Chapter 3: Aking Heneral

85 6 0
                                    

(Chapter 3)

"Isang tulisan!" Naalimpungatan ako sa mga boses na nanggagaling sa 'di kalayuan.

'Oh freak!'

Nag tago ako sa mga halaman na matataas, malayo sa mga guardia civil. Alam ko na kung bakit nangyayari 'to ngayon sa'kin.

Sa t'wing binabasa ko ang mga storya na nasa librong binigay sa'kin, nararanasan ko ang lahat ng kung ano ang nararanasan ng bidang babae sa kwentong binasa ko.

Muntikan na akong mapasigaw nang biglang may nag takip sa bunganga ko. Freak! patay na ako.

"Isa ka ring tulisan," Napalingon ako nang marinig ang boses na bumulong sa tenga ko, habang tinatakpan ang bunganga ko.

'H-heneral Velasco Delos Santos?'

Naka uniporme siyang pang heneral at kung 'di ako nagkakamali. Isa rin ito sa mga fictional character na ilang beses nang nag paiyak sa'kin dahil sa mga scene nila ng bidang babae.

"Tumayo ka!" Bigla niyang sigaw kaya mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Kailangan ko nanaman harapin ang madugong bakbakan ng kwentong 'to.

Tumakbo papalapit sa'min ang mga guardia civil na may mga dalang baril. Hinawakan nila ang magka bilang kamay ko at kinaladkad, pinilit kong kumawala sa mga kamay nila pero dahil sa sobrang lakas ng pwersa ng mga lalakeng 'to, mahihirapan talaga akong kumawala.

Sinusundan kami ni Heneral Velasco, at wala man lang siyang ginawang bahid ng pag aalala para kunin ako sa mga kamay ng mga guardia civil.

"B-bitawan niyo ako mga puteks! mamaaaaa!" Parang iiyak ako, bakit ba kasi ito pa ang pinili kong storya.

Ang ibang nadakip nila ay ang totoong kasapi ng mga tulisan, karamihan sa kanila ay puro mga lalake. Napaka payat nila at duguan din ang mukha dahilan yata ng pag hahabulang ginawa nila.

Napapikit nalang ako. Hindi ko na alam ang manyayari kung dito ako mamamatay sa libro, gusto ko pa namang magpatayo ng 14th floor na hotel tapos sa loob lang ako ng libro mamamatay. Napaka unfair.

Nang makarating kami sa dugeon hindi rin naiwasan ang mga bulung-bulungan ng mga tsismosa sa labas. Nadaplisan ng matitinik na bato ang tuhod ko dahil nag pupumilit ako kaninang bitawan nila kaya napaluhod ako sa kagagawan ko.

Tumigil sila sa pag lalakad at hinintay ang anunsyo ng kanilang heneral. Lumakad si Velasco sa gitna nang hindi tumitingin sa mga mata ko.

"Ipasok niyo," Tipid na sagot niya at naunang pumasok. Muntikan na akong masuka nang makita ko ang mga pugot na ulo ng tatlong lalake, ito na ba talaga ang katapusan ko?

Pag pasok namin sa dungeon, pinaluhod kaming lahat nang nadakip at pinagitnaan ng heneral. Nakaupo siya na parang isang hari. Pag ako nakalabas sa librong 'to, hindi na ako iiyak sayong heneral ka! Napaka sama mo. Hinayaan mo lang akong lumuhod dito.

"Pakawalan niyo ang babaeng 'yan," binitawan ng mga guardia civil ang kamay ko na kanina pa namimilipit sa sakit dahil sa higpit ng pagkatali.

"Hindi ako tulisan!" Nangingiyak na sigaw ko sa harap ng heneral. Puputulin na sana ng guardia civil ang ulo ko nang magsalita si Velasco.

"Isang bayaran? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Parang gusto kong sabunutan ang Velasco na ito. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit maraming mga tsismosa ang bumubulong sa'kin kanina. Dahil iyon sa suot kong bandage dress.

"Hindi ako bayaran," Ma attitude na ako kung ma attitude pero para sa'kin hindi tamang tratuhin niya akong ganito dahil lang sa mataas ang ranggo niya sa pamahalaang 'to.

NEW BOOK NEW HUSBAND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon