Three

3.2K 73 7
                                    

Three

"MISS NIKKI pwede paki-photocopy naman nito." I look to the woman who just spoke and saw she's holding a bunch of paper.

"Uh, yeah. Sure." I said and grabbed the papers. Pagkatapos niyang maibigay iyon ay tinignan niya muna ako ng maigi sa mukha dahilan para mailang ako ng kaunti. "Yes?" I asked.

Naningkit lang ang kanyang mata. "You look very familiar." Aniya at pilit na ngumiti na lamang.

I've been working and running errands for the HR department for hours and I noticed that a lot of people are looking at me in a... different way. Like they're shocked or surprised to see me here and some are even whispering everytime I walk pass by them. But I don't care.

I keep accepting works and running errands para mapalapit ako sa opisina ng admin pero puro mga pagpo-photocopy at pagtitimpla lang ng kape ang pinapagawa nila sakin. Sometimes Anj will tell me to fetch some papers but only to the Engineering and Architecture department only. Kahit anino ni Jericho ay hindi ko pa nakikita sa araw na 'to.

Hindi ko rin naman matanong si Caila dahil marami raw itong tinatapos ayon kay Anj para raw sa kanyang maternity leave and I don't want to bother her.

Mabuti na lamang ay 'yon na ang huli kong ginawa bago mag-lunch. "Caila..." Tawag ko.

"Oh, tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Nakangiti niyang tanong.

I chuckled. "Yeah. Puro photocopies and coffees lang naman ang hawak ko ngayon."

"Oh well, bukas siguro ipapasa naman kita sa Engineering department. Doon for sure marami ka ng gagawin dahil may bago na naman silang project." She said.

Tumango lang naman ako at sumabay sakanya lumabas ng opisina. Nasa loob na kami ng elevator ng mapagpasiyahan kong tanungin siya tungkol kay Jericho. "Hindi ba... papasok si Jericho ngayon?" I asked.

Ngumisi naman si Caila sakin at kinurot ng bahagya ang tagiliran ko. "Ikaw ah," pang-aasar niya. "Hindi ko rin alam eh. Pero I'm sure na nandito lang siya sa building, bumibisita lang sa ibang kumpanya, y'know what I mean?" I just sighed and nodded my head.

Napansin naman niya ang pagkadismaya ko kaya tinapik niya ang kamay ko. "Hey, magkikita rin kayo okay?" And I just smiled.

Pagkababa namin ay naabutan nami si Markie na nakauniporme at naghihintay. He gave his wife a kiss and a friendly hug to me. "Tara na?" Yaya niya.

Papalabas na kami ng electronic gate ng kumpanya ng nagsalita si Markie. "You're craving for chinese food sweetie pie, right?"

Saglit namang natigilan si Caila at nginitian ng kaunti ang asawa. "No, I want fastfood right now." She chuckled. "Sa loob lang tayo ng building kakain."

Kumunot naman ang noo ni Markie at nakangiting nakatingin lamang ako sakanila. "You don't eat fastfood Caila and you never eat here inside the building."

Caila looked at me and chuckled nervously and eyed Markie. "Gusto ko ngayon." Natatawa naman ako sa mga ginagawa ng dalawang 'to. Before I turn my back to them, nahuli ko pa si Caila na may binulong kay Markie na ikina-singhap nito.

WE'RE now sitting in a round table and eating our sandwiches. Totoo nga na hindi gaano kumakain ng fastfoods si Caila, mabuti na lamang at may Subway dito. We're just silently eating when I caught Markie's giving me a playful look while smirking. Napansin naman iyon ni Caila kaya nahampas niya ito dahilan para tumalon ang kinakain nitong pagkain.

"What's with you two, seriously?" I giggled.

"Huwag mong pansinin 'to--"

"Nagkita na kayo ni Jeric?" Panunudyo ni Markie sakin. Sinamaan ko nama siya ng tingin at ngumuso. "'Di pa nga eh."

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon