Six

3.2K 74 3
                                    

Dedicated to @antagOOnist

Six

I'M in a good mood as we came back to the office. I'm walking with my head up and smiling to everyone and I don't care if they can see my puffy eyes because I'm too damn happy.

We finished our 30 minute meeting with Mrs. Camille Caguila with Jericho who was very professional. While Camille on the other was flirting with my man.

Sa unang samupung minuto ay talagang nag-init ang ulo ko dahil sa mga pahawak-hawak ni Camille sa kamay ni Jericho at ang kanyang nakakarinding pagtawa tuwing may sinasabi siyang biro. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong umiirap habang nag-uusap sila.

Kaunti na nga lang ang mga nasulat ko dahil puro not business related ang topic na sinasabi ni Camille until Jericho stood up and told her that she should just wait for our call.

Nagulat naman siya at ganon rin ako. Iniwan ako muli ni Jericho kaya nakita ko tuloy na sinamaan ako ng tingin ni Camille but I just flipped my hair to her and excused myself.

Now we're both back in the office and he told me to get some papers from the Engineering department.

I came back with the papers and knocked first to the glass door and opened it. Saglit lang siyang tumingin sakin at bumalik din agad sa kanyang monitor dahilan para ngumuso ako.

"Heto na po yung pinapakuha niyo." Ilalapag ko na sana sa lapag yung mga papel ng magsalita siya. "Leave those on my table." Aniya sa kanyang mababa at baritonong boses.

Nanlaki naman ang mata ko pero sinunod din agad ang sinabi niya. Habang papalapit naman ako sakanyan ay agad niyang tinalikod mula sa pagka-tilt ang isang frame sa harap niya. Nilapag ko agad ang mga papel sa itim na file tray na nasa desk niya at mabilis na lumayo at lumabas.

I sat on my cubicle and look back to his office where I caught him staring at me. Mukha naman siyang nagulat na nahuli ko siya kaya agad niyang sinara ang switchglass para hindi ko siya makita.

Natapos ang araw ko sa opisina at uuwi ng mapansin ko ang papalubog na ang araw. At dahil regular na kong empleyado ay alas nuebe na ng gabi ang aking uwi. Si Jericho naman ay pina-reschedule ang kanyang meeting sa isang kliyente at nag-undertime.

Si Caila naman ay tuluyan ng hindi muna papasok dahil malapit na siyang manganak kaya mag-isa na naman akong uuwi.

I'm about to book a Grab when a familiar Benz stopped in front of me. "Ma'am." Tawag sakin ni Kuya David, yung naghatid sakin noong isang araw. "Hatid ko na po kayo." Aniya.

Agad naman akong umiling. "Nako nakakahiya na po. Ayos lang po talaga." Paliwanag ko.

Nahihiya na kong sumabay lalo na't napansin kong mukhang may nakaupo na naman ulit sa passenger seat.

"Sige na Ma'am." Pilit niya at hinila ulit ako papasok sa sasakyan. Wala naman akong magawa dahil mas nakakahiya kung pipilitin kong humindi.

Sa likod lang ulit ako ng passenger seat pumwesto at tama nga ang hinala kong may nakaupo na naman sa passenger seat.

It's too dark inside thae car to see who's in front of me. Pero ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ngunit nao-overpower lang ito ng amoy vanilla ng sasakyan.

We're now stuck in traffic and the silence inside the car is killing me so I tried to find my Airpods in my bag but I couldn't find it. Nahampas ko ang noo ko at tumunog iyon dahilan para mapatingin sakin si Kuya David.

"S-Sorry po." Paumanhin ko. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Kuya David at sa harap ko. "Can I... can I play some music?" Tanong ko.

Hindi talaga ako mapakali kapag masyadong tahimik.

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon