17

4K 79 2
                                    

17

HINDI ako mapakali habang nasa byahe kami at papaluwas. Mabuti na lamang at pamilyar si Jericho sa mga daan at hindi kami natagalan sa byahe.

Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad kong tinawagan ang private nurse ni Lola.

Nasa aking likod ang kamay ni Jericho habang humahangos kami papunta sa ICU kung nasaan si Lola.

"E-Excuse me—"

"Ate!" Rinig kong malakas na sigaw ng private nurse ni lola sa di kalayuan.

We ran to her while I'm in the verge of crying. I sensed that Jericho saw it and he tightens his hold in my waist.

"W-What happened?" Tanong ko.

"H-Hindi ko rin alam ate, basta kanina nanakit na lang bigla yung dibdib ni Lola tapos nag-collapse siya." Aniya.

Tuluyan naman akong nanghina pero mabuti na lang ay nasalo ako agad ni Jericho at inupo sa metal na upuan.

I felt that he also sat beside me and rubbed both of my arms, calming me. "Shh. Calm down, babe."

"J-Jericho..." Tawag ko sakanya. Agad naman niya kong niyakap at inalo.

"Carmen." Rinig naming tawag sa private nurse ni Lola.

"Doc, siya po yung kamag-anak." Pakilala niya samin. Tumayo naman kami muli at pinunasan ko ang aking luha.

"D-Doc." Nginitian naman ako ng matandang lalaking doctor.

"Miss Barcellano?" Tumango naman ako. "Ang Lola mo ay nagkaroon ng Coronary Spasm, don't worry dahil naagapan naman namin iyon. Mabuti na lamang at walang blood cloth na nangyari. Natagalan lamang kami dahil sa katandaan ng Lola mo. She's very fragile in her age, that's why we have to make our moves careful."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ililipat na sa pribadong kwarto ang Lola mo." Aniya at umalis na.

Sinundan naman siya ni Nurse Carmen at naiwan kaming dalawa ni Jericho.

Hinarap ko naman si Jericho na mukhang nakahinga rin ng maluwag. Niyakap ko agad siya ng tignan niya ako.

"Thank you so much."

MABILIS na dumaan ang mga araw. Ang akala naming aayos na lagay ni lola ay naging kabaliktaran. Three days after we got home, sumakit na naman ang kanyang dibdib dahilan para itakbo namin siya ulit sa ospital. Mas naging delikado ang lagay niya dahil kailangan siya ulit operahan.

Hanggang sa lumala ng lumala ang kanyang lagay. Ang sabi ng doctor ay STEMI raw ang nangyayari kay lola. Ang kanyang coronary artery raw ay na-block kaya hindi na nakapag-receive ng dugo.

Due to my grandma's age and her recent surgery, she became more weak leaving her in comatose after her another surgery.

It has been almost a month since that happen and she's still not making any progress. Hindi na rin ako nakakapasok sa klase kahit na may private nurse naman na nagbabantay sakanya. But my aunties and uncles are planning on visiting here again due to my grandmother's condition.

I can't help but let out a sigh because of what's happening to us. I am barely eating, I lack sleep, and I haven't been in school since we got here again.

Jericho and I are barely talking, or I barely talk to Jericho now. It's just that I'm too occupied on what's happening and I have no time to go out. Mabuti na lamang ay naiintindihan ni Jericho iyon, kaya ang nangyayari ay lagi niya kong tine-text tungkol sa araw niya at siya ang palaging pumunta rito.

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon