Chapter 8: Think of you

63 5 0
                                    

(Chapter 8)

"Alleah!"

Parang matutuluyan ako nang makita ang napaka perpektong mukha ni Caime. Isa siya sa mga mayaman at gentlemen na character ng Think of you. Kapatid siya ni Cart na mahilig mambuyo noon kay Alleah.

"Are you okay now? Do you remember me?" Nag aalalang tanong niya sa'kin habang hinihipo ang bawat parte ng mukha ko na parang inaalaman ang kalagayan ko kung ayos lang ba ako.

Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko nang maramdaman ang presensya ni Caime. Alam ko naman na gwapo ang mga fictional character na nakita ko na, pero kakaiba parin talaga ang mukha ni Caime. Napaka amo ng mukha niya na parang kahit sinong babae ay mapagkakamalang anghel 'tong lalakeng 'to.

"Alleah? I'm asking you." Doon lang ako natauhan nang basagin ni Caime ang pag papantasya ko sa kanya.

"A-ayos lang ako." Halos mangapa ako dahil sa nakakatunaw na titig niya.

"Alleah, do you remember what happen to you yesterday?" tugon niya na may bahid parin ng pag aalala sa mukha nito. Yesterday... Ang alam ko nangyari 'to kay Alleah dahil sa grupo ni Bonjoi na pilit siyang itakas para madakip si Cart. Tama! At si Cart ang nag ligtas kay Alleah, pero bago pa nangyari 'yon ay nagkaroon na ng pasa si Alleah. Kaya siguro sumasakit ang likuran ko ngayon at pakiramdam ko namamaga ang mukha ko. Kaya ako ngayon ang mag susuffer nito. 

"O-Oo," Nakaka distract ang mga titig niya.

"So, do you know who's those person?" Halata sa mukha niya ang interes.

"Alleah." Biglang pumasok ang matandang lalake at babae na may magagandang mukha, kaya hindi ko agad nasagot ang tanong ni Caime.

Naagaw ang atensyon ko sa presensya nila. Kung pagbabasehan sa mukha parang nasa edad 40 ang kanilang edad pero kita parin ang mestizo at meztisa nilang nag aagaw atensyon.

"Mom, dad. She's awake now." Humalik si Caime sa pisnge ng ina nito at binalik ulit ang atensyon sa'kin. Para naman akong naistatwa dahil sa awra nila.

"Oh really?" Nasasabik na tanong nito sa anak at itinuon sa'kin ang atensyon. Inilapag niya sa hospital table ang bouquets at tinabihan ako.
"How are you Hija?" Nakangiti nitong tanong. Napaka ganda ni tita.
"Do you remember what happen to you last night? Alam mo ba kung bakit ginawa 'yon sayo? Sino ang sumagip sayo Hija? Sino ang gumawa 'nun sayo? Bakit niya ginaw—"

"Francheska stop it, you have so many questions at isa d'yan hindi 'yan masasagot ni Alleah... She's not totally fine hon. Give her rest." Panunuway ni tito habang nasa couch katabi si Caime. Napanguso naman si tita dahil siguro hindi ko nasagot ang lahat ng tanong niya.

"Bukas na bukas pwede kanang makalabas sa hospital Hija, pero sa bahay mo itutuloy 'yang paggamot sayo. I let Caime to take care of you."  Sabi ni tita pero bigla nalang bumukas ang pinto ng hospital at bumungad sa'min si Cart.

"Ako ang mag aalaga sa kanya." He insist.

Natulala ako sa mukha ni Cart. Halos lahat ay na nasa loob dito ay naagaw ang atensyon niya. Napaka segurado din niya sa sagot at wala itong halong biro.

'Ang gwapo niya.'

"Ako ang mag-aalaga kay Alleah." Sagot naman ni Caime na ngayon ay nakatayo na, na parang nagkikipagsapalaran sa kuya nito gamit ang titig.

"No... Do you remember that you have an event tomorrow?" Tumagilid ang mukha ni Cart habang hindi napuputol nito sa kapatid.

"We can do that the next day." Rason ni Caime.

NEW BOOK NEW HUSBAND [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon