PROLOGUE

235 10 0
                                    

Isang simpleng studyante lang ako, mahilig mag basa ng mga pocket books, mahilig mag diskubre ng mga kwentong underrated at grabe humanga sa mga authors na bihasa sa pagsusulat.

May pagkakataon minsan na napapaisip ako na gusto ko rin maranasan ang buhay ng isang fictional character sa libro.

Pero siguro napaka impossible namang mangyari ang mga gano'n sa totong buhay, I'm just a kind of boring girl na mahilig magbasa, independent at.. 'yon lang. Kaya bakit ako mangangarap na maging isang fictional character, heller? Ayos lang ba ako. Well, hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung gano'n ang naiisip ng inner self ko.

Maaga akong nagising dahil obviously, papasok nanaman ako sa school nang mag-isa. Kakain nang mag-isa at mamuhay nang mag-isa. 'Yun ang cycle ng buhay ko, because my daddy left me at a young age at si mommy nalang ang natitirang pamilya ko nung nawala si daddy. But unexpectedly she left me too, she needs to go to paris for my sake.

Hanggang sa hindi katanggap-tanggap na dahilan para sa akin ay pati ang mommy ko ay nawala na rin dahil sa isang trahedya na nangyari sa kanya sa paris. Masakit na mawalan ng mga magulang sa murang edad, halos hindi ako makakilos kung ano ba dapat ang gagawin ko para malagpasan ang mga pagsubok sa buhay ko. Kaya pinapasalamat ko na nandyan 'yung mga kapatid nila mama at papa na kahit papano ay sinusustentuhan nila ang pangangailangan ko.

Bumangon na ako at hinanda ang sarili ko, mayat-maya ay oras na para pumasok kaya kailangan ko nang magmadali.
Naisipan kong dumungaw sa bintana para na rin maisara ko na, ilang beses akong nag panggap na hindi ko sya nakita pero hindi parin nawawala ang kanina pang nakatingin sa'kin na matanda. May kaputian na rin ang kanyang buhok, kunot na ang kanyang noo dala na rin ang kabuuan ng mukha. May saklay ito at nakakakilabot ang mga titig nya na parang may gusto itong ipahiwatig sa'kin.

'Ano kaya ang kailangan nya?'

Hinayaan ko lang iyon at nagmamadaling umalis sa bahay at direktang pumasok sa school but the timing is always there, I see her again. Sumenyas siya'ng lalapit ako sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba s'ya o mag kukunwari nalang na hindi ko sya nakita, pero nabigo nanaman ako dahil parang may tumutulak sa'kin na lumapit sa kanya.

'Ano ba ang meron sa matandang 'to bakit ang bigat ng nararamdaman ko sa kanya.'

"Hija, halika 'wag kang matakot." Sa pag bigkas niya ay parang nawala 'yung kaba na nararamdaman ko kanina pa.

'Pero bakit parang may alam ang matandang ito kung ano yung nararamdaman ko? hindi kaya manghuhula sya?'

"B-bakit po?" Nauutal kong tanong payuko ang ulo ko para ipakita ang pag galang.

"Ang mundo ay mapaglaro, maaaring dahil sa iba't-ibang nararamdaman ng tao. Kapag hindi na kaya ang bigat ay kusa itong kikilos upang baguhin ang kwento sa sandaling panahon. Hindi dahil sayangin ang oras kundi ito ang paraan na mahagkan ang inaasam-asam sa hindi maipaliwanag na dahilan." Tutok ang mga mata ng matanda habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

'Nag tutula ba sya?'

Ang lalim ng mga sinabi nya at kahit isa man lang ay hindi ko naunawaan kung ano ang ibig sabihin 'non.

'Pero bakit parang natatamaan ako sa mga pahiwatig niya.'

"Pasensya po nanay, hindi po ako mahilig sa tula." Inosenteng sagot ko.

Hindi na sya kumibo pagkatapos 'non, nabigla nalang ako nang ilahad nya sa akin ang walong pocket books.

"P-para saan po ito nay?" Tanong ko.

"Alam kong kailangan mo 'yan, silbi 'yang regalo sa susunod na kaarawan mo." Nakangiti nyang iginawad sa'kin ang librong 'yon. Nagdadalawang isip din ako kung kukunin ko ba ang mga 'yon. Ngunit mas mapilit n'yang pinahawak sa'kin ang mga libro kung kaya't hindi ako nagkaroon ng lakas para tanggihan ang alok nya.

"Nanay, malayo pa po ang kaarawan ko. T-tsaka wala po akong pambayad sa mga librong 'to. Isa pa po mahihirapan po ako bitbitin ang mga ito at maya-maya na ay papasok na po ako." Pag dadahilan ko para tanggihan ang mga libro na iyon. Pero sa totoo nyan ay nabasa ko na lahat namg yon.

"Para sa iyo ay libre na iyan hija." Matamis ang ngiti nya.

Nararamdaman ko 'yung sinsero nya sa pag alok sa akin ng librong 'yon. Kaya buong puso ko na ring tinanggap ang mga libro at alam ko rin sa sarili ko na nakakahiligan ko rin ang mag basa.

Hindi na ako nag tagal pa ay nagpasalamat ako at nagmamadaling pumasok sa room. Nagsimula na nga ang araw ko sa school at marami ang pinagawa sa amin as usual, kaya pinagtulungan din namin ng mga kaklase kong matapos ang mga projects para maipasa na agad.

Natapos ang buong araw na 'yon na abala kami ng mga kaklase ko. Pagod akong nakauwi sa bahay. Tinapos ko na ang night routine ko at handa nang matulog. Pero pakiramdam ko ay may bumabagabag sa'kin. Tumayo ako para kumuha ng tubig sa labas ng kwarto, pero hindi parin maganda ang feeling ko ngayon. Pagka balik ko ng kwarto napa atras ako nang makita na lumiliwanag ang mga walong aklat.

Anong nangyayari?

Lumapit ako at dali-daling kunin ang mga libro at itatapon sana iyon nang bigla itong malaglag sa mga kamay ko kahit na mahigpit naman ang pagkakahawak ko. Bumukas ang unang pocket book at dahil sa liwanag ay natakpan ko ang mga mata.

"Ahhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ko.

"What happen?" Narinig ko ang boses ng lalake sa gilid ko. Sa gulat ko ay napatalon ako sa kama.

Kama?

"S-saan ako? w-wag kang lumapit!" Kinuha ko ang suklay na nasa vanity table at tinutok 'yon sa kanya.

"What's wrong with you Anastasia?" Nag aalalang tanong nya habang kumukunot ang noo.

"S-sino ka?" Nagtataka parin ako sa mga nangyayari kung bakit ako napadpad dito.

"Anastasia, calm down. It's me Luigi." Kalmadong sagot nya. Naka topless lang sya kaya napapikit din ako habang naka tutok parin ang suklay sa kanya.

"Sinong Luigi? Luigi Muhlach? Luigi Revilla? Sino!?" Hindi ako mapakali at nag aalala ako sa mga nangyayari.

Bumuntong hininga sya. "It's me, Luigi Gerrero."

"Ano!? Luigi Gerrero?"

"Yes. It's me."

Kapangalan nya ang karakter sa pocket book na binigay ng matanda.

NEW BOOK NEW HUSBAND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon