magulang ko kaya nakakalabas na ako kasama sila Kriesha. Noon ko lang nalaman na umalis pala ng bansa si Baddie, walang kahit anong rason na iniwan sa amin.
I worked hard to deserve the position. Although they have no choice but to choose me as the next CEO, I still need to deserve that position. Ayaw kong mapagsabihang tamad ng mga hahawakan kong empleyado. They must see what I can do so they will work efficiently.
Hanggang sa napasa na sa akin ang posisyon. It wasn't easy being a boss. I need to be fierce. Kailangang katakutan nila ako. Ayaw kong maging 'friendly' sa kanila para malaman nila kung sino ako.
Nagtrabaho ako nang nagtrabaho. Nilunod ko ang sarili ko sa pagtatrabaho sa kompanya namin. Noon ko lang naranasang hindi mag-react si mommy sa ginagawa ko. She became silent, just watching how I will handle everything in our company.
Lumago nang lumago. Umabot pa sa puntong kinailangan kong pumunta ng ibang bansa para sa meeting. Ang dami-dami kong napuntahang bansa, nakaranas ng iba't ibang experience at nakihalubilo sa iba't ibang klase ng tao pero heto ako, nag-iisa pa rin.
I got no one but my fierce self. I have to act strong and not affected of what happened years ago. There are times na hinihiling ko na sana huwag niya pa rin akong makalimutan. Hinihiling ko rin na sana magtagpo kami isang araw tapos magkabalikan.
But it was impossible. I know him. Hindi siya nagsasayang ng oras. I know that he can find someone else and I'm sure he will.
Thinking of him caused me pain. I realized that I really lost everything. I lost Kace... I lost Dua, my best friend... I even lost myself.
Oo nga't ang ganda na ng buhay ko. I earn a lot but still, there's emptiness inside my heart. Nakabuo na rin ako ng sariling bahay pero pakiramdam ko wala pa rin akong tahanan.
After overthinking many fucking times because of him, I have finally decided to focus on myself. Pilit ko siyang inaalis sa isip ko kahit na mahirap. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na ayos ako kahit wala siya. I don't need him. I don't need him... But still, I lost. Hindi ko pa rin magawa.
YOU ARE READING
Miss Independent's Attachment [Manila Girls Series #2]
Romance****ManilaGirlsSeries#2**** Keren Amiara Temblique, the perfectionist and independent girl. She had flings, but it just ended there. Keren Amiara's not interested in men because they are not independent like her and she wants a man who will fit perf...