(Chapter 2)
"Y-you mean ako si Anastacia Vasquez?" Kinakabahan ako sa sariling naisip ko. Hindi ko man lang namalayan na naitanong ko na pala sa kanya ang gusto kong itanong kanina pa.
"Ganyan ba ang epekto ng amoy ng bacon? Nakakalimutan mo agad ang pangalan mo." Gusto kong i-untog ang ulo ko sa pader.
Nasa libro si Luigi Gazero, impossibleng makaharap ko siya at kasabay na kumain. Parang naloloka na ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Nag ha-hallucinate lang ba ako? Baliw na ba ako dahil sa mga nababasa ko o nananaginip lang ako.
Kung panaginip lang 'to sana ay mas ma enjoy ko ang time na kasama ko ang nag iisang Luigi Gazero na napaka gwapong doctor sa wattpad world.
Nakagat ko ang ilalim ng labi ko dahil sa kaba. Dahil hindi 'to panaginip, gising na gising ako ngayon at nasa harap ko si Luigi Gazero.
Tumayo ako at nag hanap ng patnubay na siya nga si Luigi Gazero. Pumasok ako sa kwarto at hinanap ang gamit niya na nang makita ko ang coat na kulay puti. Coat 'yun ng mga doctor at naka lagay nga 'dun ang pangalan niya.
Naramdaman ko nalang na nanghina ang katawan ko at namamanhid ang mga tuhod ko sa kaba. Napabagsak ako pero agad naman akong nasalo ng lalakeng 'to ngunit natuluyan nang manlabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong makita.
DINILAT ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga malamig na dampi ng kamay sa noo ko. Halos hindi ako makagalaw dahil patuloy parin akong kinakabahan. Pinilit kong tumayo pero pinigilan ako ni Luigi.
"You need to rest, masyado kang na shock sa mga pangyayari. Don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo." Napanatag naman ang loob ko dahil sa katagang lumalabas kay Luigi.
May parte sa'kin na ayaw maniwala, pero mas nananaig ang kaba dahil hindi ako makapaniwala.
"I-ikaw ba talaga si Luigi G-gazero?" Hindi ko ininda ang nanghihinang katawan ko at nag matigas parin na umupo nalang sa kama keysa humiga. Napadaing pa ako dahil ramdam ko ang pag sakit ng likuran ko.
"You ask me that question earlier." Pinagkrus niya ang mga kamay at sumandal sa upuan na para bang binabasa niya ang ibig ipahiwatig ng mga mata ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakakatunaw talaga ang mga titig ni Luigi. He's 30 years old pero kung titigan ng maigi parang 20 lang ang edad ng lalakeng 'to.
Hindi ko lubos maisip na katulad talaga siya ng fictional character sa librong 13 years gap. Pakiramdam ko ay namula bigla ang pisnge ko.
Mas lalo akong napakapit sa bedsheet ng kama nang bigla niyang punasan ang namumuong pawis na kanina pa pala tumutulo sa noo ko, hindi ko man lang namalayan.
"What's wrong?" Nilapit niya ang upuan sa'kin hanggang sa magka harap na kami. Halata sa mukha niya na nag aalala siya sa sitwasyon ko ngayon.
Maging ang mga kamay niya ay maugat rin, ang linis niya rin tignan.
Freak! bakit ba kanina ko pa siya pinapantasyahan?"I-i need water." Winayway ko ang kamay ko na parang naiinitan.
"Okay, i get some for you. Just stay here inside." Parang may awtoridad niyang tugon sa'kin at lumabas na ng kwarto.
Iginala ko ang paningin ko sa kabuo-an ng kwarto. Naalala ko na gantong-ganto kung idescribe ni Yira ang kwarto ni Luigi Gazero sa point of view niya.
'N-nasa bahay ako ni Luigi!?'
Napatakip ako sa bunganga ko dahil sa ideyang 'yon. Agad namang bumukas ang pinto at bumungad si Luigi 'dun na may dalang dalawang glass of water. Bakit dalawa?
BINABASA MO ANG
NEW BOOK NEW HUSBAND [COMPLETED]
FanfictionA high school girl who loves reading books. Ulila sa magulang at namumuhay mag-isa. Paano kaya kung isang araw ay may makikilala syang matanda na magbibigay sa kanya ng panibagong tsansa upang makita sa personal ang mga paborito nyang karakter sa l...