Jericho Simon

4.3K 98 13
                                    

Huling Kabanata

IT'S been two months since Dominique was abducted by our former teacher. The investigators told me that she was not in a good mental state and she was crazy obsessed with my girlfriend.

I remember back in high school when I heard what she said to Dominique. I know she did something to her that made her nervous and scared to her that's why, for the first time, I used my connections to make sure that she'll leave the university.

I still can't believe that happened to Dominique under my care. I almost lost my shit when she was suddenly gone that night.

Agad ko siyang pinuntahan noon sa banyo at doon ko nakita ang lababong may dugo. Agad akong kinabahan sa pag-iisip na baka kay Dominique iyon at baka kung anong nangyari sakanya at tama nga ang hinala ko.

Hinanap ko siya sa buong hotel pero wala na siya roon. Agad kong pina-check ang CCTV at doon ko nakita na lumabas si Camille ng banyo at sumusuray suray na naglalakad palabas.

Mabilis kong pinahanap si Camille and I found her very drunk in a hotel room. Nawala lahat ng pagkalasing niya ng bigla kaming pumasok sa silid niya.

She was very shocked and confused when we interrogated her. I was so close on hurting her physically because she keeps denying Dominique's whereabouts.

Masyado akong nag-focus noon kay Camille dahil akala ko siya ang huling nakasama ni Dominique sa loob ng banyo. Pero biglang tumawag sakin ang head security ng hotel at sinabing nakita at nakuha daw sa CCTV si Dominique habang nakaakay sa isang babae.

Agad akong tumawag sa mga kakilala ko sa NBI at humingi ng tulong. We tried to locate her phone pero wala rin yung silbi dahil iniwan niya 'yon bago siya nawala.

We even tried to lockdown the whole city to make sure that they won't get away and leave the city. Hinanap namin siya sa mga malalayong lugar na pwedeng pagtaguan pero wala kaming napala. We did all of that in just one day pero wala kaming nakuhang ni-isang lead kung nasaan si Dominique.

Until the next day, one of my hired investigators told me na nakakuha ng tawag ang isang emergency hotline na mayroon daw silang naririnig na sumisagaw sa kalapit nilang bahay.

Kinutuban na ko noon na baka iyon si Dominique kaya agad akong pumuntang Cavite kung saan daw nangyari ang insidenteng 'yon.

Kinabahan at nagtataka ako kung bakit papunta sa dating bahay ni Dominique ang tinatahak ko. Tatlong beses ko pang sinigurado sa pulis na nagsabi sa'kin kung tama itong sinabi niyang address.

Maraming tao ang nakikiusyoso at mga pulis sa tapat ng dating bahay ni Dominique. Hindi ako makapaniwala na dito lang pala siya tinago ng babaeng 'yon.

Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa paligid. Nakita ko sa loob ng police mobile ang isang pamilyar na babae. Nang makita niya 'ko ay bigla itong nagwala at nagsisisigaw.

"H'wag mong kunin sakin si Nikki! Akin siya! Akin!"

Doon nakumpirma lahat ng hinala ko. Nandilim ang paningin ko kaya pilit kong binuksan ang pinto ng sasakyan para hiklatin ang babae at masaktan siya. Pinigilan ako ng mga pulis na nakapaligid at pilit akong pinapakalma.

Matapos nila akong mapalayo sa babae na si Ms. Macaya, biglang nag-ring ang cellphone ko. Bago ko pa man iyon masagot at nakita ko na agad ang babaeng hinahanap ko.

Magulo ang buhok at nakabalot siya ng puting tuwalya habang nakaupo sa loob ng ambulansya.

Wala akong pakielam kung sino man ang nababangga ko at tinakbo ko ang distansiya naming dalawa ni Dominique.

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon