(Chapter 7)
"Sorry ate," naaawang habilin sa'kin ni Reyzian at itinulak ako sa loob.
'Oh freak!'
Tumakbo ako sa kanila ngunit kasunod 'nun ay ang pag kalabog ng pintuan, pilit kong binubuksan 'yon pero kasunod 'nun ay ang tunog ng kandado, malakas ang pakiramdam ko na ikukulong nila ako silid na'to. Mabilis pa naman akong matakot lalo na sa madilim na lugar, hindi ko rin nagustuhan ang amoy sa loob dahil parang patay na daga at nakakasuka.
"Reyzian! Reymian! palabasin niyo ako dito!" Parang namamaos na ang boses ko dahil sa malakas na sigaw ko, pero wala akong may narinig na tugon sa kanila kundi yapak lamang ng paa na senyales na iiwan na nila ako dito sa silid na'to.
Napaupo ako habang nag iisip kung paano ba ako makakalabas dito gayong wala namang bintana sa loob ng silid na'to. Madilim at mabaho, mainit at nakakatakot. Ito lang ang madidiskripsiyon ko sa silid na'to.
Napaupo ako sa likod ng pintuan habang yakap-yakap ang dalawang tuhod na ngayon ay nanginginig na. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil, simula pa kahapon ay hindi pa ako nakakakain hanggang ngayon. Pakiramdam ko sobrang hina ko na. Humagulgol ako sa pag iyak nang kawalan ng pag asang makalabas dito.
"May tao ba d'yan?" Napatayo ako nang marinig ang boses ng babae sa sulok ng silid na'to, hindi ko makita ang mukha dahil sa dilim pero naririnig ko ang boses nito na nanghihina na rin."M-may tao pa po," tugon ko dito at pinilit na tumayo para sundan ang boses na 'yon. Natigilan nalang ako nang may maapakan ako.
"Ahhhhhh!!!""Pakihinaan ang boses mo!" Mahina ngunit nananaway nitong sabi sa'kin. Parang naistatwa ako dahil kakaiba talaga ang naapakan ko. "D'yan kalang h'wag ka'ng umalis." Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko dahil sa kakaibang bagay o kung ano ma'ng naapakan ko. Hindi ako gumalaw at sinunod nalang ang sabi ng babae.
"A-ano 'tong naapakan ko?" pilit kong tinatagan ang sarili. Naramdaman ko nalang ang presensya niya na nasa paanan ko na rin, kinuha niya ng dahan-dahan ang paa ko doon sa naapakan ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim.
"Si Benny ang naapakan mo." nanghihina na ang boses niya na parang naghahabol narin ng hininga. gumaralgal ngunit pilit niya itong nilalabanan.Simula nang marinig ko 'yon gano'n nalang din akong kinabahan ng tudo, halos ang balahibo ko naramdaman ko rin ang pag tayo. Napaatras ako dahil sa takot.
"S-sinong Benny?" Napansin ko rin na kanina niya pa kinakapa ang katawan nito na parang may hinahanap na parte ng katawan.
"Siya ang kuya ko." Nang sabihin niya 'yon ay katahimikan ang namutawi sa loob, napatakip rin ako ng bunganga ko dahil sa nalaman, hanggang sa marinig ko nalang na mayro'n siyang kinaladkad at dinala 'yon sa sulok.
Pero hindi parin nawala sa isip ko ang mga tanong na bakit siya nandito? ilang araw ba siya nandito sa loob? Bakit namatay ang kuya niya? Ano ang mangyayari sa'min dito? Mamamatay lang rin ba kami tulad ng kuya niya? Hindi ko alam ang susunod na mangyayare sa'kin sa librong 'to. At mas lalong-lalo na ayaw kong manatili sa madilim at mabahong silid na'to. Kaya kailangan naming mag hanap ng paraan upang makalabas kami.
"You, why are you here?" tanong nito sa'kin.
"Itinapon nila ako dito, napagkamalan ako, hindi ko naman alam kung ano ang ibig nilang sabihin." Malungkot na sagot ko habang pinaglalaruan ang mga kuko, dahil sa takot. "Ano ba ang tinutukoy nila?"
"Tch! kalaban ng magkakapatid na 'yon ang black knights," parang naiirita nitong sagot.
Marami akong hindi alam sa kwento, maraming mga bagay, pangyayare, tauhan at mga sekretong hindi naiibubunyag sa libro ngunit nabubunyag 'yon sa mismong harapan ko. Sandali pa ay katahimikan ang namutawi sa'min sa loob.
BINABASA MO ANG
NEW BOOK NEW HUSBAND [COMPLETED]
FanfictionA high school girl who loves reading books. Ulila sa magulang at namumuhay mag-isa. Paano kaya kung isang araw ay may makikilala syang matanda na magbibigay sa kanya ng panibagong tsansa upang makita sa personal ang mga paborito nyang karakter sa l...